Habang naghahabi si Darling ng sumbrero na madalas na pinagkakaabalahang gawin sa tuwing sumasama kay Dan sa trabaho nito ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng paglapit ng isang tao. Ang buong akala niya ay ang lalaki iyon pero nagulat na lamang siya nang marinig ang isang pamilyar na boses banggit ang matagal na niyang hindi naririnig na pangalan. Hindi siya umimik dahil ang buong akala niya ay isa lang iyon sa mga gawa-gawa ng isipan. Madalas kasi siyang magpantasya na isang araw ay muling marinig ang boses ng kasintahan sambit ang kanyang pangalan. Although itinanim sa utak na malabo nang mangyari iyon, bigla siyang natigilan nang muling marinig ang boses na ilang minuto lamang noong huling napakinggan. Nakaramdam siya ng kaba nang muling maulinigan ang kanyang pangalan pati na ang

