“Seriously, Silver? May asawa na ang babaeng iyan, hindi ba?” hininaan ni Gold ang boses sa pagtatanong na iyon sa kapatid.
Kasalukuyan silang nasa bar noong gabing iyon na kalapit lang sa living area ng bahay kung saan nandoon rin ang pamilya nito. Pormal niyang ipinakilala si Darling sa mga kapatid bago pa man umalis si Copper, kasama ang ipinakilala rin nitong kasintahan na si Deyanira.
“Wala siyang asawa,” maikli lang niyang sagot kasabay ng pagbigay ng isang basong alak sa kaharap.
“Huh? Hindi ba ang sabi mo noong nakaraan ay may asawa na siya?” nagugulhan si Gold sa pagtatanong na iyon.
“It’s a long story,” aniya. “Pero wala talaga siyang pananagutan, ni kanino man,” pagkatapos sabihin iyon ay lumagok siya ng alak mula sa hawak na baso.
“Hmm.. Looks like I’m smelling trouble on your part,” tila may pag-aalinlangang tanong nito.
Sandaling siyang natigilan sa sinabi ng kaharap. “Wala naman,” sagot niya pero agad ring binawi. “Siguro, konti.”
“What do you mean?” nakakunot na noong tanong ulit ni Gold.
Everybody knows na close siya sa kanyang mga kapatid at wala siyang itinatago sa mga ito. Kaya noong gabing iyon, para lang maintindihan ng kausap ang kasalukuyang kalagayan ng pakikipagrelasyon niya kay Darling ay ipinagtapat niya na rin dito ang lahat. Pati na ang tungkol sa buhay ng kasintahan.
“Are you sure about it? Prinsesa ba kamo ng mga muslim sa Mindanao? Are you crazy?” may pag-diin ang pagkakasambit nito sa huling salitang binitawan.
“Maybe, I am,” ikinibot niya ang gilid ng mga labi. “Bakit, ganyan ka rin naman dati noong nakilala mo si Emerald ‘di ba?” kapagkuwan ay saad niya na sinamahan ng pagtawa.
Sinundan rin naman iyon ng pagtawa ni Gold. Hindi iyon maikakaila ng lalaki.
“Well, seriously speaking, mas baliw ka kesa sa akin,” sambit pa nito.
“Anong magagawa ko, eh, sa kanya tumibok ang puso ko?” nangingiting nagkibit balikat lang naman ni Silver.
“But, you said, her family has been looking for her? Kilala mo kung paano magalit ang mga muslim, right?” paalala nito sa kapatid.
“I know. Gaya rin naman sila ng ibang tao kung magalit, lalo na kapag naagrabyado sila. Ang difference nga lang, may ipinaglalaban silang kultura, at isang prinsesa ang gusto nilang mabawi mula sa akin.”
Sandali natahimik si Gold sa sandaling pag-iisip . “So, anong balak mo?” seryosong tanong nito.
“Hindi ko pa alam. Hindi ko naman siya itinatago, kuya. Well, kung hihingin ng pagkakataon, gagawin ko iyon para lang hindi siya masaktan. Pero as of now pwede naman nila kaming harapin dito, pag-usapan namin ng maayos ang lahat, pero hindi ko siya basta-basta ibibigay lalo na at ayaw na niyang bumalik sa kanila,” seryoso rin ang sagot na iyon ng binata.
“Alam mong malaking gulo ‘yang pinasok mo, right?” napabuntong-hininga lang si Gold sa narinig.
Tumango lang siya.
“How about iuwi mo na lang siya sa kanila. Magpa-convert ka bilang isang muslim at pakasalan siya doon?”
“Naisip ko na ‘yan. But it’s not that easy, kuya,” iling niya.
“Well, anuman ang maging problema, you know that we are just here for you. Alam mong maasahan mo kami pagdating diyan.”
Isang tapik sa kanyang balikat mula sa nakakatandang kapatid ang nagtapos sa kanilang pag-uusap noong gabing iyon.
*
*
Naging maganda ang mood nila sa mga nagdaang araw. Wala kasing sumusulpot na anumang problema sa hacienda o maging sa kanilang personal na buhay. Lubos nilang ipinagpapasalamat na pagkatapos ng tampuhan sa pagitan nila ay kahit papaano’y nagiging tulong iyon para mapatibay pa ang kanilang pag-ibig para sa isa’t isa. Aware naman sila na walang perpektong relasyon. Kaya’t hangga’t maaari ay pinanatili nila na maging tapat sa isa’t isa. They realized, madali lang solusyunan ang gusot sa isang relasyon lalo na at maayos na napag-uusapan.
Sa araw na iyon ay maaga silang gumayak para pumunta sa isang strawberry festival. Naanyayahan kasi si Silver ng isang organisasyon doon upang ibenta ang mga na-harvest nitong prutas at mga gulay at i-donate ang kita sa mga maliliit na magsasaka na siyang naninirahan din sa lungsod ng Baguio. So far, naging maganda naman ang pamamalakad ni Silver sa kanilang hacienda magmula noong mapasakamay niya ito kaya hindi naging problema sa binata na bawat taon ay may partisipasyon siya dito.
Sa ilalim ng isang malaking tent kung saan ay malapit lang sa kinaroronan ng inarkilang banda na siyang kakanta at magbibigay ng aliw sa mga bisita ay doon nila napiling pumwesto. Sa mahabang lamesa na nasa harapan ay inilatag nila ang kanilang mga produkto kasama na ang niluto nilang libreng pananghalian para sa mga maliliit na vendor na nakikiisa rin sa kasiyahang iyon.
Namilog sa tuwa ang mga mata ni Darling ng magsimulang dumugin ng mga tao ang kanilang mga itinitindang prutas at gulay. Makikita ang pinaghalo-halong mga turista pati na ang mga lokal na residente na natutuwa sa murang presyo ng kanilang paninda. Lahat ng mga taong naroroon ay makikitaan ng ngiti sa mga labi sa masayang ambiance sa paligid.
Gaya ng Panagbenga festival ay may sarili ring parada ng mga karosa ang nasabing pistang iyon. Iba’t ibang klase ng bulaklak rin ang mga inilagay roon, datapwat mas ibinibida ang pangunahing produkto sa araw na iyon, ito ang strawberry. Mapapanood sa gitna ng kalsada ang mga sumasayaw na kabataan at matatanda na ang iba ay nakasuot pa ng kanilang native clothes at makukulay na iba’t ibang disenyong damit. Hindi rin mawawala ang mga palaro na siyang nagbigay pa ng lubos na katuwaan sa karamihan, isa na doon ang pagluluto ng iba’t ibang pagkain gamit ang strawberry na kailangan ay pangunahing putahe ng mga ito.
Ilang oras din ang lumipas nang maubos ang kanilang mga paninda. Maya-maya pa ay pumailanlang ang nakakaindak na tugtugin mula sa kalapit lamang na banda sa hindi kataasang gawa sa kahoy na stage.
Mabilis na inokupa ng mga magigiliw na indibidwal ang harapang espasyo na sadyang hindi nilagyan ng kung ano para sa mga taong makikiindak sa saliw ng musika na inihanda para sa nalalabing oras ng kasiyahang iyon.
Hinanap agad ng mga mata ni Silver ang kasintahan upang ayain ito sa gitna ng dance floor para makapareho sa pagsasayaw. Ilang sandali pa ay laman na sila ng isang malaking crowd na nagkakasiyahan.
That day, she was wearing a yellow floral dress, with a cowboy hat and a cowboy boots. Personal na pinili iyon ng binata para kay Darling dahil mas umiibabaw ang kakinisan at kaputian ng balat nito sa kulay na iyon. Sabi nga ng iba na parang hindi Pilipina si Darling dahil may konti itong freckles sa pisngi.
Habang hawak ang mga kamay ng isa’t isa at may malaking ngiti sa mga labi ay ini-enjoy nila ang pag-indayog ng kanilang mga katawan sa saliw ng musika. May mga pagkakataon pa na sa steps na ginagawa ng mga tao roon ay saglit silang nagkakapalitan ng mga kapareha, at pagkatapos makabalik sa bisig ng isa’t isa ay magkakatawanan lamang. Paminsan-minsan rin ay isinasayaw ng mga matatandang katutubong lalaki si Darling, na wari ba’y tinuturuan ng tamang pagkilos mula sa katutubong sayaw ng mga ito. Natutuwa lang naman si Silver sa isang gilid habang pinanoood ang dalaga. Hindi makakaila ng babae na siya ang lubos na nag-eenjoy sa araw na iyon. Nabanggit niya sa lalaki kanina na iyon ang pinaka-unang pista na napuntahan niya.
Habang sumasayaw at pinagpapasapasahan ng mga katutubong kalalakihan sa gitna ng malaking crowd doon ay hindi na niya namalayan na medyo napalayo na pala siya sa kasintahan. Ngunit hindi naman siya nag-alala dahil alam niya naman kung paano bumalik sa kanilang tent dahil magmula sa kinalalagyan at tanaw niya pa iyon. Walang bahid ng pag-aalala ang kalooban na nagpatuloy siya sa pakikisaya at pakikisalamuha sa mga taong naroon nang walang ano-ano ay tila may nakita siyang isang pamilyar na mukha sa gitna ng mga nag-uumpukang tao. Napahinto siya sa ginagawa. Tila kasi nakita niya si Rodolfo roon, pero buong pagtataka niya nang pagkisap ng kanyang mga mata ay parang bula itong biglang nawala. Napakunot lang ang noo niya sa weird na nasaksihang iyon, na pagkatapos magkibit-balikat ay ipinagpatuloy ulit ang pakikipagsaya sa mga magigiliw na lokal na residente ng lugar na iyon. Ngunit, matapos ulit ng ilang minuto ay namangha naman siya nang masilayan mula sa kakapalan ng mga tao ang madilim na mukha ni Ibrahim, matiim na nakatitig lang sa kanya. Muli ay natigilan siya sa pag-indak at hinanap ang pinsan na mabilis lang din nawala sa kanyang paningin. Sa mga nagdaang minuto ay tila ba pinagkakatuwan siya ng dalawang lalaki sa ilang beses na pagpapakita ng mga ito sa kanya kaya nang makaramdam na ng takot ay agad nang hinanap ang kasintahang si Silver at sinimulang tunguhin ang pabalik na direksyon papunta sa kanilang tent. Nang ilang sandali pa ay biglang may humawak sa kanyang braso, hinila siya at mabilis na tinakpan ang kanyang ilong at bibig ng isang uri ng tela na nang malanghap niya ay siyang ikinawala ng kanyang malay.
Samantala…
“Nakita n’yo ba si Darling?” tanong ni Silver sa mga kasamahan ng pagbalik nito ay wala na sa gitna ng kasiyahan ang babae. Umalis lang naman ito saglit dahil iniligpit nito at ibinalik sa truck ang mga kahon-kahong kahoy na pinaglagyan ng mga dinala nilang prutas at gulay.
“Sir, hindi ho,” sagot ng isang tauhan na nakikisalamuha rin sa ibang taong naroroon.
Humayo pa ito at nagtanong-tanong. Sa simula ay kalmado pa naman ito dahil mula sa nasaksihan kanina ay tila pinagkakatuwaan lang ang babae ng mga matatandang katutubo at tinuturuan nga itong sumayaw. Baka kako ay naimbitahan ito sa kanilang mga tent para paunlakan pa ang pagkagiliw ng babae, ngunit nang makita nito ang cowboy hat na suot ng babae kanina na nakalapag na sa lupa ay bumilis na agad ang t***k ng puso nito sa kaba.
“Siya ho ba iyong nakasuot ng bulaklaking dilaw na bestida at cowboy boots?” tanong ng isang babae na naroroon rin para makisaya.
“Oho, siya nga ho,” tango pa ng lalaki.
“Nakita ko ho siya na walang malay at isinukbit sa balikat ng isang lalaki kanina. Hindi ko ho alam kung saan siya dinala, pero patungo ho sila sa direksyon na iyon.”
Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig iyon. Takot ang sumaklaw sa kanyang dibdib. Sandaling nawala sa kanyang isipan na hanggang ngayon ay may nagtatangka pa rin pala sa buhay ng babae. Agad siyang kumilos upang sabihan ang mga tauhan sa nangyari sa dalaga upang ang mga ito’y tumulong na rin sa paghahanap rito. Hiniram niya ang kabayo na nakatayo lang sa gilid ng kalsada upang madaling mahanap kung sino man ang kumuha sa kasintahan. Wala pang ilang sandali ay tinungo niya agad ang direksyon na itinuro ng babaeng pinagtanungan.
In the meantime, sa parehong oras na iyon…
Sa isang prestihiyosong hotel sa Baguio.
“Good job,” saad ng isang may kaedaran nang lalaki sa isa pang kapapasok pa lamang na lalaki sa loob ng napakagandang kuwartong inarkila nito. “Pakihiga na lang siya dito,” utos pa nito na sinunod naman agad ng lalaking iyon.