“Daddy!” Nagulat na lamang sina Silver at Darling noong papalapit pa lamang sila sa likod bahay sakay ng kabayong si Thor nang makita si Stanley na nakatayo malapit sa kulungan ng mga kabayo. Tila ba inaabangan sila nito na noong makita ang ama ay nagkakawag ang mga braso at nagtatalon sa tuwa. Malaki ang pagngiting itinugon ni Silver sa tinuran ng anak. Sa pagkakita sa bata ay wari’y nabuhay muli ang pusong ama nito na tila ba hindi na makapaghintay na mayakap at makasama ang ilang araw ring nawalay na bata. Kinawayan nito si Stanley bilang tugon sa pagtawag nito. Magkasunuran silang bumaba mula sa pagkakasakay sa kabayo. Si Darling na ang nagpresinta na ipasok si Thor sa kuwadra para agad nang malapitan ng kasintahan ang anak. Nagyakap ang mga ito nang tuluyang malapitan ang isa’

