SULAT

1789 Words
Dumaan pa ang ilang araw. Nang matapos na sina Silver at ang mga tauhan nito sa pagkukumpuni ng lahat ng mga nasira sa loob ng bahay nito ay napagpasyahan nitong pumunta naman sa maliit na bahay na siyang pinagtaguan nito noong nakaraan upang tingnan kung ano ang kailangang ayusin mula sa mga ginawang panggugulo nila Ibrahim at ng ama ng kasintahan. Magaling na ang sugat ng lalaki kung kaya bumalik na ito sa normal na pinagkakaabalahan sa loob ng lupain. Sumama naman si Darling upang balikan ang naiwan na bag na ginamit noong tumakas. Habang abala si Silver sa pagkukumpuni ng nasirang pintuan ay nilinis niya ang mga basag na salamin sa sahig mula sa nasirang tv monitor. Pagkatapos ay nag-ayos siya ng kaonti sa loob ng bahay. Nang matapos ay sinunod niya ang pagwawalis. Inuna niya ang parte ng kusina papunta sa pintuan, ngunit pagdating pa lamang sa kalagitnaan ay natigilan na siya nang may masanggi ang hawak na walis sa ilalim ng higaan ng lalaki. Tiningnan niya kung ano iyon. Nakita niya ang isang kahon na halos kasing laki ng box ng sapatos. Sinubukan niyang abutin iyon ngunit nang hindi mahawakan ng kamay ay ginamit na lamang ang walis sa pag-abot doon. "Sweetheart, uuwi lang ako sandali para kumuha ng iba pang mga gamit. Babalik din ako agad," paalam ng lalaki nang makalimutan ang iba pang kailangan sa pagkukumpuni ng pintuan. Napatango lang siya. Binuhat niya ang puting kahon na tila ba may kabigatan rin. Nilinis niya pa ito sa pamamagitan ng pag-ihip at pagpagpag ng may kakapalan na ring alikabok sa ibabaw ng bagay na iyon. Out of curiosity ay dahan-dahan niyang inalis ang takip ng kahon. Agad na bumalandra sa mukha niya ang may karamihan ding sulat na maayos na nakasalansan sa loob. Pinadaan niya ang mga daliri doon habang pinapasadahan ng tingin nang ilang sandali pa ay kumunot ang noo nang makita sa labas ng mga sobre ang pangalan ni Silver. Kumuha siya ng isa at binasa kung kanino nanggaling ang mga iyon. Isang babaeng nagngangalang Fatima Enriques ang napag-alamang nagpadala noon. Napaisip siya bigla. Sino kaya ang babaeng iyon? Nagkaroon tuloy siya ng eagerness na makita kung ano ang nakasulat sa loob ng sobre, ngunit alam niya rin na hindi tama ang kanyang gagawin kaya agad rin iyong ibinalik. Subalit dahil binabagabag na ang kanyang kalooban kaya agad ulit kumuha ng isa, binuksan at walang pag-aalinlangan na binasa. “Dear Silver, Happy anniversary, honey! In just a few months, the second semester will be over. Mom and Dad finally said yes when I asked if I could visit you there. I can’t wait to see you and the little house you’ve built just for us! For now, please accept my floral dress as a simple gift from me. Nilagyan ko iyan ng paborito mong scent ko, as you requested, para hindi mo na ako masyadong ma-miss. I love you so much. See you soon. Fatima.” Natigilan siya at pinagmasdan ulit ang mga sulat na nasa loob ng kahon. Suddenly, parang binagsakan siya ng langit at lupa sa bigat ng naramdaman. Obviously, ang lahat ng mga iyon ay love letter ng babaeng iyon para kay Silver. Ang bahay na kinapapalooban ngayon ay ang bahay na tinutukoy nito sa sulat. At nakakasigurado siya na ang damit na tinutukoy nito ay ang damit na sinuot niya noong nakaraan. Tila nagkutkot ang selos na nararamdaman niya sa dibdib. Wari niya ay matagal rin ang pinagsamahan ng dalawa sa dami ba naman ng sulat na iyon, na hanggang ngayon obviously ay pinakatatago-tago pa rin ng lalaki. Sa isiping iyon ay nagsalubong ang mga kilay niya sa galit. Sabi nito noong nakaraang pagtatalo nila ay ibinaon na ng binata sa limot ang lahat sa pagitan nila ng ex-girlfriend nito, ngunit bakit naririto pa ang mga iyon? At ang damit? Ayon dito ay hindi kamo nito iyon matandaan? Sinungaling! Sigurado siyang palagi nitong inaakap at inaamoy amoy ang dress na iyon, no wonder at nasa bahay mismo iyon ng lalaki. Sa inis ay naitulak niya ng malakas ang buong kahon dahilan ng pagsangga nito sa paanan ng bed-frame. Natumba iyon at nagkalat sa sahig ang mga sulat, ngunit ang ipinagtataka niya ay ang narinig na tila pagkalansing ng isang bagay mula roon. Gumapang siya upang abutin ulit ang kahon at tingnan kung ano ang tumunog na iyon. Maya-maya ay namilog ang mga mata niya nang makita ang isang singsing na may malaking dyamanteng bato. Hindi siya nakagalaw ng ilang minuto. ‘Kanino at para saan ang singsing na iyon?’ tanong niya sa isipan. Dinampot niya iyon at pinakatitigan, nagawa pa niyang i-compare ang suot na singsing sa hawak-hawak. May hawig ang mga iyon, pareho ang laki ng mga bato, ang pinagkaiba nga lang ay ang pagkakadisenyo. Inilapit niya iyon sa mga mata at pinakatitigan, nang walang ano-ano ay nakita niya ang pinagdikit na pangalan ng mga ito na naka-engraved sa loob ng singsing. Doon ay nakumpirma niya na isa iyong engagement ring dahil ganoon rin ang eksaktong pagkakagawa ng binigay na singsing sa kanya ng lalaki. Nagsimula nang maglakbay ang kanyang isipan. Pumasok roon ang maraming katanungan. Anong nangyari? Bakit na kay Silver ang singsing na para sa babaeng iyon? Ibig bang sabihin ay hindi iyon tinanggap ng babae? Marami pa siyang katanungan na nabuo sa isipan nang mahagip ang bukod tanging sulat na wala sa sobre. Pansin niya na gusot gusot iyon at hindi maayos ang pagkakatupi, pero dahil napapagitnaan ng iba pang mga sulat kaya naging flat ulit ang anyo ng papel. Kinuha niya iyon at binasa. "Fatima, I was really disappointed to know that you chose your dreams over me, kahit na alam mo naman na makukuha mo pa rin ang lahat ng mga pangarap mo kahit magkasama na tayo. I get it, you’re tired of having a long distance relationship but I told you many times, balewala ang distansya basta willing tayong magkompromiso sa isa’t isa, you know that. Yet, it seems like everything won't matter to you anymore. Ang limang taong pinagsamahan natin, and all of the plans that we build for our future, lahat ng iyon ay basta-basta mo na lamang itinapon. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan, Fatima. Palagi kong iniisip, saan ba ako nagkulang para hiwalayan mo na lang ako ng basta-basta, without telling me personally. Ganoon ba ako ka-walang halaga sa iyo? Until now I am trying to convince myself of what you have told me, na wala sa akin ang problema. Pero bakit ako lang ang masyadong nasasaktan? I apologized kung hanggang sa oras na ito ay naglalabas pa rin ako ng sama ng loob sa iyo, but , know that this will be the last letter I will send you. Don’t worry, this time I will leave you alone. I realized it’s about time to think about myself, dahil sa mahabang panahon nakaligtaan ko iyon. Kasama ng sulat na ito ang lahat ng mga alaala ng pinagsamahan natin. I will let them go kagaya ng request mo na hayaan na rin kita. Paalam, Fatima at nawa ay mahanap mo ang totoong ikaliligaya ng iyong puso. Silver” Napaawang ang kanyang mga labi sa nabasa. Kung kanina ay galit ang naramdaman niya, ngayon ay lungkot at simpatya para sa lalaki. Ramdam niya ang pag-ibig nito para sa ex-girlfriend pati na ang hinanakit sa pag-abandona ni Fatima. Suddenly may awa siyang nakapa sa dibdib para kay Silver. Siguro sa huling minuto ay nagbago ang isip nito na ipadala ang sulat na iyon, kaya nilamutak na lamang at isinuksok sa pagitan ng iba pang mga sulat. At ang singsing? Baka nauna na iyong binili ng lalaki bago pa nakipaghiwalay ang ex-girlfriend nito. Kung kanina ay naiinis siya dito dahil pinakatatago pa nito ang mga iyon, ngayon ay hindi na. Umiral siguro ang awa ng lalaki para sa sarili at hindi na lang ipinadala ang mga iyon pabalik kaya naiwan na lamang doon. And it’s okay for her. Somehow she was convinced na sa tagal ay hindi na nito maalala pa ang damit, na imbes na nasa kuwarto nito ay natagpuan niya na sa iba pang kuwarto. Naniniwala na rin siya sa kwento nito na kinalimutan na nito ang lahat sa pagitan nito at ng babae dahil kung hindi sa kagustuhang makapagtago ay hindi na ulit ito mapapadpad sa bahay na ito. Sigurado siyang nakalimutan na nga nito ng tuluyan na naandoon pa rin ang mga sulat na iyon. Halata naman dahil sa dami ng alikabok na natagpuan niya sa takip ng kahon. Sa mga sumunod na sandali ay kumuha pa siya ng iba pang sulat at binasa. Mababanaag doon ang pagmamahal ng babae sa kasintahan dahil sa mga binanggit nitong effort ng lalaki para sa relasyon nila. Muli ay nakaramdam siya ng selos pero hindi na iyon masyadong pinansin. She knows deep in her heart na matagal na iyon at siya na ang kasalukuyang minamahal ng lalaki. At hindi kagaya ni Fatima, he will stick with him anuman ang mangyari. She knows how genuine his love for her at pakaiingatan niya iyon at ite-treasure araw-araw. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagdating ni Silver. Agad niyang ibinalik ang mga sulat na binuksan sa loob ulit ng kahon at ibinalik din iyon sa ilalim ng higaan. Kagaya ng lalaki ay nagpatuloy siya sa ginagawa na para bang walang nadiskubre tungkol sa nakaraan nito. Nang maya-maya pa ay dumating ang isang tauhan ng binata, na bagong hire nito upang magtrabaho doon. Nagsimula na itong kumuha ng iba pang mga trabahador para sa araw ng pag-alis ng mga ito doon ay maayos pang mapapatakbo ang hacienda. “Sir, may bisita ho kayo.” Natigil si Silver mula sa pagpipintura ng pintuan. “Sino?” “Sorry ho sir, pero hindi ko po kilala. Ngayon ko lang po siya nakita,” saad ng lalaki sakay ng kabayo. “It’s okay. Patapos naman na ako. Pasabi, papunta na ako.” “Sige po sir,” walang ano-ano ay pumihit na ito pabalik. Ilang saglit lang ay natapos na rin naman si Silver. Sabay rin silang bumalik sa malaking bahay sakay ng sasakyan ng binata. Malayo pa lamang ay naaninag na ni Silver ang isang sasakyang naghihintay sa tapat ng bahay nito. Habang papalapit ay naulinigan nila ang mga tawanan sa bandang likuran malapit sa kuwardra . Boses pa lamang ay kilala na nito kung sino iyon. Si Aling Nenita. Marahil ito ang tinutukoy ng baguhang tauhan. Bumalik na pala ang kusinera nito na nagbakasyon rin ng ilang buwan. Ngunit pagkaparada nito ng minamanehong sasakyan sa tapat rin ng bahay ay nabungaran ng lalaki ang isa pang tao na nasa loob ng naabutang sasakyan doon. Isang babaeng hindi na nito inaasahan na makikita pang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD