Pagdating ni Sophia sa bahay nila, parang walang nagbago sa paligid pero iba na ang tingin ng mga tao sa kaniya. Ang mga kapit-bahay nila na laging nakatambay sa kanto, biglang tumahimik pagdaan niya, pero halata sa bulungan at sa tinginan na siya ang topic. “Uy, siya na ‘yun oh…” bulong ng isa. “Iniwan daw ‘yung asawa. Sayang, ang ganda ng swerte niya tapos sinayang lang.” “Eh maldita kasi, kaya ayun…” Nanggigil si Sophia, pero kinuyom lang niya ang kamao at pinilit dumerecho ng lakad. Hindi siya pwedeng magpatalo agad. Pero ramdam niya—bawat tingin, bawat bulong, parang tinutusok siya. Gusto niyang lagyan ng scotch tape ang mga bibig nito hanggang sa hindi makahinga pero tiniis niya na lang. Wala siyang oras. Pagdating niya sa bahay, sinalubong siya ng mama niya. Akala niya makakaha

