Chapter 3

1787 Words
REECE Pagkatapos ko magbihis ng malaking t-shirt at pajama, ay muli akong lumabas ng silid. Naabutan ko siya sa sala, nakatuon ang atensyon sa phone niya. Tinungo ko ang kusina at kumuha ng cup noodles sa taas ng cabinet kung saan nakalagay ang mga stocks ng pagkain. Hawak ang cup noodles ay pumihit ako paharap. Ngunit muntik ko nang mabitawan ang hawak ko nang makita siya sa harapan ko. “Ano ka ba naman? Nagugulat ako sa ‘yo,” sabi ko habang hawak ang dibdib ko. Muntik nang lumabas ang puso ko dahil sa gulat ko sa kanya. “Huwag ka ngang sulpot nang sulpot sa harap ko!” sita ko rito. Sino ba ang hindi magugulat sa kanya? Ang laki niyang tao, tapos bigla siyang susulpot sa harap ko. Para siyang kapre sa paningin ko, lalo na kapag malapit siya sa akin. “Are you hungry?” he asked, as if my reaction didn't matter to him. “Malamang. I haven't eaten yet. Ikaw, hindi ka ba nagugutom?” mataray na sagot ko. Nilagyan ko ng tubig ang electric kettle. Mag-iinit ako ng tubig para sa noodles. Ngunit kumunot ang noo ko nang tinanggal niya ang plug sa saksakan. “Can you explain why you did that?” puno ng pagtataka na tanong ko. “O-order na lang ako ng pagkain. Hindi healthy sa katawan ang noodles,” his voice was flat and emotionless. “So, what? Ako naman ang kakain.” Muli kong sinaksak ang plug ng electric kettle sa saksakan. “I'm not going to restrict myself when it comes to food.” Hindi ako umalis sa tapat ng saksakan para hindi na niya ito matanggal. Pero napasinghap ako ng hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at para lang akong isang bagay na hinawi niya sa gilid. Muli niyang tinanggal ang plug. Hindi lang iyon, binuhos na rin niya ang tubig sa electric kettle. “What the hell?” maang na sambit ko, at puno ng kalituhan ang tingin na ipinukol sa kanya. “Ang sabi ko, o-order na lang ako. Hindi lang naman ikaw ang kakain.” “E, bakit hindi ka na lang um-order ng para sa ‘yo? Kaya ko kumain ng noodles lang.” Pinamaywangan ko siya. “Teka nga, bakit ka nakikialam? Sa pagkakaalam ko, bodyguard lang kita. Wala sa usapan na pati pagkain ko ay pakikialaman mo?” Humakbang siya palapit sa akin, kaya napaatras ako, hanggang sa bumangga ang likod ko sa edge ng countertop. “Sa pagkakatanda ko, ang sabi ng kuya mo, ako na ang bahala sa ‘yo. Ibig sabihin, karapatan kong pagbawalan ka,” paglilinaw niya sa akin. Napaawang ang labi ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako na-inform na nakikialam na pala ang bodyguard sa gustong kainin ng binabantayan niya. “Fine. Kung magluluto ba ako, hindi mo na ako pakikialaman?” sumusuko na tanong ko. Tumaas ang sulok ng labi niya. “You don't know anything about cooking, Miss Reece,” sabi niya, na parang sigurado siya na hindi talaga ako marunong magluto. Ang lakas ng loob niyang sabihin na hindi ako marunong magluto, samantalang hindi naman niya ako lubos na kilala. “Wala kang ebidensya na hindi ako marunong magluto. You don't even know me well enough to judge.” . Kaunti na lang ay mauubos na ang pasensya ko sa kanya. “Yeah, I don't know you personally, but your brother told me that you're not a good cook. Kaya mas mabuti pang um-order na lang tayo ng pagkain kaysa mag-aksaya ka ng oras sa pagluluto.” Argh! Kapatid ko na naman ang naglaglag sa akin. Minsan tuloy sumasagi sa isip ko, kapatid ko ba talaga siya? Ang lupit niya sa ‘kin! “Kung magluluto man ako, hindi ko ipapatikim sa ‘yo!” A smirk spread across his lips. "That's better, Miss Reece. I wouldn't be able to taste how bad your cooking is.” Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Unang araw pa lang niya sa akin, tapos kung umasta siya, parang hindi niya ako amo. Sa inis ko ay tinulak ko siya. Ang sakit na ng leeg ko kakatingala sa kanya. “I will sumbong you to my Kuya!” sabi ko at tinalikuran siya. Tinungo ko ang silid ko at nagkulong dito. “I hate that guy. He's so pakialamero,” inis na sabi ko. Pabagsak akong humiga sa kama. Mayamaya lang ay kumalam ang sikmura ko. “I'm hungry na,” usal ko at hinaplos ang tiyan ko. “Kapag nagkasakit ako, kasalanan mong kapre ka,” paninisi ko sa pakialamerong lalaki. Nilibang ko ang sarili sa panonood ng movie sa laptop ko. Makalipas ang ilang minuto ay muli akong nakaramdam ng pangangalam ng sikmura. Hindi na ako makapag-concentrate sa pinapanood ko dahil talagang nagugutom na ako. Sumasakit na ang ulo ko sa gutom. Nararamdaman ko na rin ang panginginig ng katawan ko. Umalis ako sa kama at tinungo ang pintuan. Hindi ko alam kung um-order talaga siya, pero kung um-order siya, sana man lang ay tinawag niya ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi ako makagawa ng ingay. Sumilip muna ako sa maliit na siwang. Madilim na sa sala. Bumalik ako sa kama para kunin ang phone ko. Liwanag lang ng screen ang gagamitin kong liwanag para hindi masyadong halata. Kagat ang ibabang labi ay dahan-dahan akong lumabas ng silid ko. Nakayapak at patingkayad na ako maglakad. Halos hindi ako huminga sa ginagawa ko. Para akong magnanakaw sa kilos ko. Pambihira, sarili kong tinutuluyan, ingat akong kumilos? Nakahiga na siya sa sofa at nakapikit nang sinilip ko. Mukhang mahimbing na siyang natutulog. Matagumpay akong ngumiti ng makarating ako sa kusina na walang ingay. Napansin ko ang nakatakip sa ibabaw ng center table, kaya binuksan ko ito. Natakam ako nang makita ang fried chicken, chicken fillet, at burger. May kanin na rin itong kasama. Ito yata ang in-order niyang pagkain. Dahan-dahan kong kinuha ang plato sa lalagyan bago umupo. Kinamay ko na ang manok dahil kapag gumamit ako ng kutsara at tinidor ay gagawa lang ito ng ingay. Isusubo ko na sana ang manok sa bibig ko nang may narinig akong tikhim. Gayon na lang ang pamimilog ng mata ko nang makita siyang nakahalukipkip nang tayo, at nakasandal sa pader—sa bungad ng kusina. Nakasimangot na kinagat ko ang fried chicken, sabay irap sa kanya. Nahuli na niya ako, kaya wala na akong lusot. “Masarap?” he asked. Umismid ako. “Oo.” “Mas masarap sa luto mo?” Matalim na tingin ang ibinato ko sa kanya. “Kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik ka.” Muli kong tinuon ang atensyon sa pagkain. Mayamaya lang ay umupo siya sa harapan ko. “Allowed ba akong pumasok sa loob ng D'Amico?” “Nope. Hindi ka estudyante ng D'Amico, kaya bawal kang pumasok,” mabilis na sagot ko. “Kapag humingi ako ng gate pass, pwede?” Mataman ko siyang tinitigan. “Hindi ka nga estudyante, ‘di ba?” naiiratang sabi ko. “Sige, hihingi na lang ako ng access kay Sir Ravi, para makapasok ako sa campus.” Napamaang na naman ako sa sinabi niya. Gagawa talaga siya ng paraan para bantayan ang bawat kilos ko. At saka, baka may ideya na siya na kaibigan ni Kuya Ravi ang anak ng may-ari ng university na pinapasukan ko, kaya malakas ang loob niyang humingi ng access sa kapatid ko. Paano ko ba siya matatakasan? Nang maubos ang kanin at fried chicken, ay ang burger naman ang sunod kong kinain. Nang tapunan ko siya ng tingin ay tinaasan ko siya ng kilay. Titig na titig kasi siya sa akin, na parang ngayon lang siya nakakita ng babaeng kumakain. “Ang lakas mo pala kumain?” tila hindi makapaniwala na tanong niya. “Ano ngayon sa ‘yo?” mataray na sagot ko. “I’m just wondering kung saan mo nilalagay ang pagkain na kinakain mo, samantalang ang liit mong babae?” curious na tanong niya. Para siyang bata kung magtanong, na parang walang ideya kung saan napupunta ang pagkain. “Sa tiyan, malamang,” pilosopong sagot ko. Bumaba ang mata niya, sabay sunod-sunod na tumango. “I see. Kaya pala…” makahulugan niyang sabi, sabay tayo at lumabas ng kusina. Nang wala na siya sa paningin ko ay bumaba ang mata ko. Kumunot ang noo ko at pilit na iniintindi ang huling sinabi niya bago ako iwan. Sa gitna ng pagnguya ko, ay napasinghap ako at namilog ang mata ko ng napagtanto ko na ang sinabi niya. Dibdib ko ang tinutukoy ng kapre na iyon. Naliliitan siya sa dibdib ko! Inis na sunod-sunod akong kumagat sa hamburger. Paano ba siya tumingin ng maliit at malaking dibdib? Hindi ko matanggap na maliit na ito sa kanya? Ang laki kaya ng dibdib ko. I mean, katamtaman ang laki ng dibdib ko. Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko sa oven ang chicken fillet. Baka kapag sa ref ko nilagay ay kainin niya. Ito kasi ang kakainin kong almusal bukas. Paglabas ko ng kusina ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa. “Good night, Miss Reece,” parang nang-iinis na sabi niya. Hindi ko siya pinansin. Dinaanan ko lang siya. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng silid ko ay pumihit ako para humarap sa kanya. Nagkasalubong ang mata naming dalawa dahil nakatingin pala siya sa akin. “Good night and… have a nightmare,” nakangising sabi ko bago pumasok sa kwartom Kahit busog ay humiga na ako sa kama. Mabilis akong nakatulog. Paggising ko sa umaga ay kaagad akong naligo. Nang makapagbihis ay lumabas na ako sa silid. Hindi ko siya nakita sa sala, kaya baka nasa kusina. Sinamantala ko ang pagkakataon na wala siya. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan, pero hindi ko pa nga nabubuksan ang pinto nang may narinig na akong tumikhim. “Trying to escape me, Miss Reece?” Tumuwid ako ng tayo at pumihit paharap sa kanya. Nakatayo siya sa bungad ng kusina. “Nope. Sisilipin sana kita kung nasa labas ka,” patay-malisya na sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Mayamaya lang ay pinasadahan niya akong ng tingin. “Do you usually wear that to school?” tukoy niya sa suot ko. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili. “Yes. May problema ka ba sa suot ko?” nakataas ang kilay na tanong ko. “Pumapasok ka lang ba sa school para ipakita ang pusod mo?” My lips parted. I couldn't find the words to respond. Hindi na lang pagkain ko ang pinapakialaman niya, maging ang pananamit ko. Hindi naman yata bodyguard ang pinasok niya, kundi talent manager. Daig pa niya ang kuya ko kung pagbawalan ako. Sobra na siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD