"BEWARE of Gummy Barcelo. She stole her best friend's guy. She can steal yours."
Nang makontento si Snoopy sa text message na iyon ay s-in-end na niya iyon sa numero ng mga kaibigan niyang matindi rin ang inggit kay Gummy. Isa na roon si Fiona. Kababata niya ito at lumaki sila sa iisang exclusive subdivision. Ito ang napaghingahan niya ng sama ng loob kay Gummy at ito rin ang nagsuhestiyon ng hakbang na dapat nilang gawin.
Labis siyang nasaktan dahil nitong nakaraan lang ay napansin niyang panay ang lapit ni Click kay Gummy. Kahit umiiwas si Gummy ay nakikita naman niyang hindi sapat ang panlaban nito dahil nakikita niya sa mga mata nito na gusto na rin nito ang binata.
Habang nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin ay napansin niyang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. The book on her face turned grim.
You're a traitor, Gummy. Palagi mo na lang inaagaw ang mga lalaking gusto ko.
Hindi pala niya kayang manahimik lang. Gustong-gusto niya si Click kaya hindi niya magawang ipaubaya ito sa kaibigan. Gagawin niya ang lahat para mabawi si Click, at para iparamdam kay Gummy ang sakit na madalas nitong iparanas sa kanya.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng CR ng cafeteria. Nakita niya si Gummy na mukhang kanina pa siya inaabangan. Sinadya niya kasing tagalan sa loob nang makita niya itong palapit sa kanya kanina. Ayaw niyang makita ito dahil tiyak na pa-plastic-in niya lang ito.
Hinawakan ni Gummy ang kamay niya. "Snoopy, I want to talk to you."
Pilit siyang ngumiti. "You look worried, Gummy. Calm down." Inakay niya ito papunta sa mesang inookupa niya kanina. They sat facing each other. "Ano ba'ng problema?"
Ilang beses itong bumuntong-hininga na parang ba kinakalma ang sarili bago ito nagsalita. "This is about Click."
Kinuyom niya ang mga kamay niya pero siniguro niyang hindi magbabago ang ekspresyon ng mukha niya. "What about him?"
Dumaan ang pagkataranta sa mga mata nito. "I know how much you like Click. I... I don't know where to start. Bigla na lang nangyari ang lahat. Hindi ko rin ito ginusto pero—"
"What happened, Gummy?"
Yumuko ito. "He confessed to me. N-nililigawan din niya ako kahit tumutol ako."
Nanlamig ang buong katawan niya. Noong una pa lang ay alam na niya iyon pero mas masakit pala na kay Gummy pa mismo nanggaling ang kumpirmasyon.
She was so angry. Gusto niyang sigawan si Gummy, gusto niyang magalit kay Click, gusto niyang magwala. Pero ang mas masakit, alam niyang wala sa lugar ang alinman sa mga nararamdaman niya. She could only stay still as she felt her heart slowly breaking into pieces. Again. Everyone always chose Gummy over her.
Hindi lang basta puso niya ang nasaktan, pati ang pride niya. Alam ni Gummy kung gaano niya kagusto si Click, at kung gaano niya binakuran ang binata para hindi makuha ng ibang babae. Ano kaya ang pakiramdam nito ngayong nakuha nito ang lalaking hirap na hirap siyang paibigin?
Gummy should know that Click was hers, pero binale-wala nito ang lahat ng pagsisikap niya para mapansin ng lalaking mahal niya. Dapat noong una pa lang ay lumayo na ito sa binata. Oo nga at hindi kanya si Click, pero ni hindi man lang nito binigyan ng konsiderasyon ang nararamdaman niya.
You should have backed off, Gummy.
Muli siyang nagpaskil ng pekeng ngiti sa kanyang mga labi. Hinawakan pa niya ang kamay ni Gummy at nagpigil siya kahit gustong-gusto niyang pilipitin iyon. "'Wag mo nang alalahanin 'yon, Gummy. Hindi naman kami ni Click, 'di ba?"
Nag-angat ito ng tingin. May pag-aalala pa rin sa mga mata nito. Alam niyang may gusto pa itong sabihin pero may pakiramdam din siyang hindi ito nagsasalita para protektahan ang damdamin niya.
Gummy did the right thing. Dahil kapag may sinabi pa ito, tuluyan nang matatapakan ang pride niya bilang babae. Hindi niya kakayanin 'yon.
"Oh. What a touching scene."
Sabay silang napalingon ni Gummy sa pumasok sa cafeteria—si Fiona na may kasamang tatlong alipores. Nagtinginan sila ni Fiona. Nang pasimple siyang tumango rito ay ngumiti ito at sinimulan na ang plano nila.
Humalukipkip si Fiona at maarteng hinawi ang bangs nito. "Is this the part where the bida apologizes to the kontrabida for stealing her guy?"
"I didn't steal any guy from anyone," mariing tanggi ni Gummy.
Eksaheradong suminghap si Fiona. "Really? But that's not what the rumors say, my dear. Kalat na sa buong university ang ginawa mong pang-aagaw kay Click, Gummy. Alam naman ng lahat na nagkakamabutihan na sila nitong ni Snoopy pero nagawa mo pa rin 'yon. How sly."
"Fiona," kunwari ay saway niya rito. "Hindi gano'n ang nangyari. Walang kasalanan si Gummy kung nagkagustuhan man sila ni Click."
Gulat na napatingin si Gummy sa kanya. Alam niya kung bakit. Hindi niya kasi itinanggi ang mga inakusa ni Fiona rito sa sinabi niya. Para bang binigyang-paliwanag lang niya ang nagawa ni Gummy, pero hindi niya tuluyang pinawalang-sala ang kaibigan.
Fiona rolled her eyes. "Ewan ko sa 'yo, Snoopy. Masyado kang nabubulagan sa santa-santita mong kaibigan." Kinuha nito ang pitsel ng tubig sa isang mesa at ibinuhos ang laman niyon kay Gummy. "Listen, everyone. Especially the, girls. This girl is so malandi, kaya ingatan n'yo ang mga boyfriend n'yo, ha?"
Nagbulungan ang mga estudyante na nakasaksi sa nangyayari. Kahit paano ay may kumukurot sa puso niya habang nakikita ang miserableng estado ni Gummy. Mukha itong basang-sisiw at pinagtatawanan pa ito, lalo na ng mga babae. Pero pinatigas niya ang puso niya. Wala pa sa kalingkingan ng sakit na nararamdaman niya ang nararanasan nito ngayon.
Pasimpeng nilingon niya si Fiona. They secretly exchanged knowing smiles.
Fiona was a queen bee. But since they both came from a wealthy family, masasabing pantay lang ang katayuan nila sa Emerald University. At halos pareho rin silang nagmula sa broken family kaya marahil nagkakasundo sila minsan. Kahit hindi sila gaanong nag-uusap noong mga nakaraang taon ay hindi sila nagbabanggaan. They used to be friends when they were little.
Alam niyang galit si Fiona kay Gummy dahil iniwan ito ng boyfriend nito noong nakaraang taon para ligawan si Gummy. Presidente kasi ng chess club na kinabibilangan ni Gummy noon ang ex ni Fiona. Gummy was forced to leave the club to stop the problem from growing, but the damage had been done. She and Fiona shared the same predicament, kaya marahil madali nilang naibalik ang pagkakaibigan nila.
"Gummy!"
Narinig niya ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Parang nabasag ang yelong nakabalot sa puso niya nang makita si Click na agad dinaluhan si Gummy na nanatili lang walang imik at walang emosyon.
"Gummy, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Click. Nagmura ito nang mahina nang makita marahil ang kalagayan ni Gummy na hindi ito okay. Tiningnan nito nang masama si Fiona. "What the hell, Fiona?"
Nagkibit-balikat lang si Fiona bago ito nagsimulang lumakad palayo. "Let's go, girls. The slutty princess' prince has come."
Nakakainsultong tumawa ang mga alipores nito.
"Fiona! Apologize to Gummy!" galit na sigaw ni Click. Akmang susundan nito si Fiona pero pinigilan ito ni Gummy.
"Hayaan mo na siya, Click. I just want to get away from here," nakayukong sabi ni Gummy.
"Of course," mabilis na sang-ayon naman ni Click. Inalalayan nito si Gummy sa pagtayo at hindi rin binitawan ang dalaga habang palabas ng cafeteria ang mga ito.
Pakiramdam ni Snoopy ay lalong nadurog ang puso niya. Pinilit niyang gawing galit ang sakit na nararamdaman niya. She wanted to avenge her broken heart all the more now. Hindi siya papayag na siya lang ang miserable.
Nakahalukipkip na sumandal siya sa upuan.
You may have won this round, Gummy. Pero hindi pa tayo tapos. Hindi pa ako tapos sa inyo.