"Ay, sir!" malaki ang pagkakangiti ni Aling Nenita nang makita si Silver na kabababa pa lamang mula sa sasakyan. Iniwan nito ang kausap at dagling lumapit sa binata. "Kamusta po? Pasensya na po at ngayon lang ako nakabalik," sabi pa nito na tila ba ayos lang ang lahat pagkatapos ng hindi man lang pagpaparamdam ng ilang buwan. Datapwat bahagya rin namang natigilan nang makita si Amira. Nandoon pa pala ang babae na akala nito ay umuwi na noong isuplong nito ang prinsesa. Mahahalata naman ang biglaang pag-iiba ng mood ng binata. Sumeryoso ang mukha nito na tila ba na-bother. Ngunit hindi iyon dahil sa biglaang pagsulpot ng kusinera kung hindi dahil sa unang taong nakita pagkarating pa lamang doon. It’s been a long time at hindi na nito inaasahan na masilayan pa ang mukha ng babaeng iyon

