Chapter Nineteen

912 Words
SNOOPY slowly opened her eyes. Nagulat pa siya nang mabungaran niya ang nag-aalalang mukha ni Garfield. "Baby, do you feel better now?" nag-alalang tanong nito. Tumango siya. "What happened?" "You fainted due to your high fever, dear," sagot ng kanyang ina na noon lang niya napansin. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid. Nasa isang hospital room siya. "Oh." Nang tangkain niyang bumangon ay tinulungan agad siya ni Garfield. Umupo ito sa gilid ng kama niya at naglagay ng unan sa likod niya. Hinawakan ni Garfield ang kamay niya. "I'm sorry, Snoopy. Ang tagal nating magkausap sa bahay n'yo pero hindi ko agad napansin na masama na pala ang pakiramdam mo." Natunaw ang puso niya sa pag-aalalang nakita niya sa mga mata nito. But there was also guilt in them. Masuyong ginulo niya ang buhok nito. "Hindi mo kasalanan ang nangyari, Garfield. Hindi ko rin naman napansin na may lagnat ako. Ang akala ko, masakit lang talaga ang ulo ko." Sumimangot ito, pagkatapos ay yumukyok ito sa balikat niya. He let out a sigh of relief. "Thank God you're okay now. Masyado akong nag-alala." "Garfield! Ano ka ba namang bata ka! Hindi ka na nahiya kay Sandra!" Nalingunan niya si Tita Gracia at si Odie na kapapasok lang sa kuwarto. May dalang basket ng prutas ang mga ito. Napangiti siya. "Hello, Tita Gracia, hello Odie." Tita Gracia smiled. "I'm glad na okay ka na, hija. Nag-alala kami sa 'yo." Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. "Pasensiya na po kung pinag-alala ko kayo. But I'm okay now." Ngumiti lang ito, pagkatapos ay pinukol ng masamang tingin si Garfield na nakayukyok pa rin sa balikat niya. "Ito talagang batang 'to. Garfield, nakikita ka ng Tita Sandra mo. Humiwalay ka nga kay Snoopy. Let her rest." Garfield groaned and to her surprise, he hugged her. "Mommy, alam naman ni Tita Sandra na malinis ang intensiyon ko kay Snoopy. Hindi ba, Tita?" Natawa ang mommy niya. "I know, hijo. But I'd appreciate it if you'd let go of my daughter for now. Look at her, mukha na siyang kamatis." Lalong nag-init ang mga pisngi niya nang kumalas sa pagkakayakap si Garfield sa kanya para tingnan ang mukha niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya pero tuwing malapit ang binata ay parang nagkakaroon ng rally sa loob ng dibdib niya sa sobrang bilis at gulo ng t***k ng puso niya. "I think nagbubunga na ang kakulitan mo, Garfield. I'm so happy for you, bro!" Odie said teasingly. Nangislap ang mga mata ni Garfield. "Is that true, Snoopy?" Marahang tinapik niya ang magkabilang pisngi nito. "Tumigil ka nga, Garfield." Ngumiti lang ito saka hinawakan ang mga kamay niya. "Nah, don't be shy. Everyone in this room already knows I love you. Naipagpaalam ko na rin kay Tita Sandra kanina ang panliligaw ko sa 'yo." Nang tuksuhin na sila nina Tita Gracia at Odie ay binawi na niya ang mga kamay niya mula rito saka itinapik iyon sa mukha niya. "Mommy, Tita Gracia, Odie, puwede po bang mag-usap muna kami ni Garfield?" Mabilis na pumayag ang mga ito. Nang marinig niyang sumara ang pinto ay saka lang niya inalis ang mga kamay niya sa mukha niya para tapunan ng masamang tingin si Garfield na nagpapainosente pa. "Garfield, bakit kailangan mong sabihin sa lahat 'yon?" "Ang alin?" "N-na mahal mo ako." Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko naman sinabi. Nahalata na nila. Kinumpirma ko lang. Pero kung hindi ka kumportable, puwede ko naman silang kausapin na 'wag kang tutuksuhin." Kinalma niya ang sarili. Hindi naman sa hindi siya kumportable sa nangyari. Nagulat lang siguro siya na nagagawang aminin at ipakita ni Garfield sa lahat ang pagmamahal nito sa kanya. Sa sobrang saya niya, hindi niya alam kung paano hahawakan ang emosyon niya. Guilt flitted across Garfield's eyes. "I'm sorry for making you feel uncomfortable." Siya naman ang nakonsiyensiya dahil nagso-sorry ito sa bagay na hindi naman nito kasalanan. Umiling siya. "Don't apologize, Garfield. Hindi naman ako galit." "Really?" Tumango siya. "I swear." Parang nakahinga ito nang maluwag. "So, ano nga pala 'yong gusto mong pag-usapan natin?" Kinagat niya ang ibabang labi niya. "It's about Gummy. May kung sinong nag-upload ng video niya sa f*******: page ng EU. Napanood 'yon ng mga professor at ngayon ay nakarating na rin 'yon kay Ninang—ang ibig kong sabihin, sa direktor ng university natin. Pinag-uusapan ngayon na baka tanggalin sa pagiging scholar si Gummy." Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Ano'ng balak mong gawin ngayon, Snoopy?" She cupped his face. "Nangako ako sa 'yo, 'di ba? Ang sabi mo noon, hindi mo ako isusumbong sa kahit sino dahil ayaw mong makialam at ang gusto mo, ako mismo ang umayos sa gulong ginawa ko. Tinupad mo ang sinabi mo dahil hanggang ngayon ay nananahimik ka pa rin sa nangyari, kahit alam kong labag 'yon sa kalooban mo. Kaya ngayon, ako naman ang tutupad sa usapan natin. Aayusin ko na ito at ililigtas ko si Gummy. Kakausapin ko ang direktor at sasabihin ko kung ano ang totoong nangyari." Bumuga ito ng hangin. "Siguradong ikaw naman ang mapapahamak. Aaminin ko, no'ng una ay ayaw ko lang talagang makialam, pero kalaunan, nananahimik na ako dahil ayokong mapahamak ka. That makes me a bad guy, too, doesn't it? Dapat, kasama ako sa parusa mo." Umiling siya. "This is my fight, Garfield. Ayokong madamay ka. And let me grow up, okay?" Matagal bago ito sumagot. "Snoopy, I was there so I'm involved, too. Let me help you." Napabuntong-hininga siya. Mukhang wala siyang laban sa katigasan ng ulo nito. Pero masaya siya sa ginagawa nito para sa kanya. Ngumiti siya. "Thank you, Garfield." Nakangising kumindat ito. "Anything for you, baby." Kinutusan niya ito sa noo. "Baby-hin mo'ng mukha mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD