REECE Nandito ako ngayon sa sala, nakaupo sa sofa— sa mismong tapat ng pinto ng silid niya. Nakahalukipkip ako habang hinihintay ko siyang lumabas. Hindi pa ako tapos sa kanya. Nagkaroon ng crack ang screen ng phone ko dahil sa kanya. Makalipas ang ilang minutong paghihintay, bumukas na ang pinto. Nakasimangot kong mukha ang kaagad na bumungad sa kanya. Nakabihis na rin siya katulad ko. Nagtagpo ang mata naming dalawa. Ilang segundo kaming nagkatitigan. Kung ako nakasimangot, siya naman ay blangko ang ekspresyon ng mukha. May bago pa ba roon? Kaya minsan ay mahirap din basahin ang mood niya. Patay-malisya lang siyang naglakad patungo sa kusina. Sinundan ko siya. Kumuha siya ng tasa para magtimpla ng kape. “Nagkape ka na ba, Miss Reece?” “Bakit, ititimpla mo ako?” mataray na sagot

