CHAPTER 14 Nash's POV Agad kong sinamaan ng tingin ang lalaking bigla na lang lumitaw sa harap ko. Hindi ko agad napansin ang presensya niya dahil abala ko na kausapin si Mosh, isama pa na ginagamit ko ang virtus ko para hindi niya mabasa ang isip ko. Tumayo ako habang pinupunasan ko ang labi ko. "Ano bang problema mo?!" singhal ko sa lalaking bigla na lang sumuntok sa akin. Hindi ito sumagot. Bagkus ay ngumisi ito sa akin at balak na naman magpakawala ng isa pang suntok kaya agad akong umilag. Dahil hindi niya ako tinamaan ay inulit niya ito at muli akong umilag. Naglakad ako ng may malaking hakbang palayo sa kanya pero sa kada hakbang at iwas ko ay patuloy lang siya sa pagsunod kasabay ng suntok sa hangin. "Ano ba?! Tumigil ka na!" sigaw kong muli. "Lalaki ka, 'diba? Bakit hindi k

