WARNING: Mature Content. Bumalik ang kapayapaan sa kanilang relasyon simula nang mawala doon si Fatima. Naging magaan ang ambiance sa loob ng bahay. Kahit papaano ay napanatag ang kalooban ng dalawa na wala nang manggugulo sa pag-iibigan nila kahit pa alam nilang pansamantala lang iyon. Wala silang idea kung saan nagpunta ang mag-inang sina Fatima at Stanley. Hindi nila alam kung saan eksaktong hotel tumuloy ang mga ito. Ni si Brenda na tumatawag pa upang mangamusta ay hindi na rin sinasagot ng kaibigan. Hindi tuloy nila alam kung nasa Pilipinas pa ba ang mga ito o nakabalik na ng ibang bansa. Pati ang tungkol sa kalagayan ng anak na si Stanley ay wala rin silang balita kung inaasikaso ba nito ang DNA test ng bata. Magkagayon pa man, handa sila kung kelan ito babalik at kung ano ang

