bc

Revived by You (Tagalog)

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
forbidden
fated
drama
sweet
highschool
small town
first love
rebirth/reborn
naive
like
intro-logo
Blurb

She is abused by her mother yet she still loves her so much. She's doing everything for her mother to be satisfied and happy. But everything has an end. Tears poured. She has nothing more to ask but only her mother's love. What will she do to have peace? What sacrifices can she make?

She is Solana Asta Montejano, the girl who was revived.

chap-preview
Free preview
Prologue
Matiyaga akong naghihintay sa labas ng isang karinderya. Umupo ako sa isang silya habang yakap pa rin ang dalawang libro. Tumingin ako sa langit. "Uulan na." bulong ko sa sarili. Nilibot ko ang tingin sa loob ng karinderya para maghanap ng orasan. Halos mabali ang leeg ko kakalingon ngunit wala akong nakita. Nag buntong hininga nalang ako at nagkamot ng ulo. Unti unting pumapatak na ang ulan. Nagpanic ako at napatayo. Sumilong ako sa loob at mas lalong hinigpitan ang yakap sa libro. Should I go home? Ilang minuto na ang lumipas at malakas na ang ulan. Aalis na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko. "Solana!" Agad ko siyang nilingon at napabuga ng hangin. Buti naman at dumating kana. "Pasensya ka na. Kakatapos lang namin sa practice." Natatawa niyang sabi. Tinikom ko ang bibig at tumango na lang. "Ayan ba iyong pinapagawa ko?" Turo niya sa dalawang libro. "Ah oo. Natapos ko na." Tanging sabi ko at inabot sa kaniya. Nagmamadali niya itong tinanggap at bumunot sa kaniyang bulsa. Kailangan ko na maka alis agad, paniguradong hinahanap na ako ni mama. "350 ang napagkasunduan hindi ba?" Tanong niya habang binibilang ang mga nalukot nang pera galing sa kanyang bulsa. "Oo." Sagot ko. Ang tagal. Papagalitan na ako ni mama. Bumigat ang paghinga ko. "Heto." Agad ko iyong tinanggap at nagpa salamat. Inalok niya akong sumabay sa kanya ngunit tinanggihan ko iyon. Malapit lang naman ako at isa pa, tatakbo ako. Hinintay ko muna siyang makaalis bago kumaripas ng takbo pauwi. Pinagtitinginan ako ngunit hindi ko sila pinansin. Basang basa na ako, buti nalang black ang soot kong t-shirt. Ilang beses na akong muntik madulas pero nagpa tuloy parin ako. Kinakapos na ako ng hininga kaya tumigil muna ako sa isang poste. Natatanaw ko na ang bahay namin. Pinatong ko ang dalawang kamay sa tuhod at hinabol ang hininga. Hindi pa nakakatulong ang tubig ulan na dumadaloy sa aking mukha. "Nako hija, ayos ka lang ba?" Sigaw ng matanda sa malapit na bahay. Kilala ko siya ngunit sa mukha lang. Hindi ako masyadong nag lalabas dahil kay mama. "Opo!" Nahihiya akong ngumiti at tumayo na ng tuwid. Naglakad muna ako saglit bago nagpatuloy ulit sa pag takbo. Sana hindi ako pagalitan. Narating ko na ang bahay at halos lumabas na ang puso sa lakas ng t***k nito. Umalis ako ng tulog si mama, sana natutulog pa rin siya. Dahan dahan kong pinihit ang door knob. Halos mangatog ang aking kamay. "M-ma?" Nangatog ang aking labi. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig o sa takot. Hinubad ko ang tsinelas at piniga ang dulo ng t-shirt bago pumasok. Sinarado ko ang pinto ay dahan dahang nag tungo sa banyo. Wala si mama dito sa baba. Baka nasa kwarto parin siya. Nabawasan ang kaba ko nang makapasok sa banyo. Naghubad na agad ako at naligo. Nang matapos ay pinulupot ko na ang tuwalya sa aking katawan. Muli akong nag dahan dahan palabas ng banyo. Napigil ko ang paghinga ng makita si mama na pababa ng hagdan. Alam kaya niya na umalis ako? "Saan ka galing?" Mataman niya akong tinignan. Alam kong namumutla na ako dahil sa kaba. Hinawakan ko ang isang kamay dahil nararamdaman ko ang pangangatog nito. "S-sa labas lang po." Mahina ngunit alam kong narinig niya iyon. Papalapit siya sa akin kung kaya't halos hingalin ako sa paghinga. "Magluto kana. Nagugutom ako." Napabuga ako ng hangin ng makalagpas siya sa akin. s**t, muntik pa ako matumba sa takot. "O-opo. Bihis.... lang po ako." Nakapikit at hinihingal kong sabi. Nagmamadali akong umakyat ng hagdan at dumiretso sa kwarto. Hindi na ako namili at sinoot na lang kung ano ang nasa ibabaw ng drawer. Pagbaba ko ay nakaupo na si mama at nanonood ng tv. Nakahalukipkip ito at seryoso ang mga mata. Bumaling siya sa akin ng mapansin ako. Nagiwas ako ng tingin at dumiretso na sa kusina. Katahimikan. Ganito lagi ang eksena araw-araw. Ang tv lang ang may lakas ng loob na gumawa ng ingay. Nagsaing muna ako bago nag luto. Binuksan ko ang ref at nakitang halos wala na kaming stock. Kinuha ko ang manok at patatas sa ref. Adobo na lang ang lulutuin ko. Nang matapos ay pinatay ko na ang sinaing at hinanda ang lamesa. Maingat kong inilalagay ang plato at kubyertos dito. Tumayo si mama at umupo sa lamesa. Nag sandok ako ng kanin at inilagay sa mangkok. Ganoon din ang ginawa ko sa ulam. Inilapag ko ito at naupo na rin sa katapat na upuan ni mama. Hindi ako makatingin kung kaya't ipinahinga ko nalang ang tingin sa lamesa. Hindi ko talaga kayang makipag titigan. Hinayaan kong mauna si mama at sumunod naman pagkatapos. "Aalis ako sa susunod na linggo. Hindi ako makakauwi ng mga ilang araw." Malamig niyang sabi. Nag angat ako ng tingin sa kaniya. "Bakit po?" Kinakabahan kong tanong. Tinapos muna niya ang pag nguya bago sumagot. "Trabaho." Simpleng sagot niya. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Walang maayos na trabaho si mama ngunit mayroon kaming dalawang jeep at tatlong tricycle na pinapasada ng mga kinuha naming driver. Halos doon kami kumukuha ng pang gastos sa araw-araw. Dating flight attendant si mama. Tumigil lamang siya noong may nangyaring aksidente. Napatikhim ako ng maalala iyon. Kuryoso ako sa trabaho ni mana pero hindi ko na tinanong iyon. Ayaw kong magalit nanaman si mama. Pagkatapos namin kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan. Habang naghuhugas ay pinatay ni mama ang tv at umakyat na. Nagmamadali naman ako at pagkatapos ay siniguradong naka lock ang pinto at mga bintana bago umakyat. Maingat akong pumasok sa kwarto at pinilit na hindi gumawa ng ingay dahil nasa kabilang kwarto lang si mama. Umupo ako at humarap sa mga nakatambak na assignments ko. Hindi ko ito nagawa dahil inuna ko iyong pinagawa sa akin ni Theo. Minsan ay iyon ang pinagkakakitaan ko. Nagpapagawa sila sa akin ng mga essay at minsan ako ang gumagawa ng mga mabibigat nilang activities. Hindi ako humihingi kay mama dahil alam kong magagalit siya. Ang perang kinita ko ay malamang na ipang bibili ko ng mga kailangan sa school. Minsan kapag may sobra ay itinatabi ko. Nagsimula na akong mag sagot. Grade 11 palang ako pero ang dami ng pinapagawa. Alas otso na noong huli kong tingin sa orasan. Siguro alas nueve na. Nakailang libro na ako ng mahila ako ng antok.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.1K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.2K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
296.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook