May luha mula sa mga mata ni Darling nang makilala ang lalaking pumababa sa sasakyan. Walang ano-ano ay sinalubong niya si Silver ng mahigpit na yakap. She was relieved na sa oras na ito ay nakasisigurado siyang may mabuting loob na ang taong dumating para tulungan siya hindi gaya dati na napilitan na lang siyang samahan ang isang lalaki na sa simula pa lamang ay alam niyang may nakabinbing kaso at kasalukuyan noong pinaghahanap ng mga pulis.
Samantala, sinuklian rin ni Silver ng mahigpit na pagyakap ang babaeng naabutan sa gilid ng daan. Hindi nito alam kung bakit nandoon ang babae sa ganoong oras na ng gabi ngunit dahil sa humahangos ito ay batid nitong tinakasan ni Darling ang malupit na asawa.
“What happened? Did he hurt you?” kinuha ni Silver ang mukha ng babae upang pagmasdan.
Sandaling natigilan si Darling sa inakto ng binata.
Bakit kaya nito naitanong kung nasaktan ba siya?
Alam kaya nito na may nangyaring pagtatalo sa pagitan niya at ni Rodolfo kanina?
Bahagya siyang kumawala sa pagkakayakap dito. Tila ba nakaramdam ng hiya sa sarili. Sa pagkakaalam ng lalaki ay may asawa at anak siya pero kung makalingkis siya ay daig pa niya ang isang babaeng walang pananaguta .
Sa sandaling iyon ay pinahid niya ang namumuong luha sa mga mata. “Pwede ho bang ilayo n’yo po muna ako sa lugar na ito?” saad niya na lang pagkatapos bawiin ang mga braso at iyakap na lang sa sarili.
Tumango ang lalaki at mabilis siyang ineskortan. Pinagbuksan siya ng pintuan nito at inalalayan sa pag-akyat sa loob ng sasakyan.
“Saan mo gustong pumunta?” pakalit na tanong ni Silver nang sinimulang paandarin ang sasakyan.
“Kahit saan po basta huwag lang sa bahay namin,” sagot niya.
Tahimik lang na sumang-ayon ang lalaki.
Habang nagmamaneho ay hindi makapagdesisyon ang binata kung saan dadalhin si Darling. Sa oras na ito ay wala itong maisip na safe na lugar kaya maya-maya pa ay iniliko ang sasakyan at tinungo ang pamilyar na daan. Hindi pa nagtatagal ay ipinarada nito ang sasakyan sa harapan ng malaki nitong farm house.
Mula pa lang sa loob ng sasakyan ay nagkandahaba na ang leeg ni Darling sa pagtanaw sa malaking bahay kung saan siya dinala ng lalaki.
“Don’t worry, ako lang mag-isa sa bahay. Stay out ang mga kasambahay ko. Walang makakakita sa iyo dito. You can stay for a night and decide what to do and where to go tomorrow,” saad nito sa nagtatanong na tingin ni Darling kung bakit doon nito ito dinala.
Marahang tango lang naman ang ibinigay ng babae dito.
Mula sa pagbaba sa sasakyan hanggang sa harapan mismo ng mataas na pintuan ng marangyang bahay ng lalaki ay nakaalalay si Silver sa kanya. Banayad ang paghawak nito sa kanyang braso na tila ba may pag-iingat.
“Feel at home,” bungad ng lalaki ng mabuksan ang malaking pintuan na gawa sa mamahaling uri ng kahoy.
Pagkatapak pa lang sa loob ng bahay nito ay tila naramdaman niya na ang welcoming vibes nito. Yung tipong hindi ka mangingimi na kumilos sa loob sa kabila ng mamahalin ang mga nakapalibot na kagamitan. Feeling niya ang gaan-gaan ng loob niya sa bahay na iyon.
“Are you hungry?” tanong ng lalaki kapagkuwan.
Nilingon niya ito at binigyan ng simpleng pagngiti. Sinundan rin naman niya iyon ng pag-iling. “Pagod lang po ako,” aniya na inihalukipkip ang mga braso sa dibdib at hinimas ang mga iyon. Ngayon niya lang ulit naranasan ang lamig sa loob ng bahay, talagang hindi na siya sanay sa aircon.
“Come, and let me show you your room for tonight,” saad ng lalaki na nagpatiuna nang pumaakyat sa hagdanan papunta sa second floor.
Tahimik na sumunod lang naman siya dito. Nagsimula nang maglakbay ang kanyang isipan. Alam niyang hindi tama ang pagtuntong sa bahay ng lalaki. Kilala siya ng mga tauhan ni Silver na may asawa na. Ano na lang ang iisipin ng mga ito kapag nakita siya na mag-isang natulog sa pamamahay ng lalaki? At ano na naman kaya ang magiging reaksyon ni Rodolfo kapag nalamang nasa poder siya ngayon ng lalaking siyang lubos na pinagseselosan?
Marahan siyang umiling sa maling desisyong ito pero ano pa ba ang magagawa niya. Ang totoo ay hindi niya talaga alam kung saan dadalhin ng mga paa kanina. Pasalamat na lang siya at dumating si SIlver kung hindi ay sa gubat siya magpapalipas ng gabi.
“Here is your room,” binuksan ng binata ang pintuan ng isang malaking kuwarto. Iginiya pa nito ang babae papasok sa loob. “If you need something huwag kang mahihiyang ipaalam sa akin. May shower sa loob if you need one, may mini fridge rin dito at coffee maker kung sakaling magutom ka later, serve yourself,” anito sa malamyos at banayad na tinig.
Tumango lang si Darling at muling binigyan ang lalaki ng simpleng ngiti. “Maraming salamat ho, Sir Silver,” nangingiming saad niya.
Hindi pa nagtatagal ay nagpaalam na rin ang lalaki. Medyo lumalalim na rin ang gabi at sa nangyari dito kanina ay alam nitong gusto nang mapag-isa ng kasama.
Ilang minuto pa ay nakita na lang ni Darling ang sarili sa gitna ng marangyang kuwartong iyon.
Hindi nawala ang ngiti niya sa labi habang pinagmamasdan ang lahat ng kagamitan doon. Ngayon niya lang na-realize na nami-miss niya na ang kanyang sariling silid. Na-miss niya ang marangyang buhay. Ang buhay na kailanman ay hindi kayang ibigay sa kanya ni Rodolfo. Saglit lang ay sinaway rin naman ang sarili sa panglilibak sa lalaki. Paano’y bumalik agad sa isipan niya ang mga nangyari sa kanya magmula nang tumakas siya mula sa poder ng mga magulang. Actually, her life after that wasn’t that bad. Bakit nga ba panghihinayangan niya ang naging buhay sa piling ng lalaking iyon eh ito ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng kalayaan mula sa hindi katanggap-tanggap na pamamalakad sa kanyang buhay ng amang Datu. Somehow, she was thankful for him, for taking care of her in the past two years, nag-iba nga lang iyon lately. At hindi gaya ng dati na kaya pa niyang makisama pa sa lalaking ito knowing na may espesyal na itong nararamdaman sa kanya. Sigurado siya na mag-iiba na ang pakikitungo nito sa kanya ngayong alam niya na iyon. Magiging mas touchy pa ito at mag-eexpect na isang araw ay sasagutin niya ito na ayaw niya namang mangyari dahil kaibigan lang naman talaga ang turing niya sa lalaki. Siguradong magiging awkward na ang lahat ng pagkilos nila sa loob ng bahay kung hindi niya pipiliing umalis.
Maya-maya pa ay nakaramdamdam siya ng pagkaalinsangan. Malagkit rin ang pakiramdam niya sa katawan. Dahil doon ay nagpasya siyang maligo muna bago matulog. Pumasok siya sa loob ng banyo at inalam kung may sabon ba, at kung ano-ano pang kakailanganin sa paliligo. Inilibot niya ang mga mata sa paligid at napag-alamang kumpleto naman iyon. Ilang sandali pa ay isa-isa na niyang hinubad ang saplot sa katawan at inenjoy na ang maligamgam na tubig sa shower.
Ilang minuto rin siyang nagtagal doon sa loob ng banyo. Bago siya lumabas ay nilabhan niya muna ang mga underwear at bestida na isinuot kanina. Pagkatapos ay isang puting bathrobe ang ipinalit niya sa mga iyon na nakita lang din sa loob ng closet ng banyo. Ang basang buhok ay binalot niya ng puting tuwalya at isinuot ang puting pambahay na tsinelas na natagpuan niya rin doon. Para siyang nasa isang five star hotel sa mga oras na iyon.
Pagkalabas sa banyo ay dumiretso na siya sa kanyang higaan at sa gilid ng kama ay umupo. Pinasadahan niya iyon ng tingin at dinama ng kanyang palad. After two years ay mararanasan niya ulit na matulog sa malambot na higaan. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Alam niyang sobrang pagod siya ngayong gabi pero tila ayaw pa siyang dalawin ng antok. Napagpasyahan niyang hindi muna siya hihiga tutal ay basa pa ang kanyang buhok. Kinuha niya ang remote control na nasa ibabaw lang ng night stand at itinutok sa malaking telebisyon na nasa harapan ng kama. Ngunit hindi pa man nabubuksan ang tv ay ibinaba na agad ang hawak-hawak. Naisip niya bigla na baka marinig ni Sir Silver ang ingay ng tv at magising ito, nakaramdam siya ng hiya. Tuloy ay nagkasya na lang siya sa pagmamasid sa paligid ng kwartong kinapapalooban. Nang masagip ng paningin ang maliit na fridge na nandoon ay bigla siyang nakaramdam ng pagkalam ng sikmura. Pumatayo siya para tingnan kung ano ang nasa loob ng bagay na iyon. Pagkabukas niya doon ay nakita niyang puno iyon ng pagkain. Desserts, fruits, beverages, at kung ano-ano pa. Naisip niya tuloy kung palagi bang puno ang fridge na iyon? Mukhang palaging may inaasahang bisita ang lalaki dahil anytime ay ready na itong i-occupy.
Tiningnan niya ang mga iyon para pumili ng makakain. Ramdam niya ang gutom pero tila wala naman siyang ganang kumain. Maya maya pa ay napadpad ang paningin niya sa itaas ng fridge at nakita ang coffee maker. Doon ay napagpasyahang gumawa na lamang ng kape.
Habang higop ang decaffinated na kape ay sandaling nagpalakad lakad siya sa gilid ng kwarto. Napansin niya ang mataas na pagkakakabit ng kurtina, sa pag-uusisa ay inihawi niya ito. Napag-alaman niyang isa pa lang pintuan ang tinatakpan nito patungo sa hindi naman kalakihang terasa. Napagdesisyunan niyang buksan iyon at doon muna tumambay habang inuubos ang kasalukuyan nang nangangalahati na isang tasang kape.
May kadiliman ang terrace na iyon ng kuwarto ngunit ayos lang para sa kanya. Natagpuan niya ang isang upuan doon katabi ng isang maliit na lamesa. Doon niya inilagay ang hawak na tasa at kapagkuwan ay umupo na rin.
Sa ilang minuto nang pananatili roon ay nagsimula na siyang balikan ang mga nangyari kanikanina lamang, seryoso siyang nakatingin sa kawalan nang biglang may marinig siyang nagsalita galing kung saan.
“Hindi ka pa ba inaantok?”
Tila napalundag siya sa gulat. Dahil doon ay muntik na niyang mabitawan ang hawak-hawak na tasa na ilalapag na sana niya sa lamesita. Hindi rin sinasadyang malaglag ang kalahati ng neckline ng may kalakihang bathrobe na suot-suot. Sumilay tuloy ang kanyang kanang balikat pati na ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib. Kasalukuyan siyang walang saplot sa pang-ilalim kaya agad niya iyong inayos.
Nailingo-lingo niya ang mukha upang hanapin ang taong nagmamay-ari ng malaking boses na iyon at nakita nga si Silver na nasa kabilang terasa. Kagaya niya ay nakakubli rin ang lalaki sa madilim na parte doon kaya hindi niya ito napansin kanina. Apparenly ang kuwarto pala nito ay ang mismong katabi ng kuwartong tinutuluyan ngayong gabi. Sandaling napaawang ang kanyang labi ng mapag-alamang nakasuot lang ito ng jeans at walang saplot sa pang-itaas na bahagi ng katawan. Nakaupo ito sa ibabaw ng harang na pumapalibot sa terrace, nakasampa pa ang isang paa nito at ang isa ay nakabitin. Tila may pinaglalaruan itong isang stick sa isang kamay.
Bahagya siyang pinagpawisan sa ayos ng lalaki. Sa kabila kasi ng dilim na paligid ay napasadahan niya ng tingin ang malapandesal na tiyan nito. Tsaka niya lang din naalala na hindi pa pala niya nasasagot ang tanong ni Silver.
“H-hindi pa po S-sir,” nauutal niyang turan. Maalalang once na niyang nakita ang katawan nito noon nang pahiramin ito ni Rodolfo ng pang-itaas nang unang beses itong mapadpad sa kanilang barong-barong. Sa isiping iyon ay bigla niya tuloy naalala ang nangyaring hindi sinasadyang paghawak niya sa alaga nito. Doon ay pumababa pa ang mga mata at napansin nga ang umbok na bahagi ng katawan na iyon ng lalaki.
“Kamusta ka na?”
Ang tanong na iyon ni Silver ang tila nagpabalik sa kanya sa kanyang sarili.
“Mabuti naman po,” aniya at ibinaling na sa iba ang paningin. “Bakit nga po pala kayo bumalik kanina? Sa bahay po ba ang punta ninyo?” inayos niya rin ang pagkakaupo at pinapormal ang boses.
“Yes. I was worried about you,” pormal ding sagot ng lalaki.
“P-po?” medyo natigilan ulit siya sa sinabi ng kausap. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Matutuwa ba siya dahil may malasakit sa kanya ang lalaki o mag-aalala dahil baka napakinggan nito ang pag-aaway nila at malaman nitong hindi talaga sila totoong mag-asawa ni Rodolfo. Datapwat sa kabilang banda ay napaisip siya, paano kung ipaalam na lang niya ang totoo dito? Sigurado namang magiging safe ang sikreto niya sa lalaki. Ngunit sandali lang ay agad rin naman niyang sinalungat iyon. Tiyak na marami itong magiging katanungan lalo na patungkol kay Rodolfo. Magiging kumplikado ulit ang lahat. Sa ngayon ay mas makabubuti siguro na manatili na lang muna ang buong pagkatao sa pagitan niya at ng nagkukunwaring asawa.
“Narinig ko ang ingay sa loob ng bahay ninyo at ang pagsigaw niya sa iyo, still I decided to leave. Sinaktan ka ba niya?” Sa pangalawang pagkakataon ay ibinalik nito ang unang naitanong nang makita siya nito sa daan kanina.
Hindi maikakaila na lumuwag ang pakiramdam niya sa narinig. Gusto man niyang hiwalayan na si Rodolfo ay hindi pa niya alam kung papaano. Sa mga reaksyon kasi ng lalaki kanina ay baka imbes na pakawalan siya nito ay ibalik siya sa kanyang mga magulang. In time darating din siya sa puntong iyon pero ngayon ay kailangan niyang pagplanuhan iyon ng mabuti. “Hindi naman po,” pagsisinungaling niya. “I just decided to leave para hindi na lumaki ang pagtatalo namin. Actually, may point rin naman po siya. It’s my fault kung bakit nalunod ang bata. I’m being careless,” pagpapaliwanag niya.
“But hindi ka niya kailangan pang bulyawan sa harapan ng bata. Utoy had enough truma dahil sa nangyari, mas madagdagan lang iyon sa nakikita niyang pagtrato ng Tatay niya sa Nanay niya,” entra naman nito.
Napabuntong hininga siya. Ang totoo ay iyon ang dahilan kung bakit pinili niyang lumabas na lang kanina pagkatapos umiyak ni Utoy.
“Does he always do that?”
Hindi agad siya nakapagsalita.
“Bakit hindi mo na lang iwan? Hindi healthy ang relationship kung palagi na lang kayong nag-aaway,” dugtong pa nito.
Sa sinabi nito ay napalingon siya sa lalaki. Hindi niya ini-expect na ia-advice nito iyon knowing na meron silang anak na lubos na maaapektuhan kapag nagkahiwalay sila.
“I’m sorrry. Masyado na ba akong nanghihimasok sa buhay mo?” biglang kabig nito sa sarili patungkol sa mga pinagsasabi.
“No. Hindi naman po Sir,” aniya na napahigop sa kapeng dala-dala. Wish niya lang talaga ay ganun kadaling makipaghiwalay kay Rodolfo pero sa tingin niya ay mahihirapan siyang gawin iyon. “Bakit nga po pala gising pa kayo?” pag-iiba niya ng paksang pag-uusapan. Sa pagkakataong iyon ay pumatayo siya at pumunta sa gilid ng terasa. Halos wala pang isang dipa ang pagitan ng terasa ng bawat kuwarto ng bahay na literal na pwede mo lang talunin para tawirin. Bumwelo siya upang pumaupo rin sa malapad na harang na kahoy sa paligid nito na wari ay ginaya ang lalaki. Inayos niya pa ang pagkakaupo pati na ang laylayan ng suot na roba. Sa huli ay inilagay rin ang tasa sa kanyang tabi.
“Hindi pa rin ako inaantok,” sagot nito. “Siya nga pala, how do you like your new house?” sa tanong ng lalaking iyon ay pumatayo ito, lumakad sa kabilang gilid ng terrace upang makalapit sa babae. Doon ay inihalukipkip ang mga braso sa dibdib at isinandal ang tagiliran sa harang na nagsisilbing partisyon sa kabila.
“Naku, maganda po. Sigurado pong hindi na tutulo sa loob ng bahay sa tuwing umuulan ng malakas.” masigla niyang turan na tila sandaling nakalimutan ang mga napagdaanan kanina. “Maraming salamat po ulit,” dugtong niya pa.
“Wala ‘yun,” ngiti naman ng binata. “Tomorrow may darating na mga kagamitan para sa bahay ninyo. Baka sakaling gumanda na ang mood ng asawa mo at hindi ka na niya aawayin,” may pagbibiro saad na nito.
Bahagya siyang natawa. Kung alam lang nito ang totoong dahilan kung bakit nagkaganoon si Rodolfo. Pero sigurado siya na magiging masaya nga ito, lalo na si Utoy. Magkakaroon na kasi sila ng kutson. Magiging magaan rin ang lahat para kay Rudolfo lalo na at ito palagi ang naghahanap ng maigagatong sa tuwing magluluto siya ng pagkain. Finally ay makakapagluto na siya sa de-gas na lutuan.
“Oo nga pala sir, matanong ko lang,” saad niya na medyo naging palagay na ang loob sa kausap. “Bakit n’yo ho pala ginagawa ang mga iyon sa amin? I mean, oo nga at tumatanaw ho kayo ng utang na loob sa amin pero sobra-sobra na po ang itinutulong ninyo in compare sa ginawa namin sa inyo.”
Pumihit ito at pumaharap sa kanya. “Mabubuti kayong tao. You deserve some help,” maikling sagot nito.
“But it's insanely too much,” bulalas niya.
Napatawa si Silver sa tinuran ng kaharap.
“Bakit ho?”
“Wala. The way kasi na magsalita ka minsan, para kang hindi nakatira sa isang barong-barong.”
Bigla siyang natigilan. Kapag kausap kasi talaga ang lalaki ay nagagamit niya minsan ang mga naitatagong english. Tuloy ay napahigop siya ng kape. Nang ibinaba niya na ang tasa ay hindi na niya napansin na kalahati lang ng pwetan ng tasa ang naipatong sa kahoy na pinag-uupuan, nang bitawan niya ito ay biglang nahulog iyon mula sa kinalalagyan.
Aagapan niya sana iyon nang bigla namang ma-out of balance sa pagkakaupo. Ang nangyari ay siya naman ngayon ang muntikan nang mahulog mula sa terasa. Mabuti na lamang ay agad niyang naikapit ang mga kamay sa braso ng lalaki na siyang kumilos agad para saluhin siya. Ang siste ay napahiga siya ngayon sa mga bisig ng lalaki. Sa sandaling iyon ay parehas silang nasorpresa sa biglaang pangyayari. Sa ayos nilang iyon ay walang ano ano’y nagtagpo ang kanilang mga paningin, habang hindi alintana ni Darling na dumudungaw na pala ang kabuuan ng kanyang hita at pang itaas na bahagi ng dibdib sa suot-suot na roba. Wala nang pakialam ang mga ito sa paligid nila, basta tila huminto ang mundo sa pagitan nilang dalawa kasabay ng paglalapit ng kanilang mga mukha.