CHAPTER 20 "Saan po kayo?" tanong ng tricycle driver na huminto para pasakayin kami. "Sa Hospital manong. Pakibilisan na lang," sagot ko at muling tiningnan ang kalagayan ni Caliyah na nakasandal ngayon sa balikat ko at wala pa ring malay. Mabilis ngunit maingat siyang nagmaneho. Sinubukan ko muli siyang gumising pero hindi siya nagre-response. Pakiramdam ko ay nababawasan ang bawat paghinga ko habang tumatagal. Sinalat ko ang kaniyang noo, nakakapaso ang balat niya sa init. Bakit ba hindi ko ito kaagad kanina? Siguro dahil sa pagkataranta at lamig na rin ng panahon ngayon. Medyo gumaan naman kahit papaano ang nararamdaman ko nang marating na namin ang Hospital. Tumawag ako ng nurse at mabuti na lang ay may bakanteng nurse na lumapit para asikasuhin kami. Dinala nila si Caliyah sa l

