Natulala siya nang dalhin ito ng mga iyon sa gilid ng kalsada at doon ay sinimulang pagsusuntukin at pagsisipain. Ibinaba niya ang daladalang bag at napatakbo palapit dito upang awatin ang mga iyon. “Teka! Sandali! Anong ginawa niya sa inyo?" naguguluhan niyang tanong sa mga lalaki na ni isa ay wala siyang mamukhaan. Hindi nagsalita ang mga iyon bagkus ay ipinagpatuloy ang ginagawang pangbubugbog kay Silver. Nang masilip niya ang lalaki ay duguan na ang mukha nito na kahit pilit na lumalaban ay hindi man lang makaganti sa dami ng mga lalaking nagtulong-tulong upang mapabagsak ito sa lupa. Nawala bigla ang nararamdaman niyang galit dito bagkus ay napalitan ng awa at pag-aalala. Sinubukan niyang lapitan ito sa pamamagitan ng paghila, pagtulak at paghampas sa mga di kilalang lalaki

