Chapter Seventeen

771 Words
NATIGILAN si Garfield sa pagguhit sa sketchbook niya nang pumito ang kaklase niyang si Drigo. Tiningnan niya ang basketball court sa harap nila kung saan nagaganap ang isang game. Naroon sila para gumuhit ng disenyo para sa school project nila na dream house nila. Nagtungo sila roon para kumuha ng inspirasyon. Naggagandahan kasi ang mga bahay sa subdivision nila Drigo. Ganoon din sa subdivision na tinitirhan niya, pero naroon si Odie sa bahay nila at tinotopak ito kaya umalis na lang siya. Isa pa, gusto rin niyang mag-isip-isip. Hindi niya napaghandaan ang pagtatapat niya kay Snoopy ng pag-ibig niya. Naramdaman na lang niya na iyon na ang tamang oras para sabihin niya iyon dito. Hindi niya alam kung kailan pa niya ito minahal, pero sigurado siyang hindi awa ang nararamdaman niya para dito. Masyado nang matagal ang pagka-"crush" niya rito para ilebel pa niya ang nararamdaman niya sa pangalang iyon. What he felt for her was deeper, and stronger. Kung crush lang niya si Snoopy, hindi siya bubuntot-buntot dito. Hindi rin sana siya magsisinungaling na kailangan niya ito para mabawi ang credit card niya sa mommy niya na matagal na niyang nabawi. Excuse na lang niya ang pagiging "babysitter" nito para makasama niya ito. Desperado kasi siyang mapansin siya nito. "Ang galing talagang mag-basketball ni Click. I wish I were him," komento pa ni Drigo. Geek kasi ito kaya naiintindihan niya kung magsentimyento man ito nang ganoon. Sa halip na sa pagsesentimyento nito ay sa pangalang binanggit nito natuon ang atensiyon niya. "Click?" Minsan nang nabanggit ni Snoopy na "Click" ang pangalan ng lalaking gusto nito. In-adjust ni Drigo ang malaki nitong salamin, saka itinuro ang lalaking nakaitim na T-shirt at asul na shorts. Iyon din ang pinakamatangkad sa lahat ng naglalaro sa court. "That's Clinton Derrick "Click" Clemente, Emerald basketball team's captain, and the reigning Mr. Engineering. Man, he's every girl's dream." He scoffed. "You think he's that great?" Hindi siya basta-basta nanlalait. Pero tuwing naiisip niya ang lalaking iyon ang nagtulak kay Snoopy para makagawa ng masama, umiinit ang ulo niya. Nanggigigil na nilamukos niya ang pahina ng sketchbook na ginuguhitan niya. "Mas guwapo ako sa lalaking 'yan, 'no. Mas matangkad lang siya nang isang pulgada sa 'kin. Saka hindi naman gano'n kahirap ang basketball. Para isho-shoot lang 'yong bola sa ring. Ano'ng mahirap do'n?" "Marunong ka bang mag-basketball, pare?" "Hindi," mabilis na sagot niya. Mabilis din siyang nag-angat ng tingin sa nagsalita nang ma-realize niyang hindi iyon boses ni Drigo. It was Click. Nakatayo ito sa harap niya habang nakakunot ang noo. Base sa reaksiyon nito, narinig nito ang lahat ng sinabi niya. Well, it wasn't like he was going to take his words back. Lalo nga siyang ginanahang hamunin ito. "Pero hindi ibig sabihin n'on ay hindi ko na kayang maglaro." Inihagis ni Click ang bola sa kanya at nasalo naman niya iyon. "Good. You. Me. One-on-one," hamon nito sa kanya. Mukhang napikon ito sa mga sinabi niya. Tumayo siya. Hindi pa siya nakakapaglaro ng basketball dahil ayaw niya ng mga larong nakakapagod. Pero mahilig siyang manood niyon kaya alam niyang kayang-kaya niya iyong laruin. Ano pa ang silbi ng pagiging genuis niya kung hindi niya kakayanin iyon? He dribbled the ball while Click was on guard. Alam niyang magiging dehado siya kung lalapit siya rito dahil kayang-kaya siya nitong supalpalin. So he took a step backward and did a three-point shot. Sa bilis niyon ay parang napako si Click sa kinatatayuan nito na halatang nagulat sa ginawa niya. Lalo na nang pumasok ang bola sa ring. Napangiti siya. "Easy." Click's face turned grim. "Nagsisimula pa lang ang laban..." Napaisip ito. "Kung sino ka man." "My name is 'Garfield,' flower boy," naaasar na sabi niya rito. "Kung sino ka man." Tiningnan niya ito nang masama. Nginisihan lang siya nito bago nito dinampot ang bola. Siya naman ang napunta sa depensa habang ito naman ang opensa. Click proved to be a good player when he did a fake move and tricked him into jumping in an attempt to block the ball. Then, he ran past him and did a layup. The ball got in. "f**k," naaasar na bulong niya. Pinahid niya ang pawis na naglandas sa noo niya. Binabawi na niya ang sinabi niyang madali lang ang basketball, pero hindi niya iyon aaminin sa harap ni Click. Hindi siya magpapatalo sa lalaking ito, kahit ito pa ang mahal ni Snoopy. Mahal niya ang dalaga, kaya papatunayan niya rito at sa sarili niya na mas karapat-dapat siya rito kaysa sa lalaking ito. Pagkatapos niyang magtapat kay Snoopy ay sinabi nitong hindi pa ito handang tugunin ang pagmamahal niya. Ang sabi niya, maghihintay siya. Pero hindi ibig sabihin niyon ay tutunganga lang siya. He would make a move to make her fall for him. Hah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD