CHAPTER 12

1640 Words
CHAPTER 12 Nasa pagitan si Brenda nang dalawang babae na parehong nakakapit sa mga braso niya. Alam kaya nitong dalawa na bakla ‘yung niyayapos-yapos nila? “Hoy, anong ginagawa mo rito?” tanong ko, napatingin naman si  Brenda sa ‘kin. “Alex. Nandito ka na pala. Ikaw talaga ipununta ko rito,” sagot niya. Napataas naman ‘yung isang kilay ko. Nasaan ‘yung malanding Brenda? Anong nakain niya at biglang umunat ata ‘yung dila niya dahil wala ni katiting na landi sa boses at pagsasalita niya. Kung hindi ko lang alam na bakla siya iisipin ko talaga na straight na lalaki siya. “Girls, pwede iwan niyo muna kami?” Sumunod naman ‘yung dalawang babae sa sinabi niya, pero ang lagkit ng tingin nila kay Brenda bago umalis. Hay, kung alam lang nila. Pagkaalis noong dalawa, “Honey, halika rito bilis.” Tinapik pa niya ‘yung upuan sa tabi niya. Anyare? Bakla na ulit siya? Balik sa malanding boses kasi siya pero pabulong lang, ‘yung tipong ako lang ang makaririnig. Sumunod naman ako sa sinabi niya, naupo ako sa tabi niya. “Ano’ng ginagawa mo rito? At ano’ng nangyari sa ‘yo kanina? Bakit may kasama kang dalawang babae, at bakit bigla ka atang nakalunok ng adam’s apple dahil nagboses lalaki ka?” “Kasi ganito ‘yun Honey, kailangan ko ng disguise kasi galit ata ang mga tao rito sa mga girl na katulad ko.” “Girl?” napataas ang dalawang kilay ko sa kanya. “Pero, sige pagbibigyan kita, o tapos?” Wala kasi akong panahon makipagtalo pa sa kanya, kaya pagbigyan na. “So ‘yun nga kailangan ko ng disguise kasi papasok pa lang ako rito may nakita akong binubugbog na kauri ko d’yan sa labas. Hindi kinaya ng damdamin ko kaya inilabas ko ‘yung matagal ko nang itinagong p*********i sa baul at umawat ako. Muntik pang masapak ‘tong magandang face ko. Buti na lang may dumating na mga bouncers. Natakot ako Honey. Sayang  naman ‘tong beauty ko. Baka ipagpalit mo ako kapag nasira ‘tong face ko.” “Utang na loob Brenda, tigilan mo ‘yang kalandian mo. May trabaho ako. Nakikita mo naman siguro, kaya sabihin mo na kung ano’ng ginagawa mo rito. Hindi naman siguro tungkol kay Nanay ang ipinunta mo. Okay naman siya bago ako umalis kanina. Binigay ko pa cellphone number ko sa nurse para in case na may emergency kay Nanay.” “Mommy’s okay, okay? Dumaan ako sa ospital bago pumunta rito. So, balik sa kwento ko. Pumunta ako rito dahil nalaman ko kay Beshy na dito ka nagwo-work and naloka ang beauty ko, nag-aalok pala sila ng mga girls dito. Akala ko nang tanungin ako kanina kung gusto ko raw ba ng specialty nila, pagkain ang inaalok. Aba, girls  pala! Teka, Honey may alcohol ka ba d’yan? I feel so dirty. Ikaw lang Honey ang pwedeng humawak sa ‘kin nang ganon.” Pinagpagan pa niya ‘yung polo niya. Naku, kung pwede lang manakit ng customer ginawa ko na. “Ang arte mo, dirty-dirty ka pa d’yan. Alam mo matutuwa pa ‘ko sa ‘yo kung oorder ka kesa sa inaartehan mo ‘ko d’yan.” “I don’t like. And I went here para isama ka na pauwi.” “Aba sino ka para sabihin ‘yan? Malamang si Cherry, nagsulsol sa ‘yo ‘no? Kaya ka nagpunta rito.” “Hindi rin. Kahit ‘di ako sabihan ni Beshy. Pupuntahan talaga kita rito. Hindi ka dapat nagwo-work dito Honey. Ang daming girls dito baka ipagpalit mo ako and dapat binabantayan mo na lang si Mommy kesa nandito ka.” “Kaya nga ako nandito para kay Nanay. Alam mo kung ‘yan lang ang pag-uusapan natin, maiwan na kita. ‘Yung order sa kabilang table hinihintay na,” sabi ko sabay tayo. Naalala ko kasi ‘yung order nung matandang m******s, baka hinihintay na at baka mapagalitan pa ‘ko dahil bawal makipagkwentuhan habang nasa  trabaho. “Wait, Honey. Don’t leave,” pigil ni Brenda sa ‘kin. Hinawakan pa niya ‘ko sa braso. “Bitawan mo nga ‘ko. Baka mawalan ako ng trabaho dahil sa ‘yo.” “So stubborn. Hindi mo naman kailangan mag-work. I’m here naman. I can pay all the hospital bills.” “Hindi ko kailangan ng pera mo Brenda,” hinila ko ‘yung braso ko para tanggalin sa pagkakahawak niya saka ‘ko naglakad paalis para bumalik sa trabaho. Hanggang sa matapos ‘yung trabaho ko, si Brenda nandoon lang nakaupo sa table 9 kasama noong dalawang babae. Pagkatapos kasi naming mag-usap, lumapit agad ‘yung dalawa sa kanya. Ito namang si Brenda, best actress, ang galing umarteng lalaki. Nag-acting workshop ata, dahil kilig na kilig ‘yung dalawang babae sa kanya. May pabulong-bulong pa habang nakatingin sa ‘kin. Iniinggit ata ako dahil may dalawang babae siyang katabi. Akala naman niya maiinggit ako, wala na sa isip ko mga babaeng ‘yan. Sakit lang sa ulo at sa puso. Nasa isip ko pa rin ‘yung ginawang p*******t at pamamahiya ni Leighla sa ‘kin, kaya ayoko muna. Pagkatapos ng trabaho ko at bago ako lumabas ng bar dumaan pa ‘ko sa gilid ng table niya. “Mauna na ‘ko, mukhang enjoy na enjoy ka pa d’yan sa mga kasama mo,” sabi ko kay Brenda. “Girls, galingan ang serbisyo, malaki magbigay ng tip ‘yan. Mayaman ‘yan,” dagdag ko pa. Bigla naman ako pinandilatan ni Brenda. Sa totoo lang gusto ko matawa. Dali-dali naman niyang kinuha ‘yung wallet niya at binayaran ‘yung dalawang babae, nag-iwan rin siya ng pera sa table, bayad sa mga inorder nilang drinks. Ako diretso na sa paglakad palabas ng bar, hanggang sa nakasabay na si Brenda sa ‘kin sa paglalakad. “Doon naka-park ‘yung kotse ko Honey.” Itinuro niya sa ‘kin kung nasaan ‘yung kotse niya. “Uuwi ako mag-isa, hindi ako sasabay sa ’yo,” matigas ‘yung pagkakasabi ko. “Nagseselos ka ba Honey?” napatigil tuloy ako sa paglalakad. Utang na loob ha, ako magseselos? “Nanaginip ka ba nang gising Brenda? Ayokong sumabay sa ‘yo dahil alam kong kukulitin mo lang ako na umalis sa trabaho ko.” “Aww, hindi pala effective. Sana nag-ooffer din ng boys sa bar n’yo.” “Ay naku! Lord, patawarin n’yo po ako kung makakapatay ako ng tao ngayon.” “Honey cariño brutal ka din ‘no?” Nakakainis ‘yung ngiti niya. “Ewan ko sa ‘yo!” Binilisan ko ‘yung lakad ko para hindi ko na siya makasabay sa paglalakad. “Pero Honey, huwag ka na kasi doon mag-work,” nakakasabay pa rin siya sa ‘kin. Sa bagay kumpara naman ang legs niya sa legs ko, ang haba nung kanya. “Kulit mo rin eh. ‘Di ako aalis doon, dahil doon ako makakakuha ng pambayad sa ospital para kay Nanay.” “I’ll help you. Huwag ka lang mag-work doon.” “Hindi ko nga kailangan ng tulong. Kulit mo rin eh.” “Fine! Kung ‘di ka makuha sa usap, gagawa ako ng ibang paraan.” Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Basta!” **** Kinabukasan pasok ulit ako sa trabaho at salamat naman wala akong nakitang Brenda, kaso nagkaproblema naman ako. May isang VIP na customer kasi na ako ang ni-request. Naka-ilang tanggi ako sa manager dahil hindi na parte ng trabaho ko ‘yung hinihingi niya, pero ang sabi naman sasamahan ko lang daw sa table, kakausapin tapos umorder lang daw ako ng umorder ng alak para daw malasing at umuwi agad. ‘Tsaka malaki raw magbigay ng tip ‘yun at kung papayag daw ako, mahina na raw ‘yung mabigyan ako ng 5k. Ilang gabi ko rin pagtratrabahuhan ang 5k, tapos ngayon isang gabi lang pwedeng may instant 5k ako o higit pa, depende sa mood ng customer, kaya napapayag na rin ako. Kaso may pagkamanyakis ‘yung customer. Noong una okay pa, kwentuhan lang tapos siya lang ang umiinom, kaso nung nakarami na at dagdag pa na may nag-strip dance sa ibabaw ng stage, nag-init ata siya dahil bigla akong hinawakan sa hita. Eh ang igsi ng pinasuot sa ‘kin ng manager namin. Pinagpalit kasi ‘ko ng damit kanina bago humarap sa customer. Pinatanggal sa ‘kin ‘yung uniform ko at pinahiram ako ng damit na muntik ko nang ‘di sikmurain. Ang igsi na, backless pa at ang daming palawit na kumikinang. Pinagsuot pa ko nang pagkataas-taas na sapatos, para raw mas bagay. Sa gulat ko nang hawakan ako sa hita, biglang angat ng kamay ko at nasuntok ko ‘yung customer. “Gago kang babae ka ah!” sigaw niya sabay sampal sa ‘kin. Pumutok ata labi ko sa lakas. Mahilo-hilo pa nga ako, tapos bigla akong hinawakan at pilit na hinahalikan. Nanlaban ako pero malakas siya kaya hindi ako makaalis sa pagkakahawak niya sa ‘kin. Nasa ganoong eksena kami nang biglang may sumigaw ng “Raid!” Nagpulasan ‘yung mga tao. ‘Yung customer na m******s kanina biglang nawala sa harapan ko at nakita kong hawak-hawak siya sa kohelyo ng isa sa mga pulis na nag-raid sa bar. Akala ko ligtas na ‘ko, pero lahat kami sa bar na hindi agad nakaalis at nakapagtago, dinampot ng mga pulis at dinala sa presinto.   Sunod-sunod ang kamalasan ko. Ano ba namang buhay ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD