"BAKIT hindi mo sinabi kay Click na ako ang kasama mo sa bar nang gabing iyon?" deretsong tanong ni Snoopy kay Gummy.
Silang dalawa lang ang nasa rooftop garden ng high school building nang mga sandaling iyon. Pinapunta niya roon si Gummy dahil gusto niya itong makausap tungkol sa nalaman niya mula kay Click noong isang araw. Mukhang nakisama ang malamig na hangin at makulimlim na kalangitan sa bigat ng tensiyon na namumuo sa pagitan nila ni Gummy.
Bumuntong-hininga si Gummy. "Kung sinabi ko kay Click na ikaw ang kasama ko no'n, pag-iisipan ka niya ng masama, o kaya ay baka ikaw ang sisihin niya sa nangyari. I just don't want you to be hated by the guy you like."
Sumakit ang mga mata at ilong niya dahil sa pagpipigil na umiyak. Nilunok din niya ang nakabara sa lalamunan niya bago siya nagsalita. "Why?"
Ngumiti ito. "Nasaktan ko ang kaibigan ko dahil minahal ko rin ang lalaking mahal niya. Kahit huli na ang lahat, gusto ko sanang bumawi sa kanya kahit sa ganitong paraan lang."
Tuluyan nang umiyak si Snoopy. "I've always hated that part of you, Gummy. Always. Sa sobrang bait mo, pakiramdam ko, ako na ang pinakamasamang tao sa buong mundo. You always overshadow me with your big heart and bright smile. I've always envied that about you. How can you be so nice to someone like me?"
"You can't see why people love you, so you always doubt yourself. I've always hated that part of you, Snoopy. Always. Sa sobrang insecure mo, hindi ko na alam kung ano ang gagawin para iparamdam sa 'yo na mahal kita bilang kaibigan. You always push me away with your aloofness. I've always worried about it. How can you be so cruel to yourself?" pagbabalik nito sa lahat ng sinabi niya.
Malungkot na ngumiti siya. "Ikaw lang ang nagtiyagang maging kaibigan ko pero palagi naman kitang pinagseselosan. Tapusin na natin ang pagkakaibigan natin."
Gumuhit ang sakit sa mga mata nito. "'Yan ba ang gusto mong mangyari?"
"You don't trust me anymore, do you? Alam ko naman na inilalayo ka na ng iba mong mga kaibigan sa 'kin dahil naniniwala silang ako ang nagkalat ng video na 'yon."
"Kung sasabihin mo sa 'kin ngayon na wala kang kinalaman sa nangyari, ikaw ang paniniwalaan ko. So, please, Snoopy. Tell me it wasn't you," pakiusap nito sa kanya, kasabay ng pangingilid ng mga luha nito.
Nanatili siyang tahimik pero ang mga mata niya, umamin na sa kasalanang ginawa niya. Si Fiona man ang kumuha at nagkalat ng video, naging kasabwat pa rin siya nito kaya damay pa rin siya. Mukhang nabasa ni Gummy ang pangungusap ng mga mata niya kaya tuluyan itong napaiyak. Kitang-kita at ramdam na ramdam niya ang sakit nito na nararamdaman nito.
"Hindi ko alam kung kaya kitang patawarin ngayon, Snoopy. Hindi lang ako ang nasaktan sa ginawa mo. You hurt Click. You hurt my family," anito sa mapait na tinig, saka patakbong bumaba ng rooftop.
Naiwan siyang umiiyak. Dahil sa insecurity niya, nakagawa siya ng bagay na labis na nakasakit sa nag-iisang taong naging tapat na kaibigan sa kanya. At ngayon, nawala na sa kanya ang taong iyon. Gummy must hate her now.
"Ano'ng ginawa mo kay Gummy?"
Pinahid niya ang mga luha niya bago niya nilingon ang nagsalita. Nakatayo sa tapat ng pinto ang kababata ni Gummy na si Sarrey. The girl had always hated her.
Humalukipkip siya at ibinalik ang matapang na anyo ng mukha niya upang itago ang pagluha niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Nakasalubong ko si Gummy ngayon lang. Tumatakbo siya at umiiyak!"
"Bakit hindi siya ang tanungin mo kung bakit siya umiyak? Hindi ko kasi alam kung ano sa mga sinabi ko ang nakakaiyak," nakataas ang isang kilay na sabi niya. Akmang lalagpasan na niya si Sarrey nang itulak siya nito. Sa lakas ng pagtulak nito ay napaupo siya sa sahig.
"Punong-puno na ako sa 'yo, ha! Nasa high school pa lang tayo, nararamdaman ko nang masamang tao ka talaga! Kahit hindi mo aminin, alam kong ikaw rin ang nagkalat ng video na 'yon para sirain si Gummy dahil siya ang nagustuhan ni Click at hindi ikaw. Si Gummy lang naman ang naniniwalang mabait ka," galit na sabi ni Sarrey, saka padabog na isinara ang pinto.
She heard the door being locked. Tumayo agad siya at pinihit ang doorknob pero gaya ng hinala niya, ini-lock nga iyon ni Sarrey para hindi siya makalabas. Pinigilan siya ng pride niya para kalabugin ang pinto at magmakaawa sa bruhang babae na iyon na buksan ang pinto.
And she felt like she deserved it. Umupo na lang siya sa gilid ng pinto, niyakap ang mga tuhod. Inilabas niya ang cell phone niya at tinawagan si Garfield, pero nagbago ang isip niya dahil naniniwala siyang maiistorbo lang niya ito kaya pinutol din agad niya ang tawag. She was also afraid of rejection. Nanatili na lang siya roon habang nag-iisip.
Masakit para sa kanya ang tapusin ang pakikipagkaibigan niya kay Gummy. Pero iyon ang dapat niyang gawin pagkatapos ng lahat ng ginawa niya rito.
Narinig niya ang pagpatak ng ulan. Nang tumingala siya, malalaki na ang patak niyon. Walang bubong sa rooftop na iyon kaya lumipat siya sa double swing na naroon. Pero dahil malakas na ang hangin, nababasa pa rin siya. Niyakap niya ang sarili niya upang maibsan kahit paano ang nararamdaman niyang lamig.
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal doon nang maramdaman niya ang pagbalot ng mainit na bagay sa katawan niya, kasabay ng parang pagtigil ng pagpatak ng ulan. Nang tumingala siya, nagulat siya nang makita si Garfield. Jacket nito ang ibinalot nito sa kanya at pinapayungan pa siya nito.
"G-Garfield..." Nanginginig ang mga labi niya dahil sa lamig na dulot ng ulan.
Blangko ang ekspresyon ni Garfield pero may kung ano sa pagiging seryoso ng mga mata nito ang nagsasabi sa kanya na galit ito. Walang babalang binitawan ng binata ang payong, pagkatapos ay binuhat siya nito. Naipulupot na lang niya ang mga braso niya sa leeg nito nang mabilis nitong takbuhin ang distansiya ng swing at pinto ng rooftop. Pagbaba nila ng rooftop ay nabawasan ang panginginig niya.
"Garfield, puwede mo na akong ibaba," sabi niya rito nang pababa na ito ng hagdan.
"Ibababa kita kapag nasa kotse na tayo. May dala akong extra shirt. Isuot mo 'yon mamaya," walang emosyong sabi nito.
"Galit ka ba?"
"I'm not angry. I'm insulted."
"What do you mean?"
Bumuga ito ng hangin. "I was worried when I missed your call. Pero nagtataka rin ako kung bakit isang beses lang 'yong nag-ring. I looked for you. Alam kong paborito mong lugar ang rooftop garden kaya nagbaka-sakali ako ro'n. When I saw you soaking wet in the rain, naisip kong hindi mo itinuloy ang tawag dahil iniisip mong kaaawaan lang kita kapag nakita kita sa estado mong 'yon. And it hurts, Snoopy. It hurts knowing that I'm useless to the girl I like."
Hinigpitan niya ang pagyakap dito saka niya isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Huminto ito sa paglalakad. "I'm sorry, Garfield. Hindi ko inisip na wala kang silbi sa 'kin. Natakot lang ako na baka maistorbo kita kapag tinawagan kita. I was afraid of being turned down because all my life all I've always known is rejection. A-ayoko lang na ikaw ang gumawa n'on sa 'kin."
Matagal bago ito sumagot. Mayamaya ay bumuga ito ng hangin. "'Wag mong maliitin ang pagmamahal ko sa 'yo, Snoopy. Willing akong magpaalipin sa pag-ibig para sa 'yo, kaya sige lang, take advantage of me."
Nakakunot ang noo na tiningala niya ito. "Ano'ng sinasabi mo, Garfield?"
"I love you, Snoopy."
"Put me down." Maingat na ibinaba siya nito. Humalukipkip siya sa harap nito. "What do you mean you love me?"
"Ah, it's kinda hard to explain, but I love you in a romantic way."
Hindi sapat ang sabihing nagulat siya sa pagtatapat nito. Nagulantang ang puso't isip niya sa sinabi nito. Umatras siya palayo rito. Hindi niya namalayang pader na pala ang nasa likuran niya. "H-hindi ko maintindihan. P-paano mo 'ko mamahalin, eh, alam mo ang lahat ng masasamang bagay na ginawa ko sa kaibigan ko? I'm mean and detestable. How can you fall in love with someone like me?"
Namulsa ito. Ngumiwi ito dahil sa mga sinabi niya pero naging malinaw naman ang pagmamahal sa mga mata nito. "Totoong nadismaya ako nang malaman ko ang ginawa mo sa kaibigan mo. Pero nang makilala kita, nakita ko ang totoong ikaw at iyon ang minahal ko. Behind the insecure brat is a tough and a very beautiful girl." He gently touched her face. "You may not see it, but you're very beautiful, Snoopy. Both inside and out."
Pakiramdam niya, umiikot ang lahat ng sinasabi ni Garfield sa itaas ng ulo niya. She was happy, but she couldn't really understand why. Alam niya kung gaano kapangit ang ugali niya dahil sa insecurity niya. Kahit siya mismo ay ayaw niya sa bahagi ng pagkatao niyang iyon, kaya hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya. Though she couldn't deny the swelling of her heart.
"I... still can't believe it," usal niya. "Thank you, Garfield. Thank you for loving me." She smiled apologetically at him. "Pero hindi ko alam kung kaya kong tugunan ang nararamdaman mo para sa akin gayong hindi ko gusto kung sino ako ngayon."
Itinukod nito ang mga kamay nito sa magkabilang bahagi ng ulo niya. Inilapit nito ang mukha sa kanya. "I understand, Snoopy. I will love you until you learn to love yourself. I will make you see how beautiful you really are."
Hindi naging mahirap para sa kanya ang paniwalaan ang mga sinabi ni Garfield nang makita niya ang pagmamahal sa mga mata nito. Nagtiwala agad dito ang puso niya. Nang unti-unti nitong ibaba ang mukha nito sa kanya ay napapikit na lang siya. And when his lips gently touched hers for a quick and chaste kiss, she felt like her heart just found its home.