“Stanley!” sa pangatlong pagkakataon ay tinawag ni Fatima ang anak na nauuna lagi sa paglalakad sa mahaba at puting corridor na kinaroroonan. “How many times do I have to tell you! Stay right next to me, we are not in the playground!” naiinis nang saad nito kung kaya mahigpit nang hinawakan ang kamay ng bata. Kasalukuyang nasa loob ng hospital ang mag-ina upang dalawin si Silver. Ang totoo'y dapat kahapon pa pumunta ang mga ito doon dahil kahapon pa nabalitaan ng mga ito na inilipat na ang lalaki sa pribadong kuwarto nito pero dahil ipinagbawal muna ng doctor ang pagbisita ng bata ay hindi muna sila tumuloy. Mas maayos na ang kalagayan ngayon ni Silver. Normal naman na ulit ang ginawang x-ray ng lungs nito dahilan upang tuluyan nang alisin ang nakakabit na tubo nito sa tagiliran. Is

