“Do you like me, Leo?” wala sa sarili kong tanong. Pareho kaming natigilan sa tanong ko. My mouth parted a little as I tried to take back my words, but failed to do so. The silence ate us completely for a second. Dumaan ang ilang sandali at wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa kan’ya, though I wasn’t really expecting an answer from him. Alam kong hindi siya aamin sa akin. Ginawaran ko siya ng maliit na ngiti nang lumipas ang ilang segundo, then tapped his broad chest lightly with my two hands. Kinuha ko ang mga kamay niyang lumuluwag na rin mula sa pagkakapulupot sa baywang ko na tagumpay ko namang nagawa. “Forget it, L,” pilit ang tawa kong wika at tumayo mula sa pagkakahiga sa ibabaw niya. I was about to pick up my laptop upang ipagpatuloy ang ginagawa ko, but before I could

