RESCUED

2150 Words
“Ano ba ang pinaggagawa mo at nangyari iyon?” bulyaw ni Rodolfo sa asawa pagkapasok ng mga ito sa kanilang bahay kinagabihan. Padabog pang isinarado ng lalaki ang pintuan na tila ba walang pakialam sa bata na nagulat din sa inasal ng ama. Karga ito ni Darling na inilapag na sa higaan upang makapagpahinga. Sa kasalukuyan ay mabuti na ang pakiramdam nito na parang walang nangyaring masama dito kanina. Matatandaang ipinasundo ni Silver sa mga tauhan si Rodolfo para makasunod sa ospital para personal nitong malaman ang totoong kalagayan ng anak pagkatapos ng nangyaring aksidente sa ilog. Dumating nga ito na humahangos at agad na hinagilap ang anak. Ngunit magmula nang makarating ito sa ospital kanina ay hindi na nito kinibo pa ang asawa. “I’m sorry. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari iyon kay Utoy,” mahinahon ang paghingi ng paumanhin ng babae. Aminado naman talaga siya na naging pabaya siya noong mga oras na iyon. Na kahit pa madalas na iyon gawin ng bata ay hindi sana siya nagpakampante. Walang ano-ano ay dinampot ni Rodolfo ang kalapit na lumang upuang kahoy at itinapon sa pader ng kusina. Sira-sira iyong bumagsak sa konkretong sahig. Sinundan nito iyon ng matalim na pagtitig sa babae. Ang totoo ay kanina pa ito nagtitimpi sa galit na nararamdaman kay Darling, hindi lang ito makapagreklamo dahil nasa ospital ang mga ito at pinaliligiran ng maraming tao. Samantalang natigilan si Silver nang marinig ang ingay na iyon. Kasasampa lang nito sa sariling sasakyan. Ito mismo ang nagprisinta upang ihatid ang tatlo pabalik sa bahay ng mga ito para hindi na mahirapan ang mga ito, especially ang bata sa pagko-commute. Napahugot ng buntong hininga si Silver. May bahagyang kaba itong nararamdaman para kay Darling sa narinig na tila pag-aamok ng asawa nito ngayon. Naiintindihan naman ng binata na may kasalanan din ang babae, ngunit bakit hindi na lang isipin ng asawa nito na tapos na iyon. Ang mahalaga ay okay na ang bata at normal naman ang resulta na lumabas sa x-ray nito. Ilang sandali pa ay may kalabog ulit itong naulinigan. Napalingon ito sa likuran ng sasakyan, sa dako na kinaroronan ng bahay na ipinagawa para sa mga ito. Sandaling nag-isip si Silver kung aawatin ba ang lalaki sa pagwawalang ginagawa nito, pero dagling sinaway rin ang sarili dahil wala naman ito sa lugar para manghimasok pa. Away mag-asawa iyon at labas na ito roon. Maya-maya pa ay nagpasya na lang itong simulang paandarin na ang sasakyan upang makalayo na at hindi na nito marinig ang pag-aaway ng dalawa. “Hindi mo ba alam na hindi mo lang inilagay sa panganib ang anak ko? Dahil sa nangyari pati ang katahimikan ng buhay natin ay nadamay rin!” singhal ulit ni Rodolfo sa asawa. Naitaas ni Darling ang mukha para tingnan ang lalaki. Sabi na nga ba at ikagagalit rin ni Rodolfo ang pagkakalantad nila sa publiko. “For medical purposes lang naman ang paghingi nila ng impormasyon mula sa atin eh. Hindi naman iyon makakarating sa kinauukulan,” paliwanag niya tungkol sa ikinakatakot nito. “Sa ngayon! Eh paano kung may nakakilala sa atin doon, aber? Hindi ka nag-iisip!” one again ay sinipa nito ang nagkalat na piraparisong parte ng upuang inihagis kanina. Tumama ito sa mga platong nasa sahig na hindi pa naibabalik sa bagong gawa ring estante. Ang nangyari ay nagkabasag basag iyon at nagkalat. Dahil doon ay nagulat ulit si Utoy at bigla na lamang umiyak. Unang beses nitong nakitang nagkakaganoon ang ama. Ang totoo ay hindi pa talaga nagwawala ng ganito si Rodolfo. “Pwede ba, maghunus-dili ka nga! Natatakot na sa iyo ang bata,” nilapitan niya ito at inalo. Yakap siya nito habang humihikbi. Nang tumahan na ito at magsimula nang maglaro ulit ay pumatayo na siya at lumakad papuntang pintuan. Sa inis ay nagdesisyon na lang siyang lumabas ng bahay para matapos na ang kanilang pagtatalo. Iiwas na lang muna siya dito tutal ilang beses na siyang humingi ng paumanhin at paliwanag. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay sinundan na siya roon ng lalaki. “At paano nga pala nangyaring nandoon din si Sir Silver? Magkasama ba kayo kanina?” bungad na tanong ni Rudolfo sa kanya. Bahagya nang bumaba ang tono ng boses nito ngunit mahahalata mo pa rin ang galit dito kasama na ang pag-uusisa. “Huh?” naikunot niya ang noo. Hindi niya inaasahan ang pagtatanong nitong iyon tungkol doon. “Hindi,” sagot niya kapagkuwan. “At bakit mo naman nasabing magkasama kami?” “Eh, siya kamo ang nagligtas kay Utoy?” may diin na pahayag ng lalaki. “Oo nga, pero hindi kami magkasama. Nagkataon lang siguro na napadaan siya doon at narinig ako,” pagdidipensa niya. Pinukulan siya ng paningin nitong tila nagdudududa. “Pwede ba Rodolfo, ano ba talagang ikinagagalit mo? Ang nangyaring aksidente sa anak mo at pagkaka-expose ng pangalan mo or yung nakita mong magkasama kami ni Sir Silver?” siya naman ang tila nagtaas ng boses dito. Pakiwari niya ay sobra-sobra na ang pangbibintang nito. Ito naman ang hindi nakaimik. Lumabi lang ito at tahimik na nagprotesta ang damdamin. “Teka nga,” hinarap nito ang lalaki at kinompronta. “Aminin mo nga sa akin. Nagseselos ka ba?” diretsahang tanong na niya. Pakalit na umayos ito ng pagkakatayo habang tila iniiwas ang paningin kay Darling. Naghintay naman ng kasagutan ang babae. “Sa tingin mo?” sarkastikong tanong nito. Inihalukipkip pa nito ang mga braso sa dibdib at sumandal sa konkretong dingding ng bahay. “Seriously?” iyon lang ang namutawi sa bibig niya. Dismayado siya sa narinig. Although halata naman na kakaiba ang ikinikilos ng lalaki noong mga nagdaang araw, wala siyang idea na nagseselos na pala ito. “Bakit, hindi ko ba pwedeng maramdaman iyon? Two years na umiikot lang ang mundo natin sa ating tatlo. Ngayon, magmula nang sumulpot ang lalaking iyon ay halos sa araw-araw na lang yata na ginawa ng Diyos ay nandito siya sa bahay kausap ka, kabiruan, at ngayon malalaman ko na lang na siya pa ang nagligtas sa anak ko? Sa lahat ng taong nakapaligid sa atin, siya pa.” Medyo nagpanting ang tenga niya sa narinig mula rito. Paano’y pinararatangan siya nito ng bagay na hindi naman niya ginagawa. Bahagyang kumulo ang dugo niya pero pinigilan niya ang sarili na sabayan ang galit nito. “Rodolfo, in the first place, wala kang karapatang magselos dahil magkaibigan lang naman talaga tayo, remember? There’s no us.” Ipinagdiinan niya ang huling katagang binitawan. “At dahil ba magkaibigan lang tayo ay pwede ka nang lumandi sa ibang lalaki? Alalahanin mo rin na may pinagkasunduan tayo.” “Magkaibigan lang din kami ni Sir Silver!” naitaas niya ang boses sa pagsasabing iyon. Konti na lang ay papatulan niya na talaga ang lalaki. “Rodolfo, pakikisama ang tawag doon hindi pakikipaglandian. Mabait si Sir Silver at may malasakit sa kapwa tapos pag-iisipan mo pa ng masama?” banas na sambit niya. Sandaling hindi nakaimik ang lalaki. Bakit ba hindi nito maisip na kung hindi dahil kay Silver ay marahil patay na ngayon ang anak nitong si Utoy. Ilang minuto rin ang sumaklob na katahimikan sa pagitan nila nang magpaalam na siya. Hindi na niya kayang tagalagan pa ang prisensya ng lalaki ngayon gabi. “Papasok na ako sa loob, napagod ako sa buong maghapon,” aniya. Bubuksan na sana niya ang pintuan nang maalala ang isa pang sinabi nito kanina. “At huwag ka nga pa lang mag-alala dahil hindi ko nakakalimutan ang kasunduan natin,” sagot niya patungkol doon. “Pero hanggang doon na lang iyon,” mariin niyang dugtong . Naisipa ni Rudolfo ang kaliwang paa sa hangin. Tila ba hindi nito nagustuhan ang huling pangungusap na binitawan ni Darling. “What?" nilingon niya ito dahil sa reaksyong ginawa. Sa kabila ng dilim na kinalalagyang nilang dalawa, pagkakita niya sa mukha ng lalaki ay magkasalubong ang mga kilay nito kasabay ng pagtatagis ng bagang. "Don’t tell me--” Hindi na niya naipagpatuloy pa ang sasabihin sa bahagyang naramdamang kaba sa dibdib. Mukhang sa mga pagseselos na ipinapakita nito ngayon, isa lang ang ibig sabihin noon, may tinatagong pagtingin sa kanya ang lalaki. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Rodolfo na tila pinipigilan ang sarili sa gustong isambulat dito. “Rodolfo, pumasok tayo sa sitwasyong ito sa iisang layunin na magpakalayo-layo at mamuhay malayo sa gulo. Hindi yung--” hindi na niya naipagpatuloy pa ang sasabihin nang bigla na lang itong nagsalita. "Kasalanan ko bang mahulog sa iyo sa loob ng mga panahong nagsasama tayo?" agad nitong sagot na may pabalang. Umiling-iling si Darling na tila kumukontra sa dapat na maramdaman sa kanya ng lalaki. "Kelan pa ito?" "Ewan ko kung kelan pa, basta nagising na lang ako isang araw na mahal na kita," pagtatapat nito. Sandaling natahimik si Darling. Iba ang ‘gusto’ sa ‘mahal’. Mas malalim iyon at isang bagay na mahirap nang baliwalain. Kapagkuwan ay nasapo niya ang noo. Ito na ang kinakatakutan niyang mangyari, ang mahulog sa kanya ang lalaki at sa huli ay ariin siya nito. "So I guess it's about time na nga na magkanya-kanya na tayo." Tuluyan niya na itong tinalikuran upang pumasok na sa loob ng bahay. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan ulit siya ng lalaki. "Anong sabi mo?" bumalik ang matinding galit sa boses nito. "Inamin ko ang totoong nararamdaman ko sa iyo hindi para iwan mo kaming dalawa ni Utoy." pagkukompronta sa kanya ng lalaki. Pumihit siya ulit paharap rito. "So anong gusto mong mangyari, mag-stay pa rin ako dito kasama mo sa kabila ng hindi na tama ang nararamdaman mo para sa akin?" "Anong hindi tama roon? Pwede naman ‘yun eh. Bigyan mo lang ng pagkakataon ang sarili mo na magustuhan ako. Malay mo, maging isang totoong pamilya tayo." "No, Rodolfo! I can't!" muli ay tumalikod siya at sinubukan ulit na bumalik sa loob ng bahay. Hindi niya inaasahan ang paghatak nito sa kanyang braso at mahigpit na paghawak roon. Nang harapin niya ulit ito ay tila nanlilisik na ang mga mata nito sa galit sa pagkadismaya. After all that he’d done for her, Darling just turned him down. "Bitawan mo ako, Rodolfo!" sinubukan niyang magpupumiglas upang makawala sa pagkakahawak nito. "Hindi! Dito ka lang. Hindi ka aalis!" matigas na panayam nito. "Ano ba! Nasasaktan na ako!" Imbis na pakinggan ang hinaing niya ay humigpit pa ang kamay nito at sa ngayon ay tinangka na siyang sunggaban at halikan sa leeg. Iniilag niya ang sarili at sa ipinagsama-samang lakas ay tinuhod ang gitnang bahagi ng parte ng p*********i ni Rodolfo. Bahagyang lumuwang ang pagkakahawak nito sa kanya kaya walang pagdadalawang isip na agad nang ipinadapo ang malakas na sampal sa mukha nito. Tila naman natauhan ang lalaki. Nakalimutan siguro nitong isang prinsesa sa Mindanao ang pinagtangkaan nito ng masama. Siguradong malilintikan ito kapag nalaman iyon ng Datu. Dahil doon ay tuluyan nang nabitawan nito ang babae. Sinamantala naman iyon ni Darling upang makatakas. Tumakbo siya papalayo rito at nilandas ang bako-bakong kalsada. Balak niyang pumunta sa kakahuyan pero magmula doon ay medyo may kalayuan pa iyon. Habol ang paghinga na wari ba’y bumalik ang mga kaganapan sa kanyang balintataw noong tinakasan niya rin ang mga magulang. Madalas niyang lingunin ang kanyang likuran kung nakasunod ba ang lalaki. Ngunit sa palagay niya ay hindi naman. Tumigil siya sandali at nagpalingo-lingo sa paligid. Masyadong masukal ang kagubatang balak niyang tahakin at sa oras na ito ay magiging delikado na para sa kanya pumunta doon knowing na may mga mababangis na hayop na naninirahan doon. Pero sa kagustuhang makaalis sa poder ni Rodolfo ay lalakasan na lang niya ang loob. Pakiramdam niya ay hindi rin naman na siya safe sa piling ng lalaki. Ano ba ang magiging kaibahan noon? Nagpatuloy siya sa ginagawa. Lakad-takbo, kahit na pagod na ang kanyang mga paa. Maya-maya ay napatigil siya sa narinig na makina ng sasakyan. Hindi pa nagtatagal ay naaninag niya ang maliwanag na ilaw galing dito na papalapit sa kanyang kinalalagyan. Kahit papaano ay lumuwang ang sikip sa kanyang dibdib noong mga oras na iyon. Dagli niya itong pinara hindi alintana kung sino ang taong nasa loob ng may kataasang sasakyang iyon, basta ang nasa isip niya lang ay ang tuluyang makaalis sa lugar na ito. Maya-maya pa ay huminto ang sasakyan sa kanyang harapan. Tila naging slow motion ang paligid nang makita niyang bumaba ang isang lalaki mula roon at buong pag-aalalang sinalubong siya. Hindi niya alam kung bakit gumaan ang loob niya nang makita ang mukha ni Silver. All she knows ay finally may isang tao na na handa siyang i-rescue. Samantala, ilang minuto lang magmula nang mapagpasyahan ng binata na bumalik at muling tahakin ang daan patungo sa bahay ng mag-asawa. Habang papauwi kanina ay patuloy itong binabagabag ng kunsensya sa kung anong pwedeng sapitin ng babae sa kamay ng nag-aamok na si Rodolfo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD