I was so busy signing some papers on my office table when suddenly, a knock from my door caught my attention. Pumasok doon si Shiela na iba ang bitbit sa mga kamay imbes na tablet na palagi naman talaga niyang dala-dala, but this time, it was a bouquet of red tulips. "Good morning, Ma'am. Someone sent these flowers to you," ani Shiela sabay lapag ng bouquet sa ibabaw ng lamesa kung saan may lugar pa ng mapaglalagyan. I scanned the red tulips and traced my fingers on every petal, thinking who sent this majestic flower, ang paboritong bulaklak ko pa. And these were red ones—love and romance. "Kanino 'to galing?" nagtataka kong tanong sa aking sekretarya at dinampot iyon kapagkuwan. Nang inamoy ko ang mga bulaklak ay kaagad na kumalat sa aking ilong ang nakakahalina nitong amoy na kinapik

