Chapter 8

1231 Words
Cathy POV Nakabihis na ako para pumunta sa event ng Seven Pillars. Hindi na ako nagulat nang makita kong pupunta rin ang ate ko. Masakit lang sa loob na hinatid pa siya ng Daddy ko kasama ang stepmother ko. Para talaga silang isang masayang pamilya. Samantalang ako… “Mag-Grab ka na lang. Masikip na sa kotse,” sabi ni Daddy kanina. Napabuntong-hininga ako nang maalala iyon, pero pinilit kong alisin ang lungkot sa isip ko. Hindi ko hahayaang masira ang gabi ko. Masaya ako dahil first time na open sa public ang event na ito. Pagdating ko sa venue, agad akong sinalubong ni Anna. “Girl! Ang ganda mo!” excited niyang sabi habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Napangiti ako. “Siyempre,” sagot ko. Maganda ang lugar—mga ilaw, elegante ang decorations, at maraming estudyante ang nakadamit nang pormal. Pakiramdam ko parang nasa ibang mundo ako. Habang naglalakad kami ni Anna papasok, napansin ko agad ang mga lalaking nakatayo sa gitna ng hall. Ang Seven Pillars. At nandoon din si Troy. Mas gwapo pa siya ngayong naka-formal suit. Saglit akong napahinto habang nakatingin sa kanya. Pero hindi niya kami napansin. Maraming tao sa paligid niya, at abala siyang kausap ang ibang bisita. Hindi rin kami gaanong napansin ng ibang tao. “Halika na,” bulong ni Anna. “Kumuha muna tayo ng pagkain.” Napatawa ako. “Yan ang gusto kong marinig.” Pero kahit sinusubukan kong mag-enjoy sa event… hindi ko maiwasang mapatingin paminsan-minsan kay Troy sa kabilang side ng hall. Cathy POV Maraming magagandang babae ang nakapalibot kay Troy. Napangiti na lang ako nang bahagya. Bakit nga ba niya ako papansinin? Siguro nahihiya lang siya. Napailing ako. Hayaan ko na nga siya. I-eenjoy ko na lang ang pagkain at ang performance mamaya. Kumukuha na kami ni Anna ng pagkain nang mapadaan kami sa mesa nina Roger. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Bigla nila akong pinatid. “Ah!” Nadapa ako sa sahig at natapon ang hawak kong pagkain. Malakas ang tawanan nila. “Uy! May lechon na!” sigaw pa ng isa sa kanila. Parang gusto kong maglaho sa hiya. “Naku!” agad akong tinulungan ni Anna na tumayo. Tumayo ako pero nadumihan na ang damit ko. Sinubukan kong punasan ang mga mantsa ng pagkain sa damit ko. Nasa ganoong posisyon kami nang biglang may mga taong lumapit. Ang Seven Pillars. Kasama nila si Troy. Nagkatinginan kami. Agad akong yumuko sa sobrang hiya. Pero lalo akong nagulat nang biglang kumapit si Troy sa braso ko. Kinuha niya ang panyo niya at dahan-dahang pinunasan ang mukha ko na may dumi ng pagkain. “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya. Napaatras ako nang kaunti. “Okay lang ako… dun ka na,” sabi ko. “Baka madamay ka pa.” “No,” matigas niyang sagot. Napatingin siya sa paligid, seryoso ang mukha. “Who did this?” malamig niyang tanong. Tahimik ang paligid. “I do not tolerate bullying,” dagdag niya, halatang galit. “Kapag nalaman ko kung sino ang gumawa nito… humanda siya sa akin.” Natulala ang mga tao sa paligid. Pagkatapos, marahan niya akong inakayan palayo sa maraming tao. Sumunod ang ibang Seven Pillars, pati si Anna. “Clean yourself,” sabi niya habang pinapasok ako sa CR. Pagpasok ko doon kasama si Anna… hindi ko na napigilan ang umiyak. Tahimik akong nagpunas ng mukha gamit ang tissue at binasa ng kaunting tubig ang damit kong namantsahan. “Shhh… tama na,” sabi ni Anna habang hinihimas ang likod ko. “At least ipinagtanggol ka ni Troy.” Napangiti siya nang pilyo. “Naku girl… siguradong maraming maiinggit sa’yo.” “Pinagtanggol ka niya…” “at natikman mo pa siya, ’di ba?” “Shhh!” natatawa kong sabi habang pinupunasan ang luha ko. “Baka marinig.” Cathy POV Paglabas namin ng CR ni Anna, naroon pa rin ang Seven Pillars kasama si Troy na naghihintay. Lumapit si Troy sa amin. “Come here,” sabi niya. “Ipakilala ko kayo sa Seven Pillars.” Tinuro niya ang isa sa mga kasama niya. “Si Shean,” sabi niya. Gwapo ito na may mestizo look. “Si Keano,” dagdag niya. May Japanese looks at tahimik na aura. At si Troy naman… Tall, dark, and handsome. Sa totoo lang, para sa akin siya ang pinaka-yummy sa kanilang lahat. Hindi dahil… nakasama ko na siya sa kama noon, kundi dahil sa masculine niyang dating. Dagdag pa na nagba-basketball siya kaya kitang-kita ang ganda ng katawan niya. “Hello,” bati ni Keano habang nakangiti. “Okay ka na ba?” nag-aalalang tanong ni Shean. “Nice meeting you, ha.” “Okay na ako,” natatawa kong sagot. “Buti pala napatid ako kanina… dahil nakilala ko kayo.” Napatawa silang lahat. “Funny girl,” sabi ni Shean. Napataas ang kilay ko. “Hindi naman fatty girl, ha,” biro ko. Biglang kinurot ni Troy ang pisngi ko. “Halika na,” sabi niya. “Sigurado gutom na si Cathy. Hindi ’to sanay na magutom.” Napatawa ako sa biro niya. Pinaupo niya kami ni Anna sa isang mesa, tapos silang mga Seven Pillars ang pumunta para kumuha ng pagkain para sa amin. Napalingon si Anna sa akin habang nakangisi. “Grabe girl,” bulong niya. “Special treatment tayo. Utusan lang natin ang mga Seven Pillars.” Pagkatapos ay tumingin pa siya sa ibang mga babae sa paligid na halatang naiinggit sa amin. Napatawa na lang ako. Maya-maya bumalik sila Troy dala ang mga pagkain. “Hey,” sabi ni Troy habang inilalapag ang tray. “Okay na ba ’yan? Sabihin mo lang sa akin o sa waiter kung may kulang pa.” Ngumiti siya nang bahagya. “Ayokong malungkot si Cathy,” dagdag niya. “Food is life, ’di ba?” Napatawa kaming lahat sa mesa. Troy POV Habang nagtatawanan kami sa mesa, napatingin ako kay Cathy. Masaya na ulit siya. Kanina lang halos umiyak na siya sa CR, pero ngayon parang wala lang nangyari. Kumakain na naman siya habang nakangiti. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawa iyon. Kung ibang babae siguro ang nangyari iyon sa harap ng maraming tao, baka umuwi na o kaya nagdrama na. Pero si Cathy… Parang may sariling mundo. Napansin kong napatingin sa amin ang maraming tao sa hall. Lalo na ang mga babae. Halatang nagtataka kung bakit kasama namin ang isang tulad niya. Narinig ko pa ang ilang bulungan. “Bakit siya kasama ng Seven Pillars?” “Siya ba yung napatid kanina?” “Grabe… bakit siya pinapansin ni Troy?” Napahigpit ang hawak ko sa baso ko. Ayokong marinig ni Cathy ang mga iyon. Napansin ni Shean ang mukha ko. “Relax, bro,” bulong niya. “Hindi naman niya pinapansin.” Napatingin ako kay Cathy. Tama siya. Abala si Cathy sa pagkain ng pasta habang kinakausap si Anna. Wala siyang pakialam sa mga tingin ng ibang tao. Napailing ako. Paano niya nagagawang hindi masaktan? Maya-maya, napatingin siya sa akin. “Ano?” tanong niya habang ngumunguya. Napailing ako. “Nothing.” Ngumiti siya. “Kung tinitingnan mo kung ubos ko ’to… oo, ubos ’to.” Napatawa ang lahat sa mesa. Pero habang pinapanood ko siyang tumawa… bigla kong naisip ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Mas gusto kong makita siyang nakangiti kaysa umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD