REECE Mula sa sugat niya ay sinulyapan ko siya. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang magtagpo ang mata naming dalawa. “What happened?” puno ng kuryusidad na tanong ko. Naglakad siya at umupo sa sofa. Binuksan ko ang ilaw sa sala para mas lalo ko siyang makita. Nasilaw siya kaya pumikit siya nang kumalat ang liwanag sa buong sala. Muli kong natutop kong ang bibig ko nang makita ang itsura niya. Putok ang labi niya. May sugat sa bandang kaliwa ng kilay niya. May bakas din na guhit sa leeg niya na parang sinakal siya. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang sugat sa kamao niya. Ano ba ang nangyari sa kanya? Para siyang nakipag-away. Kaagad kong kinuha ang medicine kit para gamutin ang mga sugat niya. Pagbalik ko ay dala ko na ang kit. Umupo ako sa tabi niya at isa-isang nilabas ang mga

