—Asher's POV— WALA akong Caliyah na nadatnan sa bahay nang umuwi ako. Sinubukan ko siyang hanapin sa buong kabahayan pero wala akong nakita. Habang tumatagal ay mas lumalakas ang kabang nararamdaman ko. Madilim na saan naman kaya nagpunta ang isang iyon? Hindi kaya nilayasan na ako ng babaeng iyon. Nakita ko si Manang Susi na nagpapakain ng aso sa labas. "Manang Susi, alam n'yo po ba kung saan nagpunta si Caliyah?" "Si Caliyah? Nakita ko siya kanina na umalis," sagot nito at pilit inalala ang mga nakita niya kanina. "Saan naman ho kaya pumunta? May dala ho ba siyang bag o mga gamit?" "Wala siyang dalang bag pero napansin ko na may dala siyang basket. Hindi ko na naitanong kung saan siya pupunta dahil ayoko rin namang magmukhang tsismosa." "May dala po siyang basket?" Paglilinaw ko

