CHAPTER 15 Nash's POV "Bakit mo 'yun ginawa?! Nakita mong nag-uusap kami, 'diba?!" "Wala akong pakialam sa pag-usap ninyo. Ang utos ni Rash, patayin ang lalaking 'yan. "Mali ka! Hindi mo pa siya puwedeng patayin dahil hindi ko pa nakukuha ang gusto ko! Kasama sa usapan namin iyon ng lalaking kasama mo!" "At ano ang gusto mo? Kumampi sa kanya? Bumaliktad sa kasunduan natin? Baka gusto mo ikaw na ang unahin ko bago ang lalaking 'yan?!" "Puwede bang makinig ka muna?! Narinig mo naman ang naging usapan namin, 'diba? Ang sabi niya, kailangan ko lang kausapin ang lalaking kasama niya at kapag napagbigyan ko na 'yon...papatayin na niya ito! Sa ganoong paraan, hindi na madudungisan ang kamay natin na pumatay—" "At nagpa-uto ka naman! Hirap sa inyong mga babae, masabihan lang kayo ng ilang m

