PUPUNGAS-PUNGAS na lumabas ng silid niya si Cupid. Kung sinuman ang wala sa katinuang tao na basta-basta na lang mangangatok sa kaniya sa gitna ng gabi ay papuputukan niya talaga.
Sumilip siya bintana at natanaw ang isang puting kotse na nakaparada sa labas ng gate. Hindi pa rin tumitigil sa pagkatok ang tao na nasa likuran ng pinto.
“Make sure it’simportant,” she hissed as she peeped on the peephole. “Ano naman kayang gusto ng lalaking ito?” inis niyang bulong nang makita s Allen na galit na galit habang walang tigil sa pagkatok.
“What?” bungad niya pagbukas ng pinto.
“Don’t what me, Cupid!” inis nitong pahayag pagkapasok ng pinto. “Pack your things now. You’re coming with me.”
“Come again?” hindi makapaniwalang wika niya. Hindi iyon ang inaasahan niyang reaksyon pagkatapos nitong bulabugin siya.
“Kung ayaw mong mag-impake, okay lang. Magpapadala na lang tayo ng mga damit from La Belle. Just come with me.” Hihilahin na sana nito ang kamay niya ay mabilis na binawi niya iyon.
“Wait nga lang. aAo bang nangyayari ha?” gulong-gulo niyang tanong habang nakatingin kay Allen. Sumulyap siya sa labas ng pinto kung nasaan si Chunk pero wala siyang nakuhang reaksyon mula rito. Ibinalik niya ang tingin kay Allen. “Bakit ka ba naririto sa ganitong dis-oras ng gabi?”
“Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan? What the heck are you doing here if I told you that you should be in my house in the first place?”
Napipilan siya sa tanong nito nang maalala na sinabi nitong sa bahay siya nito matutulog or more likely doon siya titira habang hindi pa natatapos ang problema nito.
“Look, Allen. I need some headspace. You’re with Chun—“
“It’s not about me, Cupid. It’s about what you didn’t do. Mapapalagpas ko ang pagsuway mo pero hindi ko mapapalagpas na hindi mo man lang sinabi sa akin ang nangyari sa kotse mo.” Magkahalong galit at pag-aalala ang nakalarawan sa mukha nito. “Now, tell me. Mali bang pinuntahan kita dito? Paano na lang kung may nangyari sa’yo? Paano kung ikaw ang gawin na next target?”
“You know, I can protect myself! Huwag mo akong igaya sa ibang babae na hindi kayang protektahan ang sarili.”
“Yes, you can. Pero hindi mo maalis sa akin na mag-alala. Hindi mo maalis sa akin na isipin kung ano na bang nangyari sa’yo. I brought you in this trouble, and if something happen to you, do you think I can bear that?”
Tuluyang naglaho ang mga sasabihin niya. Ang tanging malinw na lang sa kaniya ay ang kakaibang pakiramdam na pumupuno sa dibdib niya sa bawat salita nito. Hindi na importante kung kaya ba ito nag-aalala sa kaniya ay bilang babae, bilang hired girlfriend nito o ano. It’s just making her warm and comfy.
“Now, pack your things or I have to drag you para sumama ka at bahala na akong magpadala ng lahat ng damit mula sa La Belle para makahanap ng damit na babagay sa’yo?”
Lihim na napasinghap siya. Kahit malaki ang nakukuha niyang pera sa mga misyon, hindi biro ang halaga ng ibang damit mula sa La Belle. Lipsticks at mga cream lang ang afford niya. Ibang usapan na ang mga damit doon na kung minsan ay nagkakahalaga pa ng isang second rank mission niya.
“Okay. Could you please calm down, Allen.” Pilit niya ring pinakakalama ang sarili. “Alam kong nag-aalala ka pero siguro kumalma ka muna dahil baka mamaya magbukas na naman iyang tahi mo.”
Nagbago ang ekspresyon nito. Huminga ito nang malalim bago nagsalita. “Maayos na ang sugat. I’m sorry for storming and fussing.” Naisuklay nito ang daliri sa buhok. “I’m… I’m just worried. Darn it.” Nanghihinang umupo ito sa upuan na para bang hindi makapaniwala sa nangyari.
“Kukuha ako ng tubig,” aniya at pansamantalang iniwan ito.
Paglabasn niya ay inabutan niya ito ng tubig habang energy drink naman ang iniabot niya kay Chunk.
“You’re really a woman, Madam,” malapad ang ngiting anito sabay bukas ng bote.
“You’ve got a long night ahead.”
Tinaikuran niya ito at binalikan si Allen.
“Ngayon tayo mag-usap.”
“Sasama ka pa rin sa mansion.”
She heaved a sigh. “Fine. Ill pack some things.” Tumayo ito at sa gulat niya ay sumunod ito sa kwarto niya. “Hindi ba pwedeng hintayin mo ako sa la—ayyy!“ Naputol lahat ng sasabihin niya nang hilahin siya nito. Isinandal siya sa dingding at walang sabi-sabing hinalikan siya. Ang unang dalawang beses na halik na pinagsaluhan nila ay may halong panunukso. However, this one was different. It’s pure emotion. It’s slow, taking its time, tasting every bit, as if time would take them the moment they let go each other.
“Cupid…” Allen’s voice was coaxing her to hold onto his neck. She did so and initiated the kiss once again.
Nababaliw na si Cupid. Hindi niya totoong kasintahan ito at mas lalong hindi pa niya lubusang kilala pero heto at hinahayaan niyang halikan siya nito. She didn’t have a lot of experience when it came to men, ngunit hindi lingid sa kaniya na may mga lalaking kapag ayaw at sawa na ay iiwan ka na lang sa ere.
Kung isa man doon si Allen, handa siyang tanggapin ang magiging bunga ng lahat.
NAKAHALUKIPKIP na binalingan ni Cupid si Allen na inuutusan ang mga maid na ilipat lahat ng gamit na dala niya sa silid nito.
“Pumayag na akong dito ako mag-i-stay. Ibang usapan na kapag pati dito sa kwarto mo ako matutulog.” Salubong ang kilay na turan niya dito.
“Hindi magiging kapani-paniwala ang lahat kapag sa guest room kita pinatulog,” balewalang pakli nito.
“Allen, girlfriend mo ako at hindi asawa. Hindi big deal kung magkatabi tayong matulog o hindi.”
“Well, it’s a big deal for me.”
Nanlalata siyang umupo sa gilid ng malaking kama nito. “Ngayon lang ako napagod ng ganito makipag-argumento.”
“At least you meet something different.” Lumapit ito sa kaniya at naupo sa tabihan niya. “And we can make something different here,“ nanunudyong baling nito sa kaniya.
“Kung ayaw mong paduguin ko iyan sugat mo, tigilan mo ako Allen Mason!” irap niya dito sabay tayo para kumuha ng pantulog.
“Napakamapanakit mo talaga.”
“Pwes, tantanan mo ako ng dahilan para saktan ka.” Pagkakuha niya ng damit ay dumiretso siya papasok ng bathroom.
“Saan ka pupunta?”
“Magbibihis malamang,” sarkastiko niyang baling dito.
“Bakit diyan ka pa pupunta?”
“Alangan namang magbihis ako sa harapan mo.”
Ngumisi ito at pinagalaw-galaw ang kilay. “Aagandang ideya iyan.”
“Asa ka!” Cupid rolled her eyes then turned to her heels. Dinig pa niya ang malakas na tawa nito sa loob ng bathroom. Nakapagtataka na wala siyang makapang-inis mula rito. Sa halip, wala sa loob na napapangiti siya.
*****
ShimmersErisJane