"LASAGNA for you, Garfield."
Ipinaikot ni Garfield ang mga mata niya nang ilapag ni Odie sa mesa nila ang plato ng lasagna. Nasa restaurant-bar sila ngayon na pag-aari ng boyfriend nito.
"Sino ba talaga ang tinutukoy mo, Odie? Ako na kakambal mo o 'yong matabang pusa na kapangalan ko?" naaasar na tanong niya rito.
Bumungisngis ito. "Pareho lang naman 'yon." Pabirong inambaan niya ito na lalo lang nitong ikinatawa. "Hey, you seem to be in a good mood. Ano'ng meron?"
Ngumisi siya. Tinungga muna niya ang alak sa hawak niyang baso bago siya sumagot. "Well, I think I just found myself a crush."
Namilog ang mga mata ni Odie. "A crush?" Natawa ito. "You're too old to have a crush! You should be looking for love by now!"
Sinalinan niya ng alak ang baso ng kapatid niya. "Love-in mo'ng mukha mo. Pagkatapos kong makita kung paano mo alilain ang boyfriend mo? No, thanks. Hindi ako magpapaalipin sa pag-ibig," biro niya.
Pinisil ni Odie ang tungki ng ilong niya. "Bro, ang lalim n'on, ha?" Nagkatawanan sila. Umayos na ito ng tayo. "Anyway, ngayon ka lang yata uli nagka-crush. So, tell me what she's like."
"She's pretty and she has nice legs." Binato siya ng nilamukos na tissue paper ni Odie na mabilis niyang naiwasan. Natawa siya. "She ignored me. Kahit no'ng kausap na niya ako, parang hindi pa rin niya ko nakikita. And that's interesting. Alam mong hindi ako sanay na hindi pinapansin ng babaeng gusto ko."
Ipinaikot nito ang mga mata nito. "Oh, God. You're so arrogant. Ang guwapo mo, ha?"
He smirked. "Hindi ba?"
"May sinabi ba akong hindi? Kambal tayo at malaki ang pagkakahawig natin kaya kapag sinabi kong pangit ka, para ko na ring sinabi na pangit ako." She flipped her hair elegantly. "So, did you get her name?"
Ngumiti siya. "It's 'Snoopy.' Snoopy..." Pilit niyang inalala kung ano ang apelyido nito na sinabi ng lalaking napagtanungan niya. Bulol kasi iyon kaya hindi niya gaanong naintindihan ang huling mga sinabi nito. "I think it's Snoopy... Labrador?"
Napasinghap si Odie. "Seriously?"
Tumango siya. "Tiyak na magkakasundo ang mommy natin at ang mommy niya. Sino na lang ba ang magpapangalan ng gano'n sa mga anak nila?"
Natawa si Odie. "That's crazy!"
Patuloy pa rin sila sa pagkukuwentuhang magkapatid nang may babaeng bumaba ng second floor ng bar ang kumuha ng atensiyon niya. The girl was wearing shorts that exposed her long, creamy legs. Nang matapatan ng makukulay na ilaw ang mukha nito ay agad niya itong nakilala.
Kumunot ang noo niya. "Snoopy?"
Magtatanong sana si Odie pero natigilan ito nang dumating ang boyfriend nito. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para takasan ito. Hindi siya papayag na kulitin ng kakambal niya ang crush niya. Napangiti siya nang makitang umupo si Snoopy sa mataas na stool sa tapat ng bar counter. Pero agad ding napalitan ang ngiti niya nang makitang nilapitan agad ito ng mga lalaki.
He didn't know why he felt a sudden surge of protectiveness towards her. Ikinuyom niya ang mga kamay niya habang papalapit kay Snoopy. Pero natigilan siya nang marinig magsalita ang dalaga.
"If you take that seat, this one will be empty," Snoopy said coldly to the guy who was about to take the seat beside her.
He whistled in his mind. Weird, but he felt proud of her.
Ang tapang ng crush ko. Nakaka-proud!
Kakamot-kamot sa ulo na umalis na lang ang mga lalaki. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi nagpumilit ang mga lalaki. Ayaw niyang mapaaway dahil nagpapa-good shot pa siya sa mommy niya. Pero kung sakali mang kinulit ng mga lalaking iyon ang crush niya, hindi siya magdadalawang-isip na makipag-away para ipagtanggol ito.
He smirked and arrogantly took the seat next to Snoopy. Gusto niya kasing kuhanin ang atensiyon nito at nagtagumpay naman siya nang lingunin siya nito. Ang akala niya ay susungitan siya nito kaya nagulat siya nang yumuko lang uli ito sa hawak nitong baso ng alak.
"Hindi mo ba ako paaalisin?" nagtatakang tanong niya rito.
Sinulyapan siya nito. "Kung gusto mong umalis, you're free to do so."
"Siyempre, ayokong umalis. Nagtataka lang ako kung bakit hinayaan mo akong umupo rito, gayong tinakot mo 'yong mga nauna sa 'kin."
"So, you were watching."
Um-order muna siya ng alak sa bartender bago niya ito sinagot. "Well, I just happened to pass by. Will you answer my question now? Bakit hinayaan mo akong umupo sa tabi mo?"
Tiningnan siya nito, saka bahagyang yumuko sa kanya na parang ba inamoy siya bago ito umayos ng upo. "You're much more good-looking than those guys and you smell nice. Mas gugustuhin kong katabi ang tulad mo."
Wow, his ego was boosted tenfold, lalo na at galing pa ang mga papuring iyon sa crush niya.
Tama ka, Odie. We're the most beautiful twins in the world!
But he was surprised by her sudden boldness. Nang una niya itong makita, alam niyang hindi ito ang tipo ng babae na basta-basta magsasabi ng ganoon sa isang estranghero. Dumako ang tingin niya sa mukha nito. Napansin niyang medyo namumula na ang mukha nito at parang pabagsak na rin ang mga mata dala marahil ng kalasingan.
"You look tipsy." Again, he didn't know where the concern came from.
She shrugged. "I'm turning twenty-one soon which means I'm already an adult. Wala kang karapatang pagbawalan akong uminom."
Napangiti siya. This girl was really stubborn. Natuwa rin siya na dalawang taon lang pala ang tanda niya rito. "Hindi kita pinipigilan. Pinapaalalahanan lang kita."
Tiningnan siya nito at tinaasan ng isang kilay. "Are you flirting with me?"
Lalong lumuwang ang ngiti niya. Was he that obvious? Yumukod siya sa harap nito. "I respect you so much that I wouldn't dare to do that, Ma'am. I merely want to keep you safe."
"And why would you do that?"
Nag-angat siya ng tingin dito. Napangiti siya nang makita ang kuryosidad sa mga mata nito. "Kasi crush kita. O, bago ka mag-react diyan, ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo na ang pinakadalisay at pinakainosenteng damdamin sa buong mundo ay ang pagkakaroon ng crush."
Tumayo na ito, walang pagbabago sa blangkong ekspresyon sa maganda nitong mukha. "You're weird, Sir." At sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi nito.
He was mesmerized by her beautiful smile once again. Napatayo siya bigla at hinawakan ito sa braso sa takot na baka mawala ito sa harap niya. And he wasn't ready to let her go yet.
Kumunot ang noo ni Snoopy. "Let go of my arm, please."
Mabilis na binitawan niya ito. Napakamot siya sa kanyang batok. "Sorry... It's just that..." Bumuga siya ng hangin nang maubusan siya ng dahilan. Hinubad na lang niya ang jacket niya at walang permisong itinali iyon sa baywang nito. Hindi kasi niya gustong pinagtitinginan ito ng mga lalaki sa paligid. "Kung hindi mo mamasamain, puwede bang ihatid na kita kahit hanggang sa parking lot?"
Umiling ito. "May kasama ako. In fact, I was about to go to her if you hadn't stopped me." Lumagpas ang tingin nito sa kanya, pagkatapos ay nilagpasan siya nito. "Gummy."
Pumihit siya. Nakita niya ang isang babae na pababa ng hagdan. The girl was cute, just like a pretty doll.
"Bakit ang tagal mo, Gummy?" tanong ni Snoopy dito. "Akala ko, nakatulog ka na sa CR."
Bumungisngis si Gummy. Halatang nakainom din ito, pero hindi gaya ni Snoopy ay hindi nito kayang dalhin ang sarili nito sa ganoong estado. "Masarap pala ang vodka."
Bumuga ng hangin si Snoopy. "Bakit ba uminom ka rin? Hindi ka naman sanay na—"
"I like him, Snoopy." Tumingin nang deretso si Gummy kay Snoopy. "Uminom ako dahil kailangan ko ang espiritu ng alak para masagot ang tanong mo. I like Click, too. I'm sorry."
Alam ni Garfield na dapat na siyang umalis dahil pribado na ang usapang iyon. Pero nang makita niya ang sakit na gumuhit sa mga mata ni Snoopy, hindi niya nagawang umalis. His heart went out to her. Akmang lalapitan na niya ito nang bigla na lang tumakbo ang dalaga palabas.
Hahabulin na sana niya si Snoopy nang bigla namang nawalan ng malay si Gummy dala marahil ng kalasingan. Wala na siyang nagawa kundi ang saluhin ito.
Nilingon niya ang tinakbuhan ni Snoopy. Hindi na niya nakita ang dalaga. He was worried about her because he saw that expression on her face before she ran away.
She was crying and she looked so sad. Was she... hurting?
"Fiona, look!"
Nawala lang ang atensiyon niya kay Snoopy nang may marinig siyang nagbubungisngisan. Nalingunan niya ang tatlong babae na nakatingin sa direksiyon niya. Ang tinawag na "Fiona" ay nakatutok ang cell phone sa kanya.
He mentally rolled his eyes. That girl was probably taking his picture.
Ang guwapo ko talaga.