bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

book_age18+
417
FOLLOW
4.8K
READ
revenge
dark
HE
dominant
badboy
mafia
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Pinarusahan, pinagkaisahan, kinuha ang lahat-lahat sa akin dahil isa akong mahirap lang. Sa aking pagbangon at pagbabalik sa bansang inabuso at dinurog ako. Lahat sisingilin ko. Lahat pagbabayarin ko ng triple sa kinuha sa akin. Handa ka na bang magbayad sa mga kamay ko?

I am Adonis Guillermo. Also known as the. . . MAN OF VENGEANCE!

chap-preview
Free preview
Prologue!
THIRD PERSON POV: NAPANGITI ang dalaga na dumating din sa tagpuan nila ang dayuhang binata na katagpo nito. Sa burol kung saan may kubo dito at tanaw ang naglalawakang sakahan sa ibaba. Nagtatrabaho ang dalagang si Lorena Guillermo bilang magsasaka sa hacienda ng mga Mondragon. "Kanina ka pa?" nakangiting tanong ni Mclaren. "Kadarating ko lang," nakangiting sagot nito na sinalubong ang binata. Bisita ng mga Mondragon dito sa hacienda ang binatang si Mclaren Montgomery. Mula ito sa bansa ng Germany kaya naman napakakisig at gwapo nitong lalake. Na kahit sinong babae ay maglalapag ng panty sa harapan nito. Kabilang na nga doon. . . si Lorena. Kumulog ng malakas at isa-isang pumatak ang ulan na ikinatingala ng mga ito sa madilim na kalangitan. "Sumilong na muna tayo," ani Lorena na inakay si Mclaren sa katabing kubo. "No, let's stay here, baby." Anas nito na niyapos sa tyan ang dalaga. Sunod-sunod na napalunok si Lorena na makadama ng kakaibang init at bugso ng damdamin sa pagkakayakap sa kanya ni Mclaren. "Nababasa na tayo," nahihirapang anas ni Lorena na napapasinghap sa panaka-nakang paghalik ni Mclaren sa kanyang leeg at batok. Tumatayo ang mga balahibo nito sa katawan, ngunit wala naman itong lakas na itulak o suwayin ang binata dahil. . . nagugustuhan din niya ang ginagawa nito. "Oohhh, h-hwag," nahihirapang anas nito sa paglamas ng binata sa kanyang dibdib. "Why, hmm?" malambing bulong nito na tinitigan si Lorena sa mga mata. Lumalakas na ang ulan na may kasamang kulob at kidlat pero tila hindi nila ito alintana. Napapihit paharap si Lorena sa binata na nangangatog ang mga tuhod nitong nilalabanan. Parang may sariling isip ang kanyang mga braso na pumulupot sa batok ni Mclaren. Napangiti naman ang binata na yumapos sa baywang nito at kinabig padiin sa kanyang katawan. "M-Mclaren," sambit ni Lorena. Kabado ito at dama ang panginginig ng katawan dala ng lamig at kaba na nadarama. Alam naman niyang may fiancee na ang binata na kasama pa nga nito. Pero hindi niya masuway ang sarili na magpaalipin sa binata. Alam niyang mali ang ginagawa nila pero. . . tuluyan siyang nawala sa wisyo at mas nanaig ang kagustuhan nitong magpatangay sa bugso ng kanilang damdamin. "I like you, Lorena. I really do," anas ni Mclaren na tuluyang sinakop ang mga labi ng dalaga. Mariing napapikit si Lorena na tuluyang nagpatianod sa kagustuhan ng kanilang damdamin! Ang masuyong halik ng binata dito ay lumalim nang lumalim hanggang sa kinarga na siya ng binata at dinala sa malapit na kubo habang mapusok pa ring naghahalikan! "M-Mclaren. . . na-natatakot ako," anas nito sa dahan-dahang paglapat ng likuran sa higaang yari sa kawayan. "I'll be gentle, baby. You have nothing to worry about. Do you trust me?" sensual nitong tanong habang matiim na nakatitig sa mga mata ni Lorena. Isang ngiti at tango ang isinagot nito sa binata na ikinangiti na rin nito at tuluyang hinubad ang basang-basa nitong damit. Napaawang ng bibig si Lorena na tumambad sa mga mata niya kung gaano kakisig si Mclaren. Malapad ang dibdib na may konting balahibo sa gitna no'n. Namumutok ang nasa anim na pandesal nito sa tyan at nakakatakam din ang perfect v-line nito. Sunod-sunod na napalunok ng laway si Lorena sa paghubad ni Mclaren sa sweat pants nitong ikinatambad ng nakabukol niyang alaga. Kahit may suot pang boxer ang binata ay hindi maipagkakailang nabiyayaan ito sa kargada! Binundol naman ng kaba sa dibdib si Lorena na makita kung gaano iyon kataba! Sa tanang buhay niya ay si Mclaren pa lang ang nakakayakap at nakakahalik sa kanya. At ngayon ay handa na niyang ibigay ang lahat-lahat sa kanya para sa binatang hindi naman niya. . . pag-aari. Bawat hagod ng mga labi ni Mclaren sa kanya ay lalong nagpapadarang sa init na kanilang nadarama. Ni hindi na nila alintana ang malakas na ulan at kidlat habang nagpapa alipin ang mga ito sa bugso ng kanilang damdamin! MAPAIT na napangiti si Lorena na magising ito kinabukasan na mag-isa na lamang siya sa katreng kinahihigaan nila ni Mclaren sa buong magdamag. Sobrang bigat ng katawan nito particular sa kanyang p********e na winasak ng binata. Ilang beses din na nagpaalipin siya kay Mclaren sa buong magdamag. Ngayong mag-isa na lamang siya sa kubo na naging saksi ng mainit nilang pagsasalo ng binata ay saka lang natauhan ito. Kung gaano siya katanga na basta-basta na lamang ibinigay ang katawan sa binata gayung may nagmamay-ari na dito. Napahagulhol itong niyakap ang sarili habang nakasuksok sa gilid ng katre. Kinakain man siya ng kunsensya niya at nagsisisi ay tapos na. Hindi na niya mababago ang nangyari na. Naibigay niya na ang virginity niya sa binatang. . . hindi naman kanya. "Ang tanga mo, Lorena. Ang tanga-tanga mo!" sigaw nito na nasampal sampal ang sarili habang umiiyak. Bagsak ang balikat at iika-ika si Lorena na bumaba ng burol. Pagdating niya sa bahay na tinutuluyan ay kaagad na siyang naligo. Kagabi pa kasi nanlalagkit ang katawan nito. Kapag gan'tong oras ay abala na ang lahat ng mga kasamahan niya sa hacienda sa trabaho. Sobrang bigat ng katawan nito at damang-dama ang kirot sa kanyang kaselanan. Pero kahit magsisi naman na siya ay tapos na. Naibigay na niya sa binata ang puri niya na kanyang iniingatan. Mariin itong napapikit na tumulo ang luha. Mapait na napangiti na inaalala ang katangahan nito. Kung paanong napasunod siya ni McLaren na walang katutol-tutol. TIME passed. Hindi na nga nagulat si Lorena na nagbunga ang isang gabing pagsasalo nila ni Mclaren. At dahil wala itong maituro na ama ng anak ay lumayas ito ng hacienda ng mga Mondragon at nakipag sapalaran sa syudad. Kung saan nagtatrabaho ang matalik niyang kaibigan. Si Glenda na kanyang kababata. Habang nasa kahabaan ng byahe paluwas ng syudad ay baon nito ang pag-asang magiging maayos din ang buhay nila ng kanyang anak doon. Himas ang tyan ay napangiti ito. "Pangako, anak. Hinding-hindi kita pababayaan doon. 'Di na baleng magkanda kuba-kuba ang Nanay sa pagtatrabaho. Ang mahalaga ay maibigay ko lahat ng mga pangangailangan mo. Kaya natin 'to. Kahit wala ang Tatay mo," piping usal nito na iniisip ang anak. Buong byaheng tahimik ang dalaga sa pinakadulo ng bus na sinakyan nito. Pinagsawa ang mga mata sa nadadaanan nila. Ngayon pa lang kasi ito lumabas ng hacienda ng mga Mondragon. Kaya naman hindi biro ang takot at kaba na nilalabanan nito sa kanyang pagluwas. PALINGA-LINGA si Lorena sa mga nagkukumpulang maliliit na kabahayan sa address na ibinigay ni Glenda sa kanya. Kanina pa siya paikot-ikot sa lugar. Nagkalat ang tambay sa mga kanto na nag-iinuman. "Lorena!" "Ayt! Putik!" Napatili ito sa biglaang pagsulpot ng taong kanina niya pa hinihintay. Si Glenda. "Glenda!" anito na napayakap sa kaibigan. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib na makita na rin ito sa wakas. Sa sobrang saya ay nagkaiyakan pa ang mga ito habang mahigpit na magkayakap. "Kumusta ka na? Akala ko nagbibiro ka lang na luluwas ka. Ano bang nangyari?" magkakasunod na tanong ng kaibigan nito. "B-buntis ako," halos pabulong kong saad. "Ano? Buntis ka rin?" manghang bulalas nito. "O-oo eh," nakangiwing sagot ko. "Nasaan ang ama niyan?" muling tanong nito habang naglalakad kami sa iskinita papasok sa mga kabahayan. "Uhm. . . wala eh. Wala din naman akong habol sa kanya. I-ikakasal na siya eh," sagot kong ikinatigil nito. "Tulungan mo naman ako, oh? Ikaw na lang ang maaasahan ko," pakiusap ko pa dito na napahawak sa kanyang kamay. Pilit itong ngumiti na tumango. "Oo naman. Tutulungan kita hangga't kaya ko," sagot nitong ikinalabi ko. "Salamat talaga, Glenda. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka," saad ko na naluluha. Tinapik-tapik naman ako nito sa balikat na nakangiti. "Ikaw pa ba? Matitiis ba naman kita," sagot nitong ikinangiti ko. NANIRAHAN si Lorena sa bahay ng kaibigan. Isang GRO sa kalapit na Bar si Glenda na kaibigan nito. Pero katulad niya ay buntis din ang kaibigan na hindi na pinanindigan ng nakabuntis. Kaya 'di rin nagtagal ay umalis na si Glenda sa Bar dahil halatado na ang umbok ng tyan nito. Sa pagtutulungan nilang magkaibigan ay nairaraos naman nila ang araw-araw nilang pangangailangan. Nagtitinda sila ng lutong ulam sa kanilang mga kapitbahay na naging patok din naman dahil likas na masarap silang magluto. Hanggang sa dumating ang kapanganakan ng magkaibigan. Magkasabay pang dinala sa hospital ang mga ito na pareho ng due date. Mabuti na lamang at hindi nahirapan ang mga itong iniluwal ang anak. Mas nauna ng ilang minuto si Glenda na nagsilang bago si Lorena na kapwa lalake ang supling. "Ma'am, ano pong pangalan ni baby?" tanong ng nurse. "A-Adonis. Adonis Guillermo," hinihingal nitong sagot na ikinatango-tango ng nurse habang sinusulat iyon sa record book na hawak nito. Napangiti si Lorena na magaang hinagkan sa noo ang anak. Kahit bagong panganak pa lang ito ay kitang nagmana sa ama na may lahi. "Welcome to this Christian world, anak ko." Pagbati pa nito. Saglit lang at ipinasok na rin ng recovery room ang kaibigan at anak nito. Kapwa may ngiti sa mga labi na napasulyap sa anak ng isa't-isa. "Hello, baby. Meet your Kuya Santino. Sana lumaki kayo na magkasundong parang magkapatid, katulad namin ng Mama mo," nakangiting saad ni Glenda na hinaplos ang anak ng kaibigan. "Sana nga, Glen. Sana maging matalik din silang magkaibigan na parang magkapatid," nakangiting sagot naman ni Lorena dito. 20 YEARS LATER "Kuya Adonis! Kuya!" humahangos na pagtawag ng batang gusgusin sa binatang si Adonis. Abala kasi ang binata sa paglilinis ng motor nito na ginagamit sa kanyang pagsa-sideline bilang delivery rider. "Oh, Atok, anong problema?" tanong nito na tinapos ang ginagawa. "Kuya, si Kuya Tyago, hayun, binubugbog sa kanto!" pagsusumbong nito na hinihingal dala ng pagtakbo. "Ano? Sinong kaaway ni Tyago!?" bulalas nito na napatakbo na rin sa may kanto. "Yong mga tambay ho!" "Pucha! Babalian ko ng tadyang ang mga 'yon eh!" asik nito. Mabilis na tumakbo ang binata kung saan binubugbog ang matalik na kaibigan at parang kapatid na rin nitong si Santino. Pagdating sa lugar ay hinugot nito ang isang 4 by 4 na kahoy sa gilid at mabilis na pinaghahampas ang mga kalalakihang ginugulpi si Tyago! "Akong harapin niyo, mga putang ina kayo!" bulyaw pa nito. Walang kalaban-laban ang nasa anim na kalalakihang sanggano sa kanila na pinaghahampas lang naman nito ng kahoy sa ulo at katawan. Bagsak ang mga itong dumadaing na parang nalumpo sa lakas ng paghampas ni Adonis sa kanila kung saan-saan! "Ano, wala pala kayo eh!" asik pa nito na pinagsisipa sa tagiliran ang mga lalakeng nakahandusay sa semento. "Ayos ka lang ba dyan, tol? Piningasan na naman ng mga kumag na 'to ang kagwapuhan mo ah," nakangising pang-aasar nito sa kaibigan at dinaluhang makatayo. Duguan na nga ang mukha ni Tyago at mukhang napuruhan ng mga sanggano. Napapahid ito ng palad sa bibig na pumutok at umaagos ng dugo. "Wala eh. Masyado tayong gwapo kaya binabawasan ng mga pangit na 'yan ang kagwapuhan natin, tol," ngisi din nitong ikinahalakhak ni Adonis. Magkaakbay pa ang dalawa na naglakad ng iskinita pauwi ng bahay. Tiyak na malilintikan na naman sila sa mga Nanay nila bugbog sarado na naman ang isa sa kanila. "Pero. . . salamat sa pag-back up, tol. Akala ko katapusan ko na eh." Ani Tyago. "Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin eh," sagot naman ni Adonis na nagka-apiran pa sila. "Hi, Tyago!" "Hi, Adonis!" Panabay na pagbati ng dalawang babaeng pokpok sa kalapit na inuman sa kanilang compound. Napangiwi na lamang ang magkaibigan na maharang sila ng mga pokpok na 'to. Palibhasa ay kapwa makisig at saksakan ng kagwapuhan ang dalawa dahil pareho lang naman silang anak ng dayuhan. 'Yon nga lang ay pareho ding anak sa labas na hindi na nakilala pa ang tunay na ama. "Hi, girls. Kayo ng bahala sa kaibigan ko, ha? Alagaan niyo 'yan," saad ni Adonis na itinulak si Tyago papasa sa dalawang babae. "Hoy, Adonis, taksil!" sikmat ni Tyago ditong napahalakhak. "Pasensiya na, tol. May lakad pa pala ako eh. May interview ako sa pinasukan kong bagong trabaho. See you!" saad ni Adonis na mabilis tinakbuhan ang kaibigan. "Hoy, Adonis! Taksil ka! Hwag mo akong iwanan!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.9K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.9K
bc

Dangerous Spy

read
300.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
13.1K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.2K
bc

YOU'RE MINE

read
894.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook