Malakas ang palakpakan ng mga bisita nang pumababa ang tatlo mula sa pangalawang palapag ng bahay. Nakasuot ang mga ito ng t-shirt na pwera pa sa magkakaparehas ang kulay ay magkakaparehas rin ang naka-imprentang design. 'It's my 9th birthday!' ang makikitang nakalagay sa harapan ng t-shirt ni Stanley, samantalang 'It's our son's birthday!" naman kina Silver at Fatima. May naka-print pa sa likuran ng mga ito na 'Daddy' at 'Mommy' na sadyang ipinagawa ni Fatima para magmukha talaga silang isang buo at masayang pamilya while in fact bago pa nangyari ang pagbaba nilang iyon ay nagalit pa si Silver. Sa ginawa kasing ito ng babae ay parang naitsapwera ang kasintahang si Darling. Dapat siguro ay nandoon din ang dalaga upang ipakilala sa lahat na ito na ang magiging step mother ng bata nguni

