Prologue
I ALMOST had everything. Beauty, wealth, fame and a bunch of friends who were after my money. I may sound conceited, but it's true. Still, I feel like something's missing.
Nilingon ni Snoopy ang kaklase niyang si Gummy na napapaligiran ng halos lahat ng kaklase nila. Hindi tulad ng mga nakapalibot sa kanya, pulos totoong tao ang mga kaibigan nito. Alam niya iyon sa ngiti pa lang ng mga ito.
Gummy may not be as beautiful as she was, but she was cute. She was also petite, but there was something special about her bright smile that could make her look big. Hindi ito namumuhay nang marangya gaya niya, pero matalino ito kaya ito naging scholar sa eskuwelahan nila. Marami itong totoong kaibigan. Iyon pa lang ang unang taon nila sa high school pero animo matagal nang magkakakilala ang mga ito.
Gummy was her total opposite, but she had what was missing in her life.
Tumayo ang bading nilang presidente na mukhang natataranta. "Classmates! Hindi raw makakasama si Gummy sa field trip natin!"
Isa lang ang sabay-sabay na naging tanong ng lahat: bakit?
Gummy gave them an apologetic smile. "Pasensiya na. Wala kasi kaming pera ngayon."
"Okay! Wala raw pera si Gummy! Mag-ambag-ambag tayo para makasama siya sa field trip!"
Natawa si Gummy. "Hindi na kailangan. Nakakahiya naman."
Nakaramdam ng munting kirot si Snoopy sa kanyang puso nang maglabas ng pera ang mga kaklase niya. May paghanga sa mga mata na tinitigan niya si Gummy.
Totoo ngang may mga tao na kahit walang gawin ay may kakayahan pa ring hatakin dito ang mga tao sa paligid nito.
Nang mga sandaling iyon ay parang nagliwanag sa kanyang paningin si Gummy. Ngayon ay naiintindihan na niya kung ano ang mayroon dito na wala siya: karisma. Bigla niyang inasam sa puso niya na sana ay maging sinliwanag siya nito.
Naramdaman yata ni Gummy na may nakatingin dito kaya lumingon ito sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ay nginitian siya nito. May kung anong puwersang nagtulak sa kanya upang gantihan ang ngiti nito, sa kabila ng pagngatngat ng kung anong negatibong damdamin sa puso niya.
Tumayo si Snoopy at nilapitan ito. Iyon ang unang pagkakataon na kakausapin niya ito. "Hi, Gummy."
Tiningala siya nito. Kumislap ang mga mata nito bago pa man gumuhit ang ngiti na hindi na yata nawawala sa mga labi nito. "Hello, Snoopy."
At iyon ang naging simula ng isang pagkakaibigan ng dalawang tao na magkasalungat ang mga ugali.