Chapter 4

2127 Words
REECE Awtomatikong tinaasan ko siya ng kilay. Para hindi ko marinig ang reklamo niya ay bahagya kong binaba ang laylayan ng damit ko para tabunan ang pusod ko. Pagkatapos ay sinuot ang blazer ko para maging presentable tingnan sa mata niya. Ako na ang mag-a-adjust para sa kanya. Nagkibit-balikat ako, sabay umikot para ipakita sa kanya na wala na siyang problema sa suot ko. “Happy, Mister?” sarkastikong sabi ko, sabay nakairap na tumalikod. Lumabas na ako ng unit ko at iniwan siya. Ayokong masira ang umaga ko ng dahil sa kanya. Kung hindi niya kayang iwasan na punain ako, mas mabuting ako na lang ang umiwas. Nasa loob na kami ng elevator. Palihim akong tumingin sa kanya ng masama. Biglang may naisip akong paraan para bawasan niya ang pakikialam sa akin. Kung hindi ko siya mapigilang pakialaman ako, gagawa ako ng rules sa mga dapat lang niyang gawin. Aba, ako ang amo, kaya ako dapat ang masusunod sa aming dalawa. Huminto ang elevator at bumukas. May pumasok na dalawang babae. Tumaas ang kilay ko nang napansin ko na nagpa-cute ang dalawa kay Serge. "He's cute.” “Yeah. Why don't you ask for his name?” Komento ng dalawang babae. Umikot ang mata ko. Nagbubulungan ba sila o sinasadya talaga nilang iparinig ang mga sinasabi nila? Walang boses na ginaya ko ang sinabi nila. Mayamaya lang ay tinapunan ko ng tingin ang bodyguard ko. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at masama na tingin ang binato ko sa dalawang babae na nagtuturuan pa kung sino ang unang kakausap. “Hey, you two.” Agaw ko sa atensyon ng dalawang babae. Tumingin sila sa akin. “Don't bother to ask him, dahil dinig na dinig niya ang mga sinasabi ninyo. Nakalimutan n'yo yatang nasa elevator tayo.” nakataas ang kilay na sabi ko. Sabay na napatingin ang dalawa sa bodyguard ko, bago lumapit ang isang babae. “Hi, I'm Clarisse, and this is, Suzy.” Nilahad ng nagpakilalang Clarisse ang kanyang kamay sa harap ni Serge. Nakatingin lamang ako at hinihintay na abutin niya ang kamay nito. Bumaba ang mata niya sa nakalahad na kamay ni Clarisse. Pero sa halip na abutin, ay bahagya siyang umatras—palapit sa tabi ko. “I'm sorry, Miss, but I'm on duty," he said flatly. Napanganga ako sa tugon nito. Sa sobrang dedikado niya sa propesyon niya, kahit may gustong magpakilala, ay hindi niya pinansin; basta ang mahalaga sa kanya ay ang trabaho niya. I feel bad for Clarisse. She looks so embarrassed; her face is all red. Parang kasalanan ko tuloy na napahiya siya sa harap ng kasama niya at sa akin. Tumuwid ako ng tayo, sabay tinapunan ng masamang tingin si Serge. Babae rin ako, kaya makakita lang ako ng babaeng napapahiya sa harap ko, naiinis ako. “Why did you do that? She was just trying to be friendly,” pagtatanggol ko kay Clarisse. Nandito na kami sa loob ng sasakyan, kaya kinompronta ko na siya. Hindi ko mapapalampas ang kagaspangan ng ugali na pinakita niya kanina. “I didn't do anything wrong. Hindi ko lang hinahaluan ng walang kwentang bagay kapag nasa oras ako ng trabaho, Miss Reece. And let me correct you: she's not trying to be friendly; she's trying to flirt with me,” komento niya. “You didn't get my point. Ang sa akin lang, sana hindi mo pinahiya si Clarisse. That's not cool, man.” “Inuulit ko, Miss Reece. Nasa trabaho ako, kaya hindi ako pwede mawala sa focus.” “Whatever,” walang ganang sabi ko, sabay sandal ng likod sa backrest ng upuan. “You don't even know why my brother hired you,” bubulong-bulong na sabi ko at tinapunan siya ng tingin sa rear-view mirror. Inirapan ko siya nang magtagpo ang mata naming dalawa. Wala siyang ideya sa family background namin. Ang alam lang niya ay mahalagang tao ako na dapat niyang bantayan. Makalipas ang ilang minuto ay nandito na kami ngayon sa harap ng D'Amico University. Bumaba siya ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Paglabas ko ay kaagad ko siyang tinalikuran. “Miss Reece,” tawag niya sa akin, kaya huminto ako at nilingon siya. “What? Baka ma—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko nang hinawi niya ang takas na buhok ko. Bigla tuloy akong nagtaka sa kinilos niya. “What are you doing?” Nagtataka na tanong ko. “Fixing your hair,” sagot niya, na parang hindi alintana ang naging reaksyon ko. Pagkatapos niyang ayusin ang buhok ko ay dinala niya ang kamay sa ibabaw ng ulo ko. “Study hard, Miss Reece,” nakangiting bilin niya sa akin. Natulala ako ng ilang segundo. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa makapasok siya sa loob ng sasakyan. Nakabalik lang ako sa katinuan nang marinig ko ang boses nina Dimple at Anne. Sabay-sabay kaming pumasok. Pagdating sa classroom ay topic kaagad namin magaganap na masquerade ball sa susunod na linggo. "Are you coming with someone, Reece?" Anne asked. “We can go even if we don't have partners, right?” Hindi lahat ng dadalo ay may kapareha, kaya pwede ako pumunta ng walang kapareha. At saka, hindi pa ako sigurado kung makakapunta ako. Kailangan ko pa ng consent ng kuya ko. “Wait. Kung wala ka pang partner, bakit hindi na lang si Archer?” Dimple was referring to the guy who has admiration for me. Archer Gorkiv is an Entrepreneurship student. May nakarating kasi sa aking balita na humahanga raw ito sa akin. Kaya ito namang mga kaibigan ko, ay todo ship sa aming dalawa. Pero kung ako ang tatanungin, walang tapon kay Archer. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya dito sa loob ng campus. Archer's not just good-looking and tall guy; he's also super active in school activities. He's also part of the student government association. Pero hindi lang siya basta kilala bilang Archer Gorkiv dito sa campus, kundi tagapagmana din siya ng isang malaking clothing company. Marahan akong siniko ni Anne sa tagiliran ko. Malawak ang ngiti niya sa labi habang hinihintay ang magiging sagot ko. “Parang sinabi ninyo na ako ang dapat na unang magyaya. Excuse me, babae ako para yayain siya sa maging partner ko sa ball.” Umiling-iling ako, tanda ng hindi pagsang-ayon. “No freaking way, girls.” “So, ibig sabihin, kapag niyaya ka ni Archer, papayag ka,” malawak ang ngiti na sabi ni Anne. Hindi ako sumagot. Sino namang tangang babae ang tatanggi sa isang Archer? Hello, Archer Gorkiv, ang heartthrob ng campus na ang magyayaya, tatanggi ka pa ba? Ngiti lang ang sinagot ko sa dalawa, pero grabe na ang tili ng mga ito. Lahat tuloy ng mga kaklase namin ay tumingin sa amin. “Pahiram ako ng phone mo.” Nagtatanong na tingin ang binigay ko kay Dimple. “And why?” “Pi-picture-an kita at lalagyan ko ng caption na, 'Looking for a partner this coming masquerade ball,'” sabi niya, sabay tumili. “That's a great idea, Dimps! I'm so excited!” kinikilig na sang-ayon naman ni Anne. “Tigilan n'yo nga akong dalawa. I'm not going to try to get his attention on social media. At saka, hindi ko dala ang phone ko.” Sinadya ko talagang iwan dahil balak kong takasan si Serge mamayang uwian. Kapag nagawa ko iyon, tatanggalin na agad siya ng kuya ko. At kapag natanggal siya, si Kuya Ravi na lang ang susuko na ‘wag na ako bigyan ng bodyguard dahil sa paulit-ulit ko rin namang natatakasan. “Why? I mean, pagkakataon mo na para makuha ang atensyon ni Archer. I'm sure, maraming babae ang naghahangad na makapareha siya,” exaggerated na sabi ni Dimple. “Like I said, I'm not desperate to get his attention. Kung gusto niya akong makapareha, siya ang gumawa ng paraan,” pinal na sabi ko. Yamot na sinandal ng dalawa ang mga likod nila sa sandalan ng upuan. “Sana ay gumawa si Archer ng paraan para magkapareha kayong dalawa,” saad ni Anne, na tila malaki ang kagustuhan na makapareha ko si Archer sa ball. Mayamaya lang ay nagkatinginan ang dalawa, sabay makahulugang ngumiti. Mukhang alam ko na ang tumatakbo sa mga isip niya. “Subukan n'yo lang talagang kausapin si Archer, magkalimutan na tayong tatlo,” babala ko sa dalawa. Para silang nadismaya nang marinig ang sinabi ko. Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko. May balak silang kausapin si Archer. Pagkatapos ng klase ay sabay-sabay kaming lumabas na tatlo. Pero sa halip na sa main gate ako dumaan, nag-iba ako ng direksyon. Nagtaka pa nga sina Anne at Dimple dahil humiwalay ako sa kanila. Dumaan ako sa likod ng campus. Daanan lang ito ng mga sasakyan ng mga faculty members ng school. Kapag may hinatid, sa labas ng entrance lang binababa. I'm sure, hindi alam ni Serge ang daanan sa likod. Malawak ang ngiti ko habang naglalakad. Hindi na ako makapaghintay na tanggalin ni Kuya Ravi ang kapreng iyon. Matagumpay ang ngiti ko nang lumabas ako sa gate. Tagumpay ang plano kong takasan ang bago kong bodyguard. Sa wakas, wala nang makikialam sa ‘kin. Ngunit ng tatahakin ko na ang daan patungo sa highway, ay unti-unting naglaho ang ngiti ko sa labi nang makita kung sino ang lalaking nakapamulsang nakatayo habang nakasandal sa gilid ng sasakyan. Ngumunguya pa ito ng gum habang tila naghihintay sa paglabas ko. Ngumisi ito nang makita ako. Mukhang natutuwa pa siya na nahuli niya ako. “Going somewhere, Miss Reece?” nang-iinis na tanong niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko, sabay mabilis siyang tinalikuran. Pambihira, paano niya nalaman na dito ako dadaan? Napahinto ako nang may humawak sa braso ko. “Don't touch me!” Piniksi ko ang braso ko, ngunit hindi niya ako binitiwan. “Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang takasan ako?” Hinila niya ako, kaya hindi ko nakontrol ang katawan ko. Muntik na akong mawalan ng balanse. Mabuti na lang ay hinapit kaagad niya ako sa baywang. Ang siste, nagkadikit ang katawan naming dalawa. Tumingala ako para tingnan siya ng masama. “Hindi mo ako madadala sa masamang tingin, Miss Reece. Kung ang ibang bodyguard na dumaan sa ‘yo ay napapasunod mo, ibahin mo ako.” Bumaba ang mata niya. Sinundan ko kung ano ang tiningnan niya. Mayamaya lang ay dinala niya ang kamay sa bag ko at may kinuha sa gilid nito. Pinakita niya sa akin ang hawak niya. Napaawang na lang ang labi ko ng napagtanto ko na tracking device ang kinuha niya sa bag ko. “Akala mo ba ay hindi ko alam na iniwan mo ang cellphone mo. Sinadya mong iwan para hindi kita ma-track, ‘di ba? Kung natatandaan mo, lumapit ako sa ‘yo kanina.” Nilapit pa niya sa akin ang device na hawak niya para mas malinaw kong makita. “Nilagay ko itong tracking device sa bag mo.” Shit! Ang akala ko ay madali siyang takasan. Nagkamali lang pala ako ng akala. Nagpumiglas ako, pero hindi niya ako binitawan, sa halip ay hinila niya ako palapit sa sasakyan. Sa inis ko ay sinipa ko ang binti niya, kaya nabitawan na niya ako. Tumakbo ako palayo sa kanya, pero mabilis niya akong naabutan. Hanggang sa napatili na lang ako nang umangat ako dahil binuhat na pala niya ako na parang sako na mabilis niyang sinampay sa balikat niya. “Put me down, Serge. Isusumbong talaga kita sa Kuya ko!” sabi ko habang paulit-ulit na hinahampas ang likod niya. “Go on. Do it, Miss Reece. Sasabihin ko rin na gusto mo akong takasan. Magsumbungan tayong dalawa,” panghahamong niya sa akin. Kahit nanggigigil ako sa kanya ay tumahimik na lang ako. Siya na rin ang nagpasok sa akin sa sasakyan. Sa passenger seat na nga niya ako pinaupo para siguradong hindi ko siya tatakasan. “Next time, galingan mong tumakas,” sabi niya habang kinakabit ang seatbelt sa katawan ko. “Whatever,” yamot na sagot ko. Nag-angat siya ng mukha, kaya nagtagpo ang mga mata naming dalawa. “Kung gusto mong magkasundo tayong dalawa, mag-behave ka.” “Kung gusto mong magkasundo tayo, huwag mo akong pakialaman!” ganting sagot ko. Ngumiti siya. Bigla akong natulala sa nakita ko. Hindi na rin ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha niya sa ‘kin. “Ngayon ko lang napansin, ang cute mo pala kapag nagagalit.” Hindi kaagad ako nakapagsalita ng marinig ko ang sinabi niya. Parang biglang naumid ang dila ko. Nauubusan na rin ako ng hangin dahil hindi pa niya inaalis ang mukha sa harap ko. I need air! I need help!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD