“Ikaw si Princess Amira? Ang hinahanap ng mga pulis nong nakaraan at ng limang kalalakihan kanina?” pag-uulit na tanong ni Silver sa babae na patuloy pa rin ang pag-iyak.
Tila hindi naman makapagsalita si Darling sa dami ng tumatakbo sa isipan.
“Tell me the truth! Ikaw nga ba ang prinsesang pinaghahanap nila?” may pagdidin nang tanong nito habang hawak sa mga braso ang babae.
Wala nang choice kung hindi tumango na si Darling.
Sa nakitang pag-amin ng babae ay nabitawan ni Silver ang kaharap. Tumayo ito at naguguluhang naipameywang ang dalawang kamay. “How?” tanong na lang nito habang nagparoo’t parito ng paglalakad. Sa isip nito’y paano nangyari iyon eh ang pagkakaalam ng lahat doon ay mahirap lang ang babae? Marami pang katanungan ang pumasok sa isipan nito nang bigla nilang narinig ang paparating na mga tauhan na nakisali na rin sa paghahanap dito, kasama ng mga ito si Rodolfo.
Nagkatingin sila sa isa’t isa. Hindi pwedeng makita sila ni Rodolfo doon na magkasama, isa pa, marami pa itong gustong malaman tungkol sa babae. Sa taranta ay dali-daling binuhat ni Silver si Darling at isinakay sa kabayo. Pagkasakay rin nito kay Thor sa bandang likuran ng babae ay niyakap nito ng kanang braso ang bewang ng dalaga at tsaka nito pinatakbo ng mabilis ang alaga. Liko sa kanan, diretso, liko sa kaliwa, hanggang sa makarating ito sa mismong gitna ng hardin na iyon. Namangha si Darling sa nakita roon, gaya ng pagsasalaysay ni Silver kanina ay may iba’t ibang uri ng mga hitik na halaman na namumulaklak ang matatagpuan roon, nakapalibot sa malaking pabilog na malaking fountain na nasa gitna. Ilang sandali pa ay nakita niya na hinugot ng binata ang telepono nito na nakatago sa bulsa ng pantalon at mula roon ay may pinindot. Nabigla siya nang makitang bumukas ang simentadong sahig sa harapan nila at bumulaga roon ang madilim na hagdanan papaibaba sa ilalim ng fountain. Pagkatapos tapikin ng lalaki ang likuran ng kabayo ay nagsimula na ulit itong maglakad papunta sa hagdanan. Pagbaba nito doon ay kasabay rin ng pag-ilaw sa gilid ng tinatapakan ng hayop. At nang nasa ilalim na sila ay biglang nagsarado ang lagusang pinasukan.
Ilang segundo lang ang lumipas nang biglang magliwanag ang kanilang kinaroroonan. Nakita niya sa harapan ang tila pintuan na silver ang kulay na gaya sa pintuan ng mga elevator. Bumaba sila mula sa pagkakasakay sa kabayo, samantalang dumiretso si Silver sa isang wall na may katamtamang laki ng monitor, tila sandaling may inasikaso doon. Ilang minuto pa ang nagdaan nang marinig niya ang tila tunog ng isang makina na sa pakiwari niya ay may hinihilang mabigat na bagay kung saan. Tatlong beses niya iyon napakinggan at pagkatapos ay itinuon na ang pansin sa kaharap na pintuan nang maluwang na bumukas iyon.
Isang madilim na kuwarto ang kaniyang nasilayan. Iginiya siya ng lalaki papasok doon at pagkatapak pa lang ng kanilang mga paa roon ay isa isang bumukas ang maliwanag na ilaw sa kisame. Pagkamangha ang namutawi sa mukha niya nang makita ang kabuuang ayos ng kuwartong pinasukan. Agaw atensyon agad ang malaking jacuzzi na nasa harapan niya, sa pinakagitna ng kuwarto.
Para iyong isang pad na lahat ay nandoon na. Iginala niya sa malawak na kuwartong iyon ang paningin. Mula sa kanang gilid ng kuwarto ay makikita ang isang bar na may dalawang bar stool na nasa harapan ng nakapalibot at naka-elevated na lamesa sa estanteng puno ng mga bote ng alak. Kasunod nito ang mini kitchen na may maliit na kitchen island sa harapan. Living room na may dalawang love seat naman ang nakita niyang sumunod. Kaharap nito ang napakalaking telebisyon. Ang shower area na walang nakaharang na kahit wall glass sa paligid ang sumunod. Nahinto ang paningin niya sa mataas na king size bed na nasa bandang dulo sa gitna ng kuwarto, elevated din iyon at may ilaw sa pinakailalim. Kapansin-pansin ang napakalaking portrait ng lalaki na naka-hang sa wall sa ibabaw ng bed nito. Makikita roon na nakasakay sa alagang kabayo si Silver na nakasuot pang cowboy . Nagpatuloy ang paningin niya sa kasunod na gym area na kumpleto sa mga gamit. Huli ang play room sa kaliwang gilid ng kuwarto na may pool table at sa itaas noon ay naka-hang ang may kalakihang tv monitor na kung saan ay napako ang paningin noong mga oras na iyon. Paano’y sa monitor na iyon ay makikita ang anim na cctv video na nakatutok sa ibat ibang parte ng maze garden, at mula roon ay nakita niya ang dalawang tauhan ni Silver kasama si Rudolfo habang sakay ng mga kabayo at tila hinahanap siya.
Sa pagkakakita sa mga ito ay tila nakaramdam ulit siya ng takot. Taranta na napatingin sa katapat na nakatayong lalaki na nakapameywang lang habang pinapanood ang video sa tv monitor.
“Don’t worry, hindi nila tayo makikita rito,” anito na sa kabila ng mahinahong tono ng boses ay may paghinanakit na mababanaag sa mukha nito.
Tinangka niya itong lapitan para humingi ng paumanhin pero bigla na lang siyang nabuwal sa pagkakatayo nang itapak ang na-injured na paa. Napaupo siya sa sahig. To the rescue naman agad ang lalaki kahit pa may pagtatampong nararamdaman kay Darling.
“What happened?” pag-aalalang tanong nito kasabay ang paghagod ng paningin sa maputik na damit ng babae at paa na iniinda nito.
“I fell. Nakaladkad ako ng kabayo kaya nagkaganito ang paa ko,” saad niya habang hinihilot iyon.
Sa pagkabahala na naramdaman tungkol sa kalagayan ng babae ay agad nitong binuhat si Darling at pinaupo sa love seat sa living area ng kuwarto. Pagkatapos ay kumuha ng ice pack sa freezer na nasa kusina para ilapat sa paa ng babae.
“Thank you,” maikling saad lang ng babae sa hindi na umimik na si Silver. “Are you mad?” kapagkuwan ay tanong niya dito.
“I’m not mad. Naghihinanakit, oo,” anas nito.
“I’m sorry,” saad niya lang na ibinaba ang paningin. Tila ba nakonsensya sa mga napagdaanan ng lalaki kanina sa pagitan ng limang lalaki.
“Why didn’t you tell me?” seryosong tanong na nito.
“Ang ano?” tanong niya rin na biglang nalito na sa mga bagay na itinatago mula sa lalaki. .
“Ano pa ba? Ang pagiging isang prinsesa mo?” pagdidiin nito sa mga salitang binitawan.
“It’s too complicated. And I’m scared,” sagot naman niya na tila naninibago sa kung paano magsalita ang lalaki ngayon. Ngunit naiintindihan niya naman ito.
“Too complicated sa paraang ano?” tila naitaas ni Silver ang boses sa pagsasabing iyon.
“That’s why ayokong makipagrelasyon sa iyo dahil dito. Ayokong madamay ka sa gulo ng buhay ko,” paghihimutok na niya.
“Well, whether you like it or not nadamay na ako kahit hindi pa maging tayo dahil nandito ka nakatira sa lupain ko. Sa akin ka pa rin nila hahanapin,” sagot ng lalaki na tila pinapagalitan na ang kausap.
Hindi naman siya nakaimik sa tinuran nito.
Samantalang sandaling natigilan rin ang lalaki sa mga inakto sa harapan ng babae. Nakaramdam ito ng awa kay Darling. Napabuntong hininga na lang ito upang ilabas ang prustrasyong nararamdaman.
“Sweetheart, when are you going to start trusting me?” pumaluhod si Silver sa harapan nito at tiningnan ang babae sa mga mata. Alam ng binata na kapapasok lang nito sa buhay ng babae but knowing na may relasyon na sila ay dapat siguro’y pinagkakatiwalaan din ito ni Darling patungkol sa kwento ng buhay nito.
Naramdaman ni Darling ang sinseridad ng lalaki sa mga tingin nitong iyon kung kaya inihanda na ang sarili sa gagawing pagtatapat dito. Ngunit wala pa man ay namula ang mga mata niya at bumagsak na ang isang luha sa pisngi. Humugot siya ng buntong hininga upang palakasin ang loob.
“I am Princess Amira Faizan, the only daughter of Datu Abdar Faizan,” saad niya.
Nagsisimula pa lamang sa pagkukwento ang kasintahan ay naisuklay na ng lalaki ang kamay sa buhok sa prustrasyong nararamdaman. Natigilan ito sandali sa pangalang sinambit ng babae, para kasing pamilyar iyon. Ilang segundo pa ay agad nitong naalala na isa palang kilalang tao ang nagmamay-ari ng pangalang iyon. Isang lider ng isang tribong muslim sa Mindanao. Napaupo ito sa kabilang upuan at nasapo ang noo.
Nagpatuloy si Darling sa pagkukwento at pagpapaliwanag. Hanggang sa masabi niya ang totoong dahilan kung bakit napadpad siya sa poder ngayon ng lalaki.
“I escaped because they wanted me to marry at an early age. Gusto nila akong ipakasal sa isang taong hindi ko mahal. And the worst is, isa iyong kamag-anak namin. Siya ang pinsan ko, si Ibrahim na siyang sumugod sa bahay mo kanina.”
“What?” bulalas ng binata. “Eh, parang tatay mo na ‘yun ah?”
“That’s the point.”
“At bakit pinsan mo pa?”
“Gusto kaming ipakasal ni Ama para manatili sa angkan namin ang mga ari-arian at kapangyarihan ng pamilya.”
Napapailing lang ang lalaki sa mga naririnig mula rito.
“How about Rodolfo? Alam niya ba na isa kang prinsesa?”
Isang tango lang ang isinagot niya sa mga katanungan ng lalaki.
Napasandal si Silver sa sandalan ng inuupuan at naitingala ang mukha paharap sa kisame. Ilang beses itong napabuntong hininga at napatiimbagang sa prustrasyon sa kung anong dapat isipin sa kasalukuyang pinasok na gulo.
“Im sorry. Pwede mo naman akong pakawalan na lang. Panindigan mo na hindi mo talaga ako kilala. Ako na ang bahala sa sarili ko. I just don’t want to go back to Mindanao. Ayokong habang buhay na matali sa kanila,” saad niya dito. Siya man ay alam kung ano ang pagdaraanang hirap ng lalaki kapag magdesisyong ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon sa kanya.
“But I’m worried about you,” nilapitan ulit nito si Darling. “Kung pakakawalan kita hindi rin malabong mahanap ka nila,” ani pa ng lalaki. “What if harapin mo na lang sila, and fight for your rights. I will go with you.”
“Kaya nga ako umalis, dahil wala akong choice. That’s my duty as a princess,” pangungumpisal niya.
“But there must be some other way,” saad na lang ng lalaki habang gulo na rin ang isipan sa kinakaharap na problema ng kaharap.
Hindi naman nakaimik pa si Darling bagkus ay nagsimula ulit na bumagsak ang mga luha sa mga mata. She felt helpless this time.
“Im so sorry sweetheart, you have to go through this,” hinawakan ni Silver ang mga kamay ng babae upang i-comfort ito at kapagkuwan ay niyakap nito si Darling ng mahigpit. “But this time hindi na kita hahayaang harapin ang problema mo nang mag-isa. Sasamahan kita kahit anong mangyari. For now, you will stay in my property, iiwasan natin na may makaalam pang ibang tao tungkol sa pagkatao mo while we are planning what’s the best thing to do,” saad nito.
Tumango lang naman si Darling datapwat pakiramdam nito ay parang nabunutan ng tinik ang dibdib sa mga narinig mula sa kasintahan.
“It’s getting late,” saad ni Silver pagkatapos tingnan ang pangbisig na orasan. Hindi nila namalayang lagpas alas otso na ng gabi. “Are you hungry?” tanong pa nito.
“No. Gusto ko lang magkapagpahinga. Medyo masakit ang katawan ko. Gusto ko sanang makapag-hot shower pero--” hindi na nito ipinagpatuloy ang pagsasalita nang pinakatitigan na lang ang paa na hanggang ngayon ay masakit pa ring iapak sa sahig.
“Bukas mo na lang gawin ‘yan. Baka bukas okay na ang paa mo. For now mahiga ka na,” pumayuko ito para buhatin ulit si Darling papunta sa higaang naroon pero pinigilan ito ng babae.
“Ayokong matulog ng ganito, ang dungis ko,” saad niya na tiningnan din ang damit pati na ang ilang putik na nasa iba’t ibang parte ng katawan.
“Pero paano?” seryosong tanong ni Silver dito.
Naging palaisipan iyon kay Darling sa mga sumunod na mga minuto. Paano nga ba eh siguradong mahihirapan siya kung mag-isa lang siyang maliligo. Kung tutulong naman ang lalaki ay makikita nito ang mga parte ng katawan na pinakaiingatan niyang makita ng iba dahil bilang isang Muslim ay mahigpit na ipinagbabawal iyon. Sa mga sumunod pang mga sandali ay nakahanap siya ng solusyon.
Inutusan niya si Silver na kargahin siya papunta sa shower area. Pagdating doon ay maayos na tumayo habang nakaalalay lang sa sahig ang na-injured na paa. Habang nakahawak sa bakal na hawakan na nasa dingding ay inabot niya ang laylayan ng bestidang damit na suot at mula roon ay pumunit ng maliit na tela. Pagkaraan ay pinatayo niya ang lalaki sa kanyang harapan, pinatalikod, at gamit ang katiting na telang hawak ay piniringan ang mga mata ng lalaki, tsaka niya pinaharap ulit ito. Sa mga sumunod na sandali ay mas naging challenging ang tagpo lalo na para sa binatang si Silver.