bc

Sej's One-shots

book_age16+
13
FOLLOW
1K
READ
HE
lighthearted
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

COMPILATION OF ONE-SHOTS STORIES

chap-preview
Free preview
Saved (PART 1)
Hindi na alam ni Leona ang gagawin. Litong-lito na siya. Hindi niya alam kung saan pupunta o kung kanino lalapit. Habang tumatagal ay nagiging desperada na siya. Habang tumatagal ay nag-aalab ang puso niya. Wala naman siyang ibang gusto maliban sa mailigtas ang ina na kasalukuyang nasa ospital. Pero hindi niya alam kung anong gagawin. Mahirap lang sila. Wala silang kayamanan maliban ang isa't -isa. Wala silang sariling lupa na maaaring isangla o ipagbili o kahit pa mga alahas. Wala sila maliban sa maliit at gigiray-giray na bahay. At ngayon wala siyang malapitan dahil walang gustong magpahiram sa kaniya ng pera. Sino nga ba naman ang gustong magpahiram sa kaniya eh wala naman siyang tiyak na maibabayad? Isa lang silang magtitinda ng gulay sa palengke. Napaupo na lang si Leona sa tabing kalsada. Literal na unti-unti nang nagdidilim ang paningin niya dala ng pagod, gutom at kawalang pag-asa. Tanghali pa nang dalahin ang nanay niya sa ospital dahil sa p*******t ng dibdib nito. Ayon sa doktor, kailangang maoperahan kaagad ito sa loob ng 24 oras bago pa man tuluyang bumigay ang puso nito. At kanina pa siya paikot-ikot sa mga kakilala para manghiram ng pera o kung ano man. Pero bigo siya. 'Oh, Diyos ko. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Tulungan mo naman ako. Hindi ko kakayaning pati si nanay ay mawala pa. Siya na lang ang meron ako.' Hindi niya maiwasang hindi mapaiyak sa pagkakaupo sa tabing-kalsada. Hindi niya matandaan kung ilang minuto na siyang nakaupo roon nang matanaw niya ang grupo ng mga babaing nakasuot ng maiikli at hapit na hapit na mga damit. Ang mukha ng mga ito ay nalalagyan ng make-up. Nakasuot sila nang naglalakihan at kumikinang na mga alahas. Lumalapit ang mga ito sa mga lalaking dumaraan at pagkaraan ay pumapasok ang mga ito sa isang bar. Ang iba ay sumasakay kasama sa kotse at hindi siya boba para hindi malaman at maunawaan ang maaaring mangyari. 'Maganda ka, Leona. Kung ako sa iyo gagamitin ko iyang gandang iyan para magka-pera. Yayaman ka sa datung na makukuha mo.' Hindi niya maiwasang isipin ang madalas na sinasabi ng ilang kaibigang pagbibigay ng aliw ang naging trabaho. At totoo ang sinasabi ng mga ito. Sa isang gabi lang ay nabibili ng mga ito ang mga damit, gamit, alahas at maraming pagkain na gustuhin nila. 'Pero mali iyon. Marami namang mas marangal na trabaho diyan.' Madalas niyang isinasagot. 'Maiisip mo pa bang mali kung buhay at sikmura na ng mga mahal mo sa buhay ang nakasalalay?' 'Ang tawag doon ay pagsasakripisyo.' "Pagsasakripisyo..." Hindi niya namalayang naglalakad na pala siya patungo sa bahay ng kaibigan. Alam niyang sa bagay na iyon ay matutulungan siya nito. 'Konting halik at hawak lang naman at may instant pera ka na agad. Nakaupo ka lang. Kung kaya mong gawin pinagagawa nila, mas malaking pera ang makukuha mo. Hindi katulad sa palengke na nagkakandakuba ka na ay mahina pa rin ang kita.' Maliit na bagay lang. Kakayanin para sa nanay niya. 'Tandaan mo anak.. Kahit anong mangyari, huwag kang papayag na talunin ng kagipitan at kawalang pag-asa. Manalig ka sa Diyos. Palagi siyang gumagawa ng paraan. Palagi siyang nagpapadala ng tulong sa iba't-ibang paraan.' Naluluhang nagpatuloy siya sa paglalakad habang naaalala ang madalas sabihin ng ina sa kaniya. 'Sorry, inay... Kailangan kasi kitang iligtas.' Pinahid niya ang luha nang matanaw ang maliit na bahay ng kaibigan. Huminga siya nang malalim. "Patawarin mo ako, Oh Diyos. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko," nahihikbing wika niya. Patuloy siya sa paglalakad palapit sa bahay. Buo na ang desisyon niya. Labag man sa loob pero ito na lang ang nag-iisang paraan. Nungkang isangla niya ang sariling katawan at kaluluwa sa mga halang na bituka gagawin niya, mailigtas lang ang ina. Habang naglalakad ay kumakabog ng malakas ang puso niya. Ilang metro na lang ang layo niya mula sa nakasaradong maliit na bakod ng maliit na bahay. Walang ano-ano ay isang grupo ng mga kalalakihan ang nakita niyang nagsimulang maglabasan mula sa madidilim na bahagi ng bakod. May hawak ang mga itong baril. Nakatutok sa bahay habang unti-unti ang mga ito palapit sa may pinto. Pakiramdam niya ay nanigas siya sa kinatatayuan. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makapagsalita. Gusto niyang tumakbo palayo pero tila ayaw kumilos ng mga paa niya. Nakatulala lang siya sa bahay at sa mga lalaking sinipa ang pinto. Kasabay nang pagbukas ng pinto ay may humalbot sa kaniyang braso. Akmang sisigaw siya pero kaagad ding tinakpan ang bibig niya. "Sshhhh.. Wag kang maingay." Natilihan siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Nilingon niya ito. Seryoso ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kaniya. 'Max!' sigaw ng isip niya. Kasabay nang pagtango niya ay ang malakas na sigawan mula sa loob ng bahay. Nasundan iyon ng dalawang putok ng baril. Nanigas siya sa kinatatayuan at napakapit kay Max. Nagulat na lang siya nang hilahin siya ng nito patungo sa gilid ng isang patrol car. "Dito ka lang at wag kang aalis." Dinig niyang utos nito sa seryosong tinig. Wala siyang nagawa kundi ang tumango. Pinagmasdan niya ang pag-alis nito. Pinagala niya ang tingin sa paligid. Nakakaduling ang pula at asul na ilaw sa paligid. Nakakalula ang mabilis na pagkilos ng mga nakaasul na uniporme at nakaitim na mga lalaki habang hawak ang mga baril. Maingay ang paligid pero nakapagtatakang tila naka-mute sila. Hindi niya maunawaan ang nangyayari. Ano bang nangyayari? Gusto niya lang tulungan ang ina pero heto at tila gulo ang nahanap niya. "Leona." Napalingon siya sa nagsalita. "Kris…" Nabigkas niya ang pangalan ng kaibigan. Hawak ito ng mga pulis bago pinapasok sa isang police car. Kitang-kita niya ang lungkot, takot at pagsisisi sa mga mata nito. Mga pakiramdam na alam niyang kung natuloy ang balak niya ay maaaring kasalukuyan niya ding nadarama. "Leona… Sumama ka muna sa amin sabi ni boss." Napalingon siya nang may nakalapit na palang pulis sa kinatatayuan niya. Si Gab, kaibigan ni Max, ang lalaking naglayo sa kaniya kanina sa gulo. "Ha? Pero?" Inalihan siya ng kaba. Wala pa siyang ginagawa.. Gagawin pa lang… "Wag kang mag-alala. Hindi ka namin huhulihin. Ilalayo ka lang muna namin sa magulong lugar na ito," paliwanag ni Gab at binigyan siya ng maliit na ngiti. "P-pwede naman akong umalis na lang... " Pangangatwiran niya bago akmang tatalikod na. "Hindi pwede. Utos ni boss iyon. Isa pa, tiyak shock ka pa sa nangyari. Hindi ba at nabalaan ka na namin na huwag kang palaging nagsasama-sama kina Kris," seryosong wika nito. NAGING kaibigan niya sina Max at Gab nang minsan ay nabastos sila ni Kris ay ang mga ito ang tumulong sa kanila. Ilang beses din nilang binalaan ang kaibigan niya pero dahil nga hirap sa buhay at gustong maging mariwasa ay nagpatuloy ito sa maling gawain. 'Di naglaon ay siya na ang sinabihang dumistansya sa kaibigan. Ngunit dahil mahal niya ang kaibigan sa kabila ng mga mali nito ay hindi niya magawang iwasan ito. Hindi niya magawang layuan ang mga ito lalo na kapag madalas mabugbog ito ng mga lalaking nakakasama. Bagay na lalong nagpatindi ng awa para dito. Awa na alam niyang kung napaaga pa siya ng kaunti ay tiyak na ilalaan niya sa sarili. Pinapasok siya ni Gab sa isang itim na kotse bago sumunod ito. "Kailan pala dumating si Max?" Hindi niya maiwasang hindi magtanong. Ilang buwan na simula nang umalis si Max sa bayan nila. Ang inisip niya na lang ay nadestino ito sa ibang lugar. Hindi ito nagpaalam man lang at ngayon ay bigla na lang lumitaw. Buong akala pa naman niya noon ay nagkakaunawaan na sila pero mali pala. Napabuntong-hininga siya nang maalala kung paano umasang magugustuhan siya ng lalaki. Wala na siyang panahon sa mga ganoong bagay ngayon. May mas importante siyang bagay na kailangang isipin. Paano na ang nanay niya? Ano nang gagawin niya? Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang maalala ang kalagayan nito. "Ayos ka lang ba?" Hindi niya napansin na kanina pa nagsasalita si Gab. Umaandar na rin ang sasakyan na hindi niya halos nabigyan ng atensyon. Nilingon niya ito bago tumango. “Hindi mo pa rin ba akong pwedeng ibaba rito?” tanong niya makaraang manahimik na ang binata. "Sorry pero hindi. Si Max na ang bahalang magpaliwanag sa iyo," saad nito. "Sa tagal niyang nawala?” Hindi niya maiwasang hindi maghihinanakit. “Sabagay, wala namang kaso sa akin 'yon," kunwari ay walang pakialam na aniya. Kahit ang totoo ay gusto niya ding malaman kung bakit bigla itong nawala. "Mahalaga pa ring magkausap kayo," giit nito. Hindi siya nagkomento at sa halip ay sinabi niyang sa palengke na lang siya ibaba. Madadaanan naman iyon pagpunta ng police station. Ayaw niya nang makaabala pa. Isa pa'y naisip niyang puntahan ‘yung Intsik na nagpapalabas ng pera. Hindi niya alam kung ano pang maigagarantiya niya pero wala na siyang choice. Kailangan niya ng pera. "Hindi ka ba pupunta ng ospital?" tanong ni Gab pagkatapos niyang sabihing sa may palengke siya ibaba. Nagtatakang nilingon niya ito. Wala siyang natatandaang may napag-ulitan na ang nanay niya ay nasa ospital. Pero sabagay, dikit-dikit ang bahay nila at sa dami nang nilapitan niya kaninang kapitbahay ay imposibleng hindi kumalat ang nangyari sa nanay niya. Marami pa namang tsismosa sa lugar nila. "Pupunta. Pero kailangan ko munang asikasuhin ang paghahanda ng pera para sa operasyon. Ganoon din ang pagbabayad sa ospital at pambili ng gamot," mahinang tugon niya. Napansin niya ang pagrehistro ng taka sa mukha nito bago makahulugang nagwika ng, "Mukhang kailangan niyo talagang mag-usap ni Max." *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook