REECE “Her boyfriend?” tila hindi makapaniwalang usal ni Lara. Parang hindi pa yata siya kumbinsido na may boyfriend ako. Well, wala naman talaga. I think, sinabi lang ni Serge sa kanya para tigilan na niya ako. Binalingan siya ni Serge. “Yes. Is there a problem with that?” Hindi na nagawang magsalita ni Lara. Tanging paglipat-lipat lang ng tingin sa aming dalawa ni Serge ang ginawa niya. Muli akong sinulyapa ni Serge. “Let's go, babe,” sabi niya, sabay hawak sa kamay ko at wala ng nagawa nang hinila niya ako palabas ng campus. Seriously? Babe? Hindi nakaligtas sa tainga ko ang impit na tili ng dalawa kong kaibigan. Parang kinikilig pa sila dahil sa endearment na tinawag sa akin ni Serge. Nang dumaan kami kay Kuya Banjo, ang guard sa main gate, ay pinasalamatan niya ito. Baka ka

