THE PROPOSAL

2269 Words
Ilang beses na pag-hila sa kaliwang kamay ang nagpagising sa kanya isang umaga. Nang buksan niya ang mga mata ay nakita niya ang isang pisi na nakatali sa palasinsingang daliri. Nagtaka pa siya kung para saan iyon kung kaya dahan-dahang napabangon. Pansin niya na mahaba ang pisi na iyon at naglalakbay hanggang sa labas ng kuwarto. Tila nakakabit rin ang dulo noon kung saan. Bahagya niyang hinila iyon at nagulat sa paghila rin nito pabalik. Maya-maya pa ay may napansin siyang isang maliit na nakatiklop na papel na katabi niya sa higaan. Out of curiosity ay kinuha niya iyon upang basahin ang nakasulat. “My Sweetheart, I hope you woke up with a smile after what happened between us last night—because I definitely did. That’s why I made you a delicious breakfast, just the way you like it. But that’s not all… I’ve got a few surprises waiting for you, and I know you’re going to love them. So come downstairs, follow the string, and read each note along the way—you’ll see where it leads. See you soon, my princess. Your one and only love, Silver.” May kinang ang mga mata at may matamis na ngiti sa mga labi nang ibaba niya ang sulat na iyon. Agad siyang pumatayo at isinuot ang pangbahay na tsinelas at wala nang pakialam na bumaba at sinundan ang pisi gaya ng naka instruksyon sa sulat kahit pa ang suot ay ternong maikling shorts at spaghetti strap lamang na pangtulog. Dinala siya ng pisi papunta sa likod-bahay. Doon ay napansing nakaawang na ang pintuan. Dahan-dahan niya iyong binuksan at nakita si Thor, ang kabayo ni Silver na tila naghihintay sa kanya sa labas. Ang pisi na nakakabit sa palasinsingan ay nakakabit rin sa tali ng kabayo. Ito pala ang humihila dito kanina. Doon ay may nakita ulit siya na maliit na sulat. "Ride on Thor and be very careful, Sweetheart. He will lead you to me…" Saad pa ng nakasulat. Walang pagdadalawang isip na sumakay siya sa kabayo. At, as soon as maramdaman nito na na nakaangkas na siya ay tumakbo na ito ng mabilis. She doesn't know what to expect pero halo-halo ang nararamdaman niya noong panahong iyon. She was excited and at the same time, nervous. Kung ano man ang sorpresa ng lalaki ay sigurado siyang espesyal iyon dahil hindi naman mag-e-effort ng ganito ang lalaki kung hindi. Habang sakay ni Thor ay tila nahuhulaan na ni Darling kung saan siya nito dadalhin. Kung hindi siya nagkakamali, ang daang tinatahak ngayon ay daan papunta sa hardin ni Silver. Kumunot ang noo niya. Ano naman bang meron bakit nandoon ang lalaki? May gulo na naman ba at kailangan nilang magtago ulit? Medyo may konting pag-aalala siyang nararamdaman. Hindi nga siya nagkamali nang huminto ang kabayo sa pinakabungad ng mahabang daanan ng maze garden. Ngunit wala doon ang binata, bagkus nakita niya ang mga pulang petals ng mga bulaklak sa daanan at napansin ang isa pang sulat sa pinaka-entrance na isinuksok sa pagitan ng mga dahon ng mga halaman. Doon ay nawala ang mga kaba niya at napalitan ulit ng excitement. Pinalapit niya si Thor sa sulat upang maabot iyon. "Sweetheart, when I first saw you, I knew there was something in you na agad na mabilis nagpatibok ng aking puso. Even when I found out na may asawa ka na, hindi ako nag-alangan na isipin na one day ay mapapaibig kita. I knew in my heart and soul na walang mali sa ginawa ko, that is why I pursued you, and I was really happy I did…" Natigil iyon, pero parang bitin ang sulat kaya nagtaka siyang nagpalingo-lingo kung may makita pang ibang papel. Napansin niya ang mga petals ng pulang bulaklak sa daanan na tila papunta kung saan kaya sakay sa kabayo ay sinundan niya iyon. Napahinto siya sa isang kanto kung saan nahati sa dalawa ang daanan, hindi naman siya nahirapang pumili kung saan liliko basta ipinagpatuloy niya ang pagsunod sa mga petals ng bulaklak hanggang sa may mapansin ulit na panibagong sulat. "Madalas ka nang pumasok sa isipan ko noon, kaya naman hinahanap-hanap ka na ng paningin ko. Your smiles brighten up my day, kaya ipinangako ko sa sarili ko na kapag dumating ang oras na mapaibig kita, I’ll always do my best to make you happy, because seeing you smile means everything to me.…" Napapangiti siya sa mga isinulat ng lalaki. She must admit that it's a bit corny, yet she knows in her heart that she is loving it too. Pero ano ba talaga ang gustong iparating ng lalaki bakit nito ginagawa ang mga bagay na ito? She kept both letters at nagpatuloy. Mabuti na lamang at nagsisilbing guide ang mga talulot na mga bulaklak na iyon kung hindi ay kanina pa siya naligaw. She knows where she's going at iyon ay sa mismong gitna ng hardin. She just need to be consistent sa pagsunod doon at pagkolekta ng mga sweet messages na iyon na alam niyang pinaghirapan ng lalaki. Sa patuloy na pagpapalakad kay Thor, sa pangatlong pagkakataon ay may nakita ulit siyang panibagong sulat. " I honestly thought I would never find love—until the moment I met you. Something in me just knew that we were meant to be, that together we would make something truly special. Every moment we share feels effortless and real. The things you love, I’ve come to love too; the dreams you chase, I long to chase beside you. All I truly want is to stay in your arms, where everything feels right. And so…" Sa nabiting mensahe nito ay lumakas bigla ang t***k ng kanyang puso. Parang nahuhulaan na niya ang gustong gawin ng binata. Ayaw man niyang mag-conclude pero sa excitement ay napabilis niya ang pagpapatakbo sa kabayo. Hanggang sa makarating siya sa gitna ng hardin na iyon. Agad na hinanap ng kanyang mga mata ang lalaki. Nakita nito si Silver sa harapan ng malaking fountain, pinalilibutan ng mga bagong putol ng mga halaman at mga bulaklak. Simple lang din ang ayos nito, ngunit napakalakas pa rin ng appeal sa suot na puting longsleeve at jeans. Napakagwapo nitong tingnan sa wet look na ayos ng buhok at bagong ahit na balbas at bigote. Nakita niya ang paghugot ng malalim na paghinga ng lalaki na halatang kabado sa gagawin. Dahan-dahang lumapit ito papunta sa kanya, inabot ang kamay niya para alalayan siya sa pagbaba. She wrapped her arms into his neck at naamoy ang suot na pabango ng lalaki. “You look so good mahal ko. What's going on?” saad pa niya na kahit pa may idea na sa gagawin ng lalaki ay ayaw niya pa rin itong pangunahan. “I’ve been thinking about us lately. Everything, lahat ng mga plano ko sa buhay, kapag pumapasok sa isipan ko, hindi pwedeng hindi ka na kasama,” panimula nito sa seryosong tono ng boses. Nanatili lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ng lalaki habang iginigiya siya nito papunta sa harap ng malaking fountain, sa gitna ng hugis puso na talulot ng mga bulaklak na idinisenyo nito sa gitna ng hardin. “I know hindi pa tayo ganoon katagal, but I believe hindi naman nakadipende sa tagal ang isang relasyon para mag-jump into another level,” pagkahinto ng mga ito ay nagharap at naghawak ng mga kamay habang nakatingin lang sa mga mata ng isa’t isa. “In the past few weeks, sa mga nangyari sa atin, lalo na sa iyo, I am afraid na malayo ka ulit sa akin. Nasanay na ako na nasa tabi kita palagi. Hindi ko na yata kakayanin pa kapag nawala ka ulit,” he suddenly got a little bit emotional while saying those words. Meanwhile, she also started to get teary-eyed while listening to him. In fact, parehas lang naman sila ng nararamdaman ng lalaki. He can’t live without him anymore, kaya nga kahit anong hirap at delikado ang tumakas muli sa pamilya ay ginawa niya para lang muling makabalik sa piling nito. “Kung ito ang paraan para tigilan ka na nila, I will do this over and over,” he paused for a bit. “Sweetheart, if you would let me, I want to spend the rest of my life with you. Kaya kong harapin ang lahat ng panganib basta kasama ka, tumakas kasama ka at magpakalayo-layo kasama ka,” he uttered and paused again. Kumuha ulit ito ng lakas ng loob sa paghugot ng malalim na buntong hininga para sa susunod na sasabihin. “Sweetheart, I love you with all my heart and soul. Would you be my wife? Will you marry me?” finally ay sambit nito sa dalaga. Kasabay noon ang pagluhod sa harapan ng kasintahan at pagbukas ng maliit na itim na box na hinugot mula sa bulsa ng pantalon. Somehow, inaasahan niya na ang proposal na iyon ng lalaki magmula sa mga pasakalye nito kanina, pero hindi niya napaghandaan kung ano talaga ang eksaktong mararamdaman sa oras na marinig ang mahiwagang tanong na iyon. Her chest was pounding, para bang mahihimatay siya sa sobrang kaba at kagalakan. Mula sa kaibuturan ng kanyang puso ay ramdam niya ang pagmamahal sa lalaki na mas sumidhi pa ngayong oras na ito. Ngunit kapagkuwan ay natigilan din nang maalala na hindi naman sila parehas ng relihiyon ng binata. Alam niyang madali lang iyong solusyunan, ang magpa-convert ang lalaki sa relihiyon nila. Ang tanong, nakahanda ba ang lalaki? Ayon kasi sa kanilang paniniwala, ay hindi pinapayagan ang isang babae na magpalit ng relihiyon para sa mapapangasawa. Doon ay nawala ang ngiti niya sa mga labi. Samantalang napalitan rin ng pag-aalala ang kaninang hopeful na si Silver nang makitang nag-iba ang reaksyon ng mukha ng babae. Napatayo ito, napatalikod at natakpan ng isang kamay ang mukha sa pagkadismaya. Tila ba may nag-flashback sa isipan nito. Agad naman na lumapit si Darling. “Mahal ko, hear me out first,” pinaharap niya ang kasintahan at nakitang may luha ito sa mga mata. Bahagya siyang nataranta na baka na-disappoint niya ang lalaki. “Oh no, don’t cry, mahal ko” buong pag-aalala niyang pinahid ng mga daliri ang mga luhang iyon na naglandas sa magkabilaang pisngi ng lalaki. “I just don’t wanna lose you,” sagot ng binata habang patuloy ang pagiging emosyonal. Parang piniga ang puso niya sa narinig. Hindi niya sinasadya na ma-misinterpret ng lalaki ang hindi niya agad pagsagot. “Listen, you will not lose me, mahal ko,” hinawakan niya ang mukha nito at itinutok sa kanyang mukha. “I would definitely love to be your wife, it’s just that we have different --” hindi na niya naipagpatuloy pa ang pagsasalita nang agad nang sumabat si Silver at hawakan ang kanyang mga kamay na nakahawak rin sa mukha nito. “I know, sweetheart. But you don’t have to worry about it. Kung gusto mo, I will marry you in different churches, kahit saan, kahit kelan,” sambit pa nito. “Just answer my question please, will you marry me? That’s all I wanna know,” may pagdidiin ng mga salitang tanong ulit ng lalaki. “Yes,” tugon niya. “Of course, I am going to marry you!” pag-uulit niya pa sa kanyang sagot. Agad na niyakap ni Silver si Darling. Nabuhat nito ang babae sa sobrang kagalakan. Bakit nga ba sandali itong nagduda sa pagmamahal ng babae gayong marami na itong hinarap na sakripisyo para sa kanya? Naipikit ng binata ang mga mata. Isang patak ng luha ulit ang dumaloy doon. He needs to remind himself na iba ang pagmamahalang meron sila ni Darling ngayon sa nakaraang relasyon na pinaglaanan rin ng panahon noon. Isang relasyon na nag-iwan ng trauma dito ,kaya noong akala nitong hindi pumayag si Darling sa ginawang proposal ay takot agad ang naramdaman nito. Nevertheless, this time, hindi na siya nabigo. Darling was really meant for him, and his heart knows it. Ibinaba ni Silver ang dalaga at kinuha ang diyamanteng singsing na nasa loob ng maliit na box na nanatili lang sa kamay nito kanina pa. Dahan-dahan nitong isinuot iyon sa palasingsingan ng dalaga. “I love you, so much” he whispered. Buong tamis namang napangiti ang babae. “And, I love you, more,” sagot rin niya. Naglapat ang kanilang mga labi at dinama ang pag-ibig na umaapaw sa kanilang dibdib. It was like magical na walang ano-ano ay nagsiliparan ang maraming paruparo sa kanilang paligid sa eksaktong oras na iyon. “After our wedding, aalis tayo. Titira tayo sa ibang bansa,” kapagkuwan ay sabi ni Silver pagkatapos bigyan ng halik ang mga kamay ng babae. Mula sa panonood ng mga nagliliparan na mga paruparo ay napatingin naman si Darling dito. “Huh? Saan?” tanong niya. “Kahit saan mo gusto. Basta bubuo tayo ng pamilya malayo sa gulo,” he reassured. Namilog ang mga mata niya sa panibagong excitement na naramdaman. She can’t wait to start preparing for their wedding lalo na ang magsimula ulit ng tahimik na buhay kasama ito sa ibang lugar. Bagamat magiging simple na ang buhay niya dahil hindi na siya isang prinsesa, mas gusto niya naman iyon. Kapag tahimik ang buhay nila, mas mapapanatag ang kalooban nila na walang gulong mangyayari any minute. Pagkatapos noon ay pinagsaluhan nila ang inihandang breakfast in the garden ni Silver. Doon sila nagsimulang magplano ng maraming bagay tungkol sa kanilang kasal. Walang paglagyan ng saya ang puso nilang dalawa noong oras na iyon hanggang sa napunta iyon sa pagniniig doon din mismo sa inilatag na picnic table ng lalaki. Once again, pinag-isa ang kanilang mga katawan ng lubos na pagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD