bc

ARREST ME, OFFICER.

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
badgirl
heir/heiress
lighthearted
surrender
like
intro-logo
Blurb

“Father, forgive me for I have sinned. Again.” inikot pa ni Akeeva ang kanyang mga mata pagkatapos magsalita.“Eeva!?” gigil na gigil naman si Andra sa anak.“Daphne, it is fine.” mahinahon namang tugon ni Kaleb sa asawa.“Kaleb, hahayaan mo na lang ba na ganyan ang anak mo? Walang modo! Bastos at higit sa lahat, hindi marunong rumespeto.” mahinang sagot ni Andra sa asawa.“Mom, I can hear you.” irap na sabat ni Akeeva sa magulang.Hindi dahil bastos nga siya at walang modo. Sadyang naiinis siya dahil pakirmdam niya bawal siyang magkamali. Hindi naman talaga niya sinasadya na mabundol ang isang sasakyan na nakagitgitan niya sa highway.Humingi na siya ng sorry at alam niyang mali siya dahil nawala siya sa focus pero mainit ang ulo niya at mukhang ayaw talaga tanggapin ng babae ang sorry niya kaya imbes na magpakumbaba ay tinalikuran na lang niya ang babae bago pa siya may magawa.Pero imbes na hayaan na lamang siya nito, saka naman siya minura ng babae at dinuraan siya.“Akeeva, kahit paano man lang sana ay isaalang-alang mo ang kapakanan ng kapatid mo.” naiinis p rin na sabi ni Andra sa anak.“Sino? Si Vandrae? Ano naman ang kinalaman ni bunso sa problema ko?” takang tabong niya sa ina.“That’s enough, Eeva!” Medyo madiin ang boses na saway ni Kaleb sa anak.Alam naman niya na kapag si Vandrae na ang usapan, nasasaling ang kahinaan ng kanyang ama.“I’m sorry, Dad. Hindi na mauulit.”“Si Arkin ang ibig sabihin ng Mommy mo. Police ang kapatid mo at kahit paano, nakaladkad mo ang pangalan niya sa tuwing nagkakaproblema ka dahil sa pagiging short-tempered mo.” paliwanag ni Kaleb sa anak.“Hindi ko naman nakakalimutan iyon.”“Hindi nga ba? E bakit ka nag-drive kahit lasing ka?” usig ulit ni Andra sa anak.“Nakainom lang, Mommy.”“Ganun din iyon, Akeeva.”“Okay, Mom. I’m sorry.”Nabubugnot na tinaas ni Akeeva ang mga kamay sa ere bilang pagsuko.Hindi lang niya kayang aminin sa mga magulang na gusto lang talaga niyang magpahuli sa pulis. Kaso ang problema, ibang pulis ang humuli sa kanya. Hindi ito ang inaasahan niyang darating.‘Kainis!’

chap-preview
Free preview
C1: WELCOME PARTY
“Hey, Ark!” bati ko sa kambal ko. “Wazzup, Eeva?” agad naman itong yumakap sa akin. “It’s been a while, huh!” tinapik pa niya ang likod ko. Ganito kami ni Arkin. Hindi kagaya ni Drae na tahimik lang. “Where is him?” tanong niya na ang hinahanap ay ang bunso naming kapatid na lalaki. Si Vandrius Andrae. “As usual, nasa kwarto niya. Nagrorosaryo.” pabiro kong sagot pero seryoso ang mukha ko. Napangisi si tuloy si Arkin. “Silly…” kinurot ni Arkin ang pisngi ko. Alam naman niyang nagbibiro lang ako. “Hey, Honey! Oh my God, Kaleb. Look who’s here.” bulalas naman ni Mommy. “Mom! Dad!” Agad na sinalubong ni Arkin ang dalawa, magkasalikop naman ako ng mga braso ko habang pinapanood sila. I have no idea na uuwi ngayon si Arkin after two years. Katatapos lang niya magtraining sa ibang bansa at naimbitahan ng Chief of Police sa Manila. Hindi ko alam kung bakit malakas si Arkin sa kapulisan pero ako, hindi ako kumbinsido. “Kaleb, magpa-welcome party tayo. My God, bakit hindi mo naman sinabi na darating ka today.” May himig pagdaramdam na sa boses ni Mommy. Kahit ako ay nasorpresa. Parang kahapon lang siya ang topic namin. “Mom, nandito na ako.” “That is great, son. Invite your friends and colleagues. Let’s have a little cha–” hindi na natapos ni Daddy ang sasabihin niya. Natanaw kasi ni Ark si Vandrae na pababa ng hagdan. “Hey, bro! Whoa! Ang laki mo na ah! Binatang-binata na!” agad na sinalubong ni Arkin ang prinsipe ng katahimikan. Iba talaga kapag parehong lalaki, sila-sila lang ang nagkakaunawaan. Samantalang kami ni Mommy, dalawa na nga lang kaming babae sa bahay, hindi pa magkasundo. Graduating na sa college si Vandrae, Bachelor of Science in Psychology ang kurso pero ayon kay Dad, gusto daw nitong maging Doktor. Pero parang ayaw ni Daddy kasi gusto niya na magpari Vandrae. Pangarap niya iyon kay Arkin pero nabigo siya at ako naman ang napagbalingan, gusto akong maging madre pero hello, mas lalong ayaw ko. Sa totoo lang, wala akong alam sa family background namin. Wala akong maalala. Anyway, hindi rin naman ako interesado. Basta ang alam ko, ordinaryong buhay lang ang meron kami. May mga negosyo kaya nga ako ang namamahala sa ilang family business namin. Tinutulungan sina Mommy at Daddy. Sa America ako nag-aral at doon na rin nagtapos. Pero bago ako umuwi ng bansa, nag-aral ako ng iba’t ibang self-defense. Bilin ni Mommy sa akin, protektahan ko ang sarili ko. Kahit paano, ramdam ko ang concern ni Mommy. Minsan nga ay nasa family trip kami sa bansang Italy. Napag-trip-an kami ng grupo ng mga kalalakihan. Pero laking gulat ko dahil ilang segundo lang, napatumba nila Mommy at Daddy ang mga kalaban at agad na nai-report sa awtoridad. Hanga ako kina Mommy at Daddy pero ang ipinagtataka ko, wala akong maalala na ibang family background namin kundi mga pawang negosyante lamang at naging Presidente ng bansa si Daddy. Kaya siguro napaka-pribado ng pamilya namin. Sa tuwing nagkakaroon ako ng aberya, nililinis agad ni Mommy ang pangalan ko. E kasi naman, mabis akong mairita at maikli ang pasensya. Palagay ko nagmana ako kay Mommy, pero sabi ni Mommy, hindi raw. Imposible namang kay Daddy, napakatahimik ni Dad. “Ang lalim ng iniisip mo ah.” pukaw sa akin ni Arkin. Kanina pa pala ako pinagmamasdan. “Iniisip ko kasi, sana pala nag-police na lang din ako.” ani ko. “Hindi ka pwedeng maging pulis, dudungisan mo lang ang uniporme at titulo ng mga pulis.” Kontra agad ni Mommy. ‘Pasaway ba talaga ako?’ Araw ng Sabado, maraming tao sa banquet hall. Akala ko ay simpleng welcome party lang pero halo mga bigating bisita ang nagsidatingan. Mas maraming bisita si Daddy kesa kina Mommy at Arkin. Si Vandrae, mga kaklase niya. “Tita Heaven! Tito Aleck! Hello Glorious, Jaizen!” Agad kong sinalubong ang mga kamag-anak namin. Magpinsan sina Daddy at Tito Aleck at mag-pinsan din sina Mommy at Tita Heaven. Saglit lang akong nakipagkwentuhan kina Glorious at Jaizen, busy na rin sila sa ibang bisita na halos kakilala din nila. Saka naman dumating ang isa pang pamilya na isa sa pinaka-close friend nila Mommy at Daddy. Sina Tito Sanjo at Tita Kylierose. “Bossing!” Dinig kong bati ni Tito Sanjo kay Daddy. Ayon kay Mommy, si Tito Sanjo ay alalay ni Daddy noong Presidente pa si Daddy. “Tita Kylie, Tito Sanjo!” masaya ko silang nilapitan at nakipag-beso-beso. “Kamukhang-kamukha mo talaga si Boss Andra.” nakangiting sabi ni Tito Sanjo. “Salamat, Sanjo. Alam mo na kung bakit.” nagtawanan pa sila na parang sila lang ang nakakaunawa ng lahat. Tuwang-tuwa naman si Mommy kapag may nagsasabing magkamukha kami. “Si Sanjito nga pala? Akala ko ba. Nakabalik na siya?” “Ah, susunod na lang daw siya. Maybe after thirty minutes.” Ten years na rin simula nung huli kong makita si Sanjito. Not even interested. Ang nerd naman niya. Mukhang busy na ang lahat. Ako lang ang hindi nag-aya ng magiging bisita. Ganun pa man, nakihalubilo ako sa mga pinsan ko at nakiumpok sa kwentuhan nila. Nakita kong busy sa cellphone niya si Arkin at may kausap ito. “Hey, man! What took you so long?” Hindi ko alam kung sino ang kausap ni Arkin pero napataas ang kilay ko nang bigla itong tumingin sa akin at napangisi. ‘Ano’ng meron?’ tanong ko sa isip ko. Maya-maya ay tumayo si Arkin. Hinayaan ko lang siya. Bigla naman akong tinawag ni Glorious. “Eeva, may balita ka ba kay Tito Klaeb?” tanong nito na nagpagatla sa aking noo. Sa totoo lang, hindi ako gaanong concern sa kambal ni Daddy na ayon sa kanila ay matagal ng nawawala. Mahiwaga ang pamilya ng mga Sorrento pero maging si Daddy ay ayaw pag-usapan ang tungkol kay Tito Klaeb. Konti lang din ang memorya ko tungkol sa kanya at nakikita ko lang sa mga family album namin. “Hi guys! Remember him?” Bungad ni Arkin sa malawak na sofa kung saan halos kami-kami lang magkakamag-anak ang naroon. Si Vandrae ay kasama ang mga kaibigan sa computer room. Halos malaglag ang panga ko nang bumungad ang napakagwapong lalaki na tinutukoy ni Arkin. “Ikaw?” Turo sa akin ng kaibigan ni Arkin. Bigla akong natulala at napatitig sa mukha ng lalaki na awang pa rin ang bibig nang makita ako. What the f**k? Ang daming pwedeng maging kaibigan ni Arkin, bakit ang damuhong ito pa? “Pardon me?” Kunwari ay hindi ko siya namumukhaan. “You mean, magkakilala na kayo?” Natatawang tanong ni Arkin. “Ah, no Ark.” Agad kong iwas. Mahirap na. Baka ibuking pa ako ng lalaki sa harap ng mga pinsan at kamag-anak ko. “Hi, everyone. This is my friend, Sebastian Aragon.” ‘Sinasabi ko na nga ba!’ “Hi, everyone!” Biglang naman dumating si Sanjito at agad itong lumapit sa akin. “Sanjito!” agad kong niyakap ang kababata namin. Nakita kong nagbago ang timpla ng mukha ni Sebastian nang ako mismo ang lumingkis kay Sanjito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
463.9K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
499.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
602.9K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
465.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook