Chapter 28

2560 Words

REECE Buong klase ay tulala ako. Inukopa ng eksenang iyon ang isipan ko. Pilit ko pa ring inaalam kung totoo ba ang naganap sa pagitan namin ni Serge o panaginip lang ang lahat. Kinukumbinsi ko ang sarili na baka panaginip lang talaga, pero may bahagi ng pagkatao ko na parang totoo. Dinala ko ang kamay sa labi ko. Parang nararamdaman ko pa ang lambot ng labi niya sa labi ko. Panaginip lang ba talaga? Ito ang paulit-ulit kong tanong sa aking isipan. Bakit parang hindi ko matanggap na panaginip lang talaga ang lahat? “Hoy, Reecy girl!” Napaigtad ako nang may kumalabit sa balikat ko. Bumalik ako sa katinuan nang makita ko ang dalawa kong kaibigan na titig na titig sa akin. “Kanina ka pa tulala. Okay ka lang?” nag-aalala na tanong ni Anne. Alanganin akong ngumiti, sabay tumango na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD