Chapter Eighteen

604 Words
NAGULAT si Snoopy nang makita si Garfield na nakadapa sa sofa sa sala ng bahay nila. Kadarating lang niya mula sa eskuwelahan. Hindi nito sinabing pupunta ito sa kanila, pero alam niyang wala itong pasok kapag Sabado. He must be bored. "Garfield?" Tumagilid ito ng higa a la Cleopatra, saka naghikab. "Welcome home, Snoopy." Ibinaba niya ang bag at mga libro niya sa center table. "Nasaan si Mommy?" Buong araw ay masama ang pakiramdam niya. Idagdag pa na may masamang balita siyang nasagap. Sa sobrang sama niyon, hindi na niya alam ang gagawin. She felt so tired. "Nag-grocery lang kasama ng kasambahay n'yo. Inimbitahan niya akong dito na mag-dinner kaya magiging espesyal sigurado ang pagkain natin mamaya." Nag-squat siya sa harap nito, saka pinunasan ng daliri niya ang pawis sa gilid ng noo nito. May napansin din siya rito. "You look tired." Umayos ito ng upo at tinapik ang espasyo sa tabi nito. She sat next to him. Nagulat siya nang bigla na lang nitong gawing unan ang kandungan niya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Naalala kasi niya ang naging usapan nila. Tinanggap niyang mahal siya ni Garfield, pero nilinaw niya rito na hindi niya matutugunan agad ang pagmamahal nito. But he said he would wait for her. Masaya siya sa sinabi nito dahil ayaw rin naman niyang malayo rito. Iyon nga lang ang naging problema niya ngayon. Hindi niya kasi alam kung nahuhulog na ang loob niya rito at hindi lang basta kumportable siya rito. Magkaiba iyon at hindi iyon fair kay Garfield kapag nagkataon. "Snoopy?" "Hmm?" "Don't overthink it. Hindi naman ako mawawala sa 'yo kahit matagalan ka sa pagka-in love sa 'kin. Puwede mo 'kong ihanay sa mga manliligaw mo. Pero dahan-dahan ka lang sa pagpili ng taong mamahalin mo, baka kasi malagpasan mo 'ko," parang batang sabi nito. Natawa siya. Nakaramdam kasi siya ng kilig sa sinabi nito. "Sira ka talaga." Dahil sa biro nito ay gumaan ang pakiramdam niya. She eventually relaxed as she began running her fingers through his hair. Garfield touched her cheek. "You look tired, too, Snoopy. May problema ba?" Umiling siya. Hindi niya puwedeng sabihin dito ang problema niya. Siya ang nagsimula niyon, kaya siya rin ang dapat umayos niyon. "Ikaw? Ano'ng ginawa mo buong araw?" pag-iiba niya ng usapan. He dropped his hand to his tummy. Pagkatapos ay pumikit ito. "Nakipag-basketball kay Click." "Ha?" "Naglaro kami ng isang game." "Garfield—" "I won. I-congratulate mo muna ako bago mo ako sermunan." Bumuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip nito para gawin iyon, pero nakikita niyang hindi naging maganda ang kinahantungan niyon. Pakiramdam niya, lalong sumakit ang ulo niya. "All right. Congratulations. How was the match?" Ipinatong nito ang braso nito sa mga mata nito. "Alam ko na ngayon kung bakit minahal mo ang lalaking 'yon. Kahit inaasar ko siya, nanatili ang konsentrasyon niya sa laro. I realized how childish I am compared to him. To be honest, that was the first time I felt insecure." Napasinghap siya. "Garfield..." "now I know how you feel, Snoopy. The desperation of wanting to surpass someone is really exhausting and frustrating. I felt so little. I was very jealous of him. I've never felt so pathetic," parang naiinis na sabi nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. Ganoong-ganoon din ang naramdaman niya noon kay Gummy at sa sarili niya noon. Lalo siyang nahirapang huminga. "Snoopy, do you still love Click?" Hindi agad siya nakasagot. Sobrang sama na kasi ng pakiramdam niya. Bumangon si Garfield. "Ah! Hindi ko na dapat tinanong sa 'yo 'yon—Snoopy?" Bumakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito nang tumingin ito sa mukha niya. "You look pale!" Parang umikot ang paningin niya habang unti-unting bumibigat ang ulo niya. Pagkatapos ay nawalan na siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD