Mainit pa rin ang silid kinabukasan, kahit malamig ang simoy ng hangin mula sa bukas na bintana. Magkahugpong pa rin ang katawan nila ni Laddicus at Sophia, nakapulupot ang braso ng lalaki sa kanya na parang takot bitawan. Nakaunan siya sa dibdib nito, ramdam ang mabagal na t***k ng puso na kahapon lang ay parang sabog sa galit at sakit. Napangiti si Sophia nang maalala ang lahat ng nangyari kagabi. Ang mga halik, ang mga yakap, ang paulit-ulit na bulong ng “na-miss kita.” Para silang dalawang taong muntik nang lamunin ng layo at ng problema, pero muling pinagbuklod ng gabing iyon. Kinikilig pa rin siya tuwing naaalala iyon. Napapikit siya nang marinig ang mababang boses ni Laddicus. “Bakit gising ka na agad?” anito, paos pa at halatang bagong bangon. “Hmm, hindi ako makatulog,” sagot

