CHAPTER 18 HALOS maligo ako sa sariling pawis matapos kong isampay ang huling damit. Pinunas ko ang pawis sa aking noo gamit ang aking braso. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Sa wakas natapos din ako. Akala ko talaga hindi ko na matatapos. Pumasok na ako sa loob dahil hindi ko na kaya ang init ng araw, nakakapanghina. Ikaw kaya ang mabilad ng halos isang oras dahil sa pagsasampay. Walang tao akong nadatnan sa loob ng bahay. Siguro ay pumunta na iyon sa bukid para magtrabaho. Mas okay na rin ito para hindi kami magkailangan. Alam ko naman na kapag nanditi siya it's either mag-aaway kami or itatrato niya ako na parang wala rito tulad ng ginagawa niya kanina. Pero kahit ganoon ay nangangamba pa rin ako. Paano kapag hindi nawala ang galit niya at pinalayas ako, saan na lang ako pupunta?

