REECE What is she doing here? Pilit akong ngumiti nang muli ko siyang tingnan sa rearview mirror. “Reece, right?” she asked. “Yes.” “I'm Eliana.” Nilahad niya ang kamay sa akin. Kahit nag-iba ang mood ko nang makita siya ay ayaw kong maging bastos, kaya inabot ko ang kamay niya. “It's great to finally meet you in person, Reece.” “Same,” tipid kong tugon. Pero sa loob ko ay hindi ako sang-ayon na kasama namin siya sa sasakyan. Muli kong tinapunan ng tingin si Eliana sa likod. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa dahil nakatingin pala siya sa akin. “Pasensya ka na kung nakisakay ako. May sira kasi ang kotse ko. Hindi ko pa nadadala sa repair shop. Saktong papunta si Kezsler dito, kaya dinaanan na lang niya ako. Pareho lang kasi ang daan ninyo sa tinutuluyan ko,” paliwanag nito.

