Nahalughog ko na ang bawat sulok ng bag ko. Nabaligtad ko na rin ang bag ko. Halos nagkalat na sa sahig ng cubicle na pinagtataguan ko ang lahat ng gamit ko ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita ang aking make-up. Binalot na ako ng takot dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko. Bumalik na sa dati ang itsura ko. Ako na ulit ang panget na si Aynna. Halos maiyak ako dahil sa pagbalik ng dati kong anyo. Hindi na ako sanay na ganito ang itsura ko. Mas sanay akong umaagaw ng atensyon dahil maganda ako. Ayoko na ulit bumalik sa dating ako na umaagaw ng atensyon dahil napakapanget ko. Natataranta kong pinulot ang mga gamit ko sa sahig nang may biglang kumatok sa pinto ng cubicle na pinagtataguan ko. "Hello! May tao ba dito?" tanong ng isang estudyante. Nakaalis na ang mga

