“Good morning po, Sir Silver!”
Kanya-kanya ang bati ng mga taong inabutan ng binata na nagkukumpulan sa sala at dining area pagkababa nito mula sa kuwarto kinabukasan. Tila ba tapos na mag-almusal ang mga ito at hinihintay na lamang ang lalaki na magising.
“Mukhang napagod ho kayo kagabi sir ah. Tanghali na kasi kayo bumangon.”
Natawa ang binata sa tinuran ng isang tauhan. Totoo iyon at napagod ito sa buong araw kahapon, ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit napahimbing ang tulog nito. Naalala pa ng lalaki, it was almost 5 AM nang lumipat si Darling sa kwarto ng mga ito. Halos dalawang oras rin nitong nakasama ang babae. Maikling oras para sa iba pero para sa lalaki ay sapat na iyon. Ipinagpatuloy na lang nito ang pagtulog na umabot nga hanggang alas otso ng umaga.
“Good morning sa inyo! Nakapag-almusal na ba ang lahat?” tanong ng binata kapagkuwan.
“Oho, Sir. Tapos na ho kaming mag-almusal. Ikaw na lang ho ang hindi pa,” sagot naman ni Rodolfo na kandong ang anak. Mukhang ok na ang kalagayan nito kumpara kagabi.
Tumango-tango lang ang binata at iginala ang paningin. Tila ba may isang partikular na tao itong gustong masilayan noong mga oras na iyon.
Sa pasimpleng paghahanap ay sandaling naharang ito ng mga tauhan kung kaya’t sandali itong nakipagkwentuhan. Medyo maganda na ang panahon noong araw na iyon at nabanggit nga ng mga trabahador na sadyang hinihintay lang ng mga ito na magising ang binata para makabalik na sa kani-kanilang tahanan.
Ilang minuto pa nang pakawalan na ito ng mga kausap. Dumiretso na ito sa kusina kung saan naabutan ng lalaki si Darling na mag-isang nag-aasikaso roon.
Pasimpleng lumingon muna ito sa likuran bago nilapitan ang nakatalikod na babae.
“Good morning, sweetheart,” kasabay ng paghaplos sa likuran ng babae ay ang malambing na pagsambit nito ng mga katagang binitawan. Hindi rin nito nakalimutan na bigyan ito ng mabilisang halik sa ulo.
Tila pumalakpak ang mga tenga ni Darling nang marinig ang itinawag sa kanya ng lalaki. For her, mas gusto niya iyon kesa sa tawagin siya ng lalaki sa gamit niyang pangalan ngayon na halos lahat ng taong kakilala sa lugar na iyon ay 'yun na ang itinatawag sa kanya. Mas feel niya ito. Mas nakakakilig. Mas ramdam niya na may espesyal siyang lugar sa puso ng lalaki.
Actually, hindi na siya nagulat pa sa kung anong gagawin ni Silver pagkagising nito. Inaasahan na niya na siya agad ang hahanapin ng binata dahil kahit siya man ay kanina pa niya ito hinihintay na magising.
“‘Morning,” maikling bati niya rin kasabay ng pagharap dito. “Breakfast na. Here, I save some for you,” kinuha niya ang isang plato na kumpleto na ng pagkaing pang-agahan na sadyang inilaan para sa lalaki. Inilagay niya iyon sa ibabaw ng kitchen island na kung saan sa gilid ay may katapat nang upuan.
“Thank you. Ikaw kumain ka na ba?” saad ng lalaki na pumwesto na roon.
“Tapos na,” sagot niya. "Kailangan ko kasi silang saluhan," dugtong niya pa na ang tinutukoy ay ang mag-ama. Tumalikod ulit siya para magtimpla ng inumin ng binata.
“I understand," tango naman nito. Pagdating sa ganoong bagay ay hindi na kailangan magpaliwanag ng babae. "Ikaw ang nag-asikaso sa lahat? Walang tumulong sa iyo?” mahahalata ang pag-aalala sa tanong na iyon ng binata.
“Uhmm..” tango niya. “Ok lang naman. Breakfast lang naman ito, hindi naman mahirap lutuin,” saad pa niya na sinamahan ng simpleng pagngiti. Pagkapihit paharap sa lalaki ay may iniabot ulit siya rito. “Kape? Para sa hangover,” dugtong niya pa.
Napatawa lang si Silver. Ang totoo ay medyo masakit nga ang ulo nito, hindi lang nito pinapahalata.
“Mukhang tama ang hula ko sa inyo kagabi, Sir ah. Hindi lang ho kayo nakainom, lasing ho talaga kayo,” panunuya niyang saad kasunod ang pagtapon ng tingin sa halos isang dosenang bote ng beer na niligpit niya pagkagising. Nagkalat iyon sa lamesa kanina. “Baka naman sa kalasingan ninyo ay hindi n’yo na naalala ang pinaggagawa ninyo kagabi huh.”
Muli itong napatawa. “Oh no. Lasing man ako kagabi, pero lahat ng ginawa ko, I mean ginawa natin, tandang-tanda ko at hindi iyon mawawala sa isip ko,” walang ano-ano ay hinigit siya nito sa bewang at niyakap.
Napahagikhik siya nang bahagyang makiliti. Sandaling naglapit ang kanilang mga mukha pero agad ring naghiwalay nang maalalang hindi lang isang tao ang pwedeng makakita sa kanila doon sa ganoong ayos.
“Oo nga pala, bibisita ako sa rancho mamaya. Gusto mong sumama?” pag-aaya ng lalaki nang magsimula nang kumain.
Sandali siyang nag-isip. Magdadahilan sana siya dahil sa hindi pa maganda ang pakiramdam ni Rodolfo ngunit tila hindi na siya pinagsalita pa ng lalaki.
“Don’t worry ipagpapaalam kita,” anito. “I will just tell him na maglilinis ka ng bahay pero ang totoo ay ililibot kita sa buong hacienda,” may pagbulong pa nitong sambit.
Napailing lang siya at napangiti sa tinuran ng kausap. It was obvious na gumagawa na ang lalaki ng paraan para makasama pa siya ng madalas, which is gusto niya naman. Ang totoo ay may naramdaman siyang excitement sa gusto nitong gawin nila. Paano’y sa dalawang taong paninirahan niya sa lupain ng lalaki ay interesado talaga siyang makita kung gaano kalaki ang lupain nito na tanaw-anaw lamang mula sa maliit na burol na paminsan-minsang pinagtatambayan kapag gustong makapag-isa.
Hindi rin nagtagal ay nagsiuwian na ang mga pamilyang kinupkop ng binata sa buong magdamag. Sina Rodolfo at ang anak nito ay ipinahatid ni Silver sa ibang tauhan para i-check ang binahang bahay. Hindi na ito nagpapunta pa sa ospital dahil sa ininom na pain reliever kagabi ay gumaan na rin ang pakiramdam. Naiwan si Darling na nagpatuloy sa paglilinis sa kusina.
“Good morning po, ma’am! Nandito po ako para maglinis ng buong bahay,” isang babae ang nabungaran niya ng buksan ang pintuan ng marinig ang tunog ng doorbell.
Natigilan siya sandali sa itinawag sa kanya ng babae. Bigla kasi niyang naalala ang tawag sa kanya ng mga kasambahay dati.
“Ay, cook po ako dito. Pasok po kayo. Nasa itaas po kasi si Sir Silver,” saad niya na katatapos lang din maligo. “Inaasahan niya po ba kayo?” tanong niya pa.
“Ang totoo po ay kaibigan po ako ng naglilinis ng bahay na ito. Isa po kasi siya sa binaha ang bahay kagabi kaya ako na po ang pinapunta rito. Kung okay lang po kay Sir,” sa kabila ng paanyaya ng babae na pumasok sa bahay ay hindi ito natinag sa pagkakatayo.
“Ganon po ba. Pwede ho bang maghintay muna kayo rito sa labas, sasabihan ko lang ho si Sir Silver,” aniya.
Tumango lang naman ang babae. Marahan niyang sinarado ang pintuan at agad na pumaakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Dumiretso siya sa kuwarto ng lalaki at kumatok sa pintuan.
“Sir,” dalawang beses niya itong tinawag ngunit wala siyang narinig na sagot mula rito. Kaya naman wala nang pag-aalinlangan na pinihit na ang door knob ng pintuan para buksan.
Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kuwarto ng lalaki, wala doon ang hinahanap. Napansin niyang nakabukas ang pintuan ng terasa, agad niyang naisip na baka nandoon ang lalaki kaya nagtuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob papunta sa nakabukas na pintuan ng terrace nang ilang sandali pa ay biglang magulat nang biglang magsarado ang pintuan ng kuwartong kinapapalooban.
“Are you looking for me, sweetheart?”
Gulat siyang napaharap sa lalaki na hindi niya namalayang nakatayo na sa kanyang likuran. Pansin niyang mukhang kalalabas lang nito ng banyo, hawak-hawak pa sa isang kamay ang magkabilang dulo ng puting tuwalya na tila mabilis lang na ipinangtakip sa pang-ibabang katawan.
“Ay, sir,” bigla siyang napatakip ng mga mata sa nakitang ayos nito. “Sir, nasa labas po yung maglilinis ng bahay ninyo,” aniya.
Mahinang napatawa si Silver sa inakto ng babae, datapwat napabuntong hininga sa narinig na itinawag dito. “Sir?” saad nito. “Sweetheart, can you please don't call me sir, lalo na kapag wala namang ibang tao sa paligid natin?” malumanay ang pagsasabi nitong iyon ngunit maotoridad.
“Po?” namilog ang kanyang mga mata sa ipinag-uutos ng lalaki. Sa anong term of endearment ba niya tatawagin ang lalaki eh first time niyang magka-boyfriend at nahihiya pa siyang tawagin ito sa mga uri ng tawagan na gamit ng mga magnobyo.
“Wala na ring 'po', please,” anito na hindi na nakapagpigil ay dahan-dahan nang nilapitan ang babae.
Naramdaman niya naman ang yabag ng mga paa nito kung kaya agad siyang napaatras. Sigurado siyang may binabalak na naman ang lalaki sa paglapit nitong iyon. Hindi naman sa ayaw niya iyon pero dahil sa ayos nito ngayon ay ilag pa siya. Hangga’t maaari ay gusto niya munang iwasan ang mga pwedeng mangyari kapag nagdikit ang kanilang mga katawan lalo na sa ganitong halos wala nang saplot ang lalaki. Napaka-clingy pa naman nito. Na kung pupwede lang na magkayakap silang magkausap ay ginawa na nito.
Sa pagitan ng mga daliri na itinabon sa mga mata ay nakita niya na kumilos ang kamay ng lalaki upang abutin siya nang magpasya siyang tumakbo palayo mula rito. Sinubukan niyang tumakbo patungo sa pintuan pero malayo na ang agwat noon sa kanya. Natatawa na lang siya sa sarili.
“Um, alam mong hindi ka basta-basta makakalabas ng kuwarto, right?” panunuya ng isa.
“Sir, kasi, magsuot muna kayo ng damit,” patuloy ang pagtawa niya habang tinatakpan ang mga mata.
“Isa pang sir, may makikita ka nang siguradong hahanap-hanapin mo next time,” may pag-uuyam na hinabol nito ang babae pagkatapos ayusin ang pagkakatapis ng tuwalya sa katawan.
"Sir, I'm warning you, huwag mong gagawin 'yan. Huwag kang lalapit!" seryoso ang pagkakasabi niyang iyon pero hindi niya mapigilan ang pagtawa.
Parang nang-aasar namang lumapit pa ang lalaki. Hindi nito gusto ang napapakinggan kung kaya hinawakan nito ang tuwalya at tangka nang ibubuklat sa harapan ng babae nang tumalikod ulit si Darling at magtatakbo. Nang makorner ito ng lalaki ay napagdesisyunang na lang na magtago sa likod ng kurtina.
Nagpakawala ng malakas ng pagtawa si Silver. Binibiro lang naman nito ang babae. Of course hindi nito gagawin iyon lalo na at pakiramdam nito ay hindi pa handa sa ganoong bagay ang babae. He respect her more than enough. Kahit may asawa na ito handa siyang maghintay hanggang handa na itong ibigay ang sa tingin ng babae ay karapat dapat na ibigay kay Silver.
Sinubukan ng binata na ihawi ang kurtina dito ngunit mahigpit ang pagkakahawak doon ni Darling.
“Hindi ako lalabas hangga’t hindi ka magsusuot kahit pants man lang. Ikaw sir ha, pansin ko panay na ang pagpapakita mo ng katawan sa akin, for your information po, hindi po ako natutukso,” natatawang sambit ng babae kapagkuwan.
Sa narinig ay sumeryoso ang mukha ng binata. “Ganun ba?” ibinaba nito ang mga kamay at hinayaan na lamang si Darling sa loob ng kurtina. “Kahit na nahawakan mo na ito dati?” tanong pa nito na parang may ipinapaalala.
Bigla siyang natigilan sa narinig. Napakunot rin ang kanyang noo. Ang tinutukoy ba ng lalaki ay ang nangyari sa pagitan nila isang gabi noong nakituloy ito sa kanilang bahay? Noong nanaginip siya at aksidenteng nahawakan ang ari nito? Agad na namula ang kanyang mukha.
“Akala ko ba tulog ka no’n?” pagmamaktol niyang itinadyak ang mga paa sa sahig. Parang gusto niyang maglaho sa hiyang naramdaman. Lalo tuloy niyang ayaw nang lumabas mula sa pinagtataguan.
Natatawa namang tuluyan nang inihawi ni Silver ang kurtinang tumatakip sa babae na noong makita naman ito ay agad nang itinabon ang mga kamay sa mukha.
“Listen, sweetheart,” hinawakan nito ang babae sa mga kamay nito upang alisin mula sa pagkakatakip doon. “Don’t worry, tayong dalawa lang naman ang nakakaalam,” ngiti nitong sambit. “Ngayon, kung babalikan natin yung mga oras na iyon, hindi pa ka rin ba matutukso sa akin?” panunudyo ulit nitong turan.
Napaismid si Darling sa inis. Kung alam lang sana ng lalaki na first time niyang makahawak ng ganoong bagay kaya hindi niya alam kung anong magiging reaksyon noong panahong iyon.
Tila natutuwa lang si Silver na pagmasdan si Darling ngunit nang makita nitong napipikon na ang babae ay inamo na nito ang kaharap. “Ooh, sweetheart, ano nga ulit ang gusto mong sabihin sa akin kanina?” pag-iiba na nito ng usapan.
Tsaka lang niya naalala ang babaeng naghihintay sa labas.
“Yung maglilinis ho ng bahay ninyo, kanina pa nasa labas,” banas niyang saad dito.
“O sige, bababain ko na,” pumihit ang lalaki at nagdirediretso sa pintuan.
“Sir? Bababa ka nang nakaganyan lang?” mariing pigil niya sa lalaki.
“Bakit ayaw mo?” sarkastikong tanong nito na tila gustong-gusto ang ginawang pagpigil ni Darling.
Itinaas niya ang isang kilay at ipinameywang ang dalawang kamay. Of course! Kahit naman medyo ilang pa siya na tingnan ang lalaki sa ganoong ayos ay ayaw niyang may iba pang babae na makakakita sa halos hubad na nitong katawan.
“Sabi ko nga eh, kaya magbibihis na muna ako,” nakangiti nitong saad sa mga tila galit ng tingin ng babae. Pero bago pa ito pumasok sa walk in closet ay nagnakaw muna ito ng halik sa pisngi ni Darling, pangpalubag loob sa mga pang-aasar sa babae. ”But, can you let her know na bababa na ako in a few minutes, please?”
Nakasimangot siyang naglakad papalabas ng kuwarto. Not knowing na sa huling pagkakataon ay haharangin pa ulit siya ng lalaki bago niya buksan ang pinto.
“I love you, sweetheart. Huwag ka nang mainis, okay,” paglalambing nito. This time ay natuloy na ang paghapit nito sa katawan ni Darling.
Pinakatitigan niya ito noong mga oras na iyon. Ang mga mata nitong nangungusap, ang pagkatangos tangos na ilong at ang mga kissable lips ng lalaki, lahat ay bumabagay sa may pagkapangahin na mukha na may kaonting balbas at bigote. Paano ba siya magagalit sa ganito kagwapo at napakalambing na lalaki? Tuloy ay hindi na niya napigilang bigyan ito ng napakatamis na ngiti kasunod ang pagtingkayad para abutin ang mga labi nito at gawaran ng banayad na halik.
“I won't. And I love you too…” sambit niya. “Mahal ko,” idinugtong niya ang salitang alam niyang magpapaligaya sa binata, maging sa sarili. At hindi nga siya nagkakamali, kinuha ulit nito ang mukha niya at dinugtungan ang kakarampot na halik na ibinigay niya dito.
Para siyang nasa alapaap habang bumababa ng hagdan. Pagbukas niya ng pintuan upang tingnan kung nandoon pa ang babaeng maglilinis ng bahay ay nakahinga siya ng maluwag dahil ang buong akala niya ay umalis na ito sa tagal ba naman nitong naghihintay doon. Ilang minuto pa ang lumipas nang pumababa na rin si Silver at binigyan ito ng instruksyon kung saan magsisimulang maglinis. Habang abala ang babaeng iyon sa pag-aasikaso ng buong bahay ng binata ay isinama siya nito sa rancho para tulungan ang ibang tauhan para hanapin ang iba pang alagang hayop na hindi pa natatagpuan.
*
*
“Mahal ko, anong nasa loob nito?” tanong niya habang nakasakay sa kabayo at nakatanghod sa makapal na halaman na sadyang pinantay ang pagkaka-trim sa gilid at itaas na tila ginawang isang pader. Matayog iyon at malawak, hindi niya lang mawari kung hanggang saan. Kanina pa nila dinadaanan iyon habang tinuturuan siya ng lalaki kung paano mangabayo.
“This is my secret garden,” sagot ng lalaki na nakasakay rin sa sarili nitong kabayo habang sinasabayan siya.
“Garden? Ibig sabihin maraming halaman at bulaklak sa loob?”
“Yes. Do you love flowers?”
Nangiti siya. “Sino bang babae ang ayaw ng bulaklak?" sambit niya. "Pwede bang pumasok sa loob at makita?”
“You can. But I am warning you, madaling maligaw sa loob. Once makapasok ka, mahirap nang makalabas, well, pwera na lang kung kasama mo ako. No one attempts to go there yet, kasi maraming pasikot-sikot na daan. So if you want to hide, you can go there, mahihirapan silang hanapin ka,” paliwanag ng lalaki kalakip ang isang kindat sa interesadong si Darling.
Pagkamangha naman ang namutawi sa mga mata ng babae. “Wow! Gaya ba 'yan ng mga nakikita sa ibang movie na parang isang maze garden?”
Napatango ang lalaki. May sasabihin pa sana ito nang marinig nila ang pagdating ng isang tauhan sakay rin ng isang kabayo. Sabay silang napatingin dito.
“Sir, Silver, may naghahanap ho sa inyo.” humahangong sabi nito. “Hindi ko ho natandaan ang pangalan, pero nakasuot ho ng pang-muslim, gusto hong pasukin ang bahay ninyo,” dugtong pa nito.
Sa pagkarinig sa sinabi ng tauhan ni Silver ay abot-abot ang kabang naramdaman ni Darling.