"Kuya, kanina ka pa namin hinahanap. Bakit hindi mo sinasagot ang telepono mo? Where are you?" sa kabila ng galit na nararamdaman sa kapatid sa ginawa nitong pagtakas sa ospital ay lubos na pag-aalala pa rin ang nangingibabaw kay Copper nang tawagan nito si Silver sa telepono. Kasama ang nakakatandang kapatid na si Gold ay inabisuhan ng mga ito ang mga taong posibleng lapitan ng lalaki ngunit dahil busy hour noong mga oras na iyon ay hindi lahat nakontak ng dalawa. "Paalis na kami ni Bert. Pupunta kami sa Mindanao. Hindi ko hahayaang maikasal si Darling sa lalaking iyon," habang nagsasalita ay isinusuot na ni Silver ang seatbelt sa katawan. Kasalukuyan na itong nasa loob ng private plane na siyang pag-aari nilang tatlong magkakapatid. Kanina pagkatapos mapanood ang balita tungkol sa

