Chapter Five

786 Words
NAPANSIN ni Snoopy na pinagtitinginan sila ni Gummy ng mga kaeskuwela nila. Naroon sila sa classroom nila pero may mga estudyanteng dumadayo roon para lang makitsismis. Pero alam niyang si Gummy ang pinag-uusapan ng mga ito at alam na alam din niya ang dahilan. Nanginginig ang mga kamay ni Gummy nang itigil nito ang video na pinapanood nito sa cell phone nito. "Who took this video?" hindi makapaniwalang tanong nito. Sinupil niya ang nagbabadyang ngiti sa mga labi niya. Ang video na tinutukoy nito ay ang paglalasing nito sa bar. Pagkatapos ay nasundan iyon nang kawalan nito ng malay habang buhat-buhat ng isang hindi kilalang lalaki. Hindi makikilala ang mukha ng lalaki dahil madilim, pero makikita ang mukha ni Gummy. Nakatutok kasi sa mukha ng dalaga ang camera. Mukhang lasing na lasing ito at nakakunyapit pa ito sa leeg ng estranghero. Ang mas nakakagimbal sa video ay ang pagdadala ng lalaki kay Gummy sa isang pribadong kuwarto ng bar sa ikalawang palapag. No one knew what that room was for and that created rumors. Rumors that implied that Gummy had spent the night with a stranger, when everyone in the campus knew she was getting along with Click. Nag-angat ng tingin sa kanya si Gummy. She gave her an accusing look. "Snoopy, tayo ang magkasama no'ng gabing ito. Is it possible that... that you were the person who took this video?" Napasinghap siya. "What? Pinagbibintangan mong ako ang kumuha at nagkalat ng video na 'yan? Paano ko 'yon magagawa gayong do'n sa unang part ng video ay magkasama tayong umiinom? Gummy, hindi lang tayo ang taga-EU sa bar na 'yon no'n." Natahimik si Gummy pero kitang-kita pa rin niya ang pagkabahala sa mukha nito. Mayamaya ay marahas na bumuga ito ng hangin. "You're right. I'm sorry." Malayong-malayo na si Gummy sa dating masayahin nitong anyo. Ngayon ay pulos pangamba ang nakikita niya sa mga mata nito. Nakaramdam siya ng sakit para dito. No matter how much she hated feeling this way, she still cared about her. Pero sinupil niya ang pagmamalasakit niya para kay Gummy. Kung hindi ito ang masasaktan, siguradong siya naman ang masasaktan. She wasn't that selfless and she was tired of living in pain. She lived a life under Gummy's shadow. She wanted to shine now, and she would resort to whatever means to make that happen. Napasinghap si Gummy habang nakatingin sa labas ng bintana. "Click!" Tumayo ito at patakbong lumabas. Lalong lumakas ang bulungan tungkol dito nang mawala ito. Pagtingin niya sa labas ng bintana ay nakita niya si Gummy na hinawakan sa braso si Click. Humarap ang binata rito pero base sa nakikita niyang sakit at galit sa mukha ni Click ay alam niyang nagtatalo ang dalawa. Nangalumbaba siya habang pinapanood ang dalawa. Serves you right, both of you. That's what you get for hurting me. Kung ayaw mo sa 'kin, Click, dapat ayawan mo rin si Gummy. Si Fiona ang kumuha ng video kung saan umiinom sila. Hindi naman bago sa mga kaeskuwela niya ang pag-inom niya dahil halos karamihan sa mga iyon ay nakakasama na niya sa party na dinadaluhan nila ng mommy niya. Pero si Gummy, iyon ang unang pagkakataon na uminom. Ang gusto lang naman niya ay ipakita sana sa buong Emerald University na hindi santa si Gummy. Pero mas lumala ang plano nang makita niya si Gummy na buhat ng isang estranghero. Initially, she walked out on her after she said that she liked Click. Pero hindi niya ito nagawang iwan sa bar gayong lasing ito kaya binalikan niya ito. Kinukuhanan na ni Fiona ng video si Gummy noon, kaya nahuli sa camera ang pagdadala ng binata sa babae sa kuwarto sa itaas. She tried to stop Fiona, but she didn't listen to her. Hinayaan na niya si Fiona dahil mas inuna niya si Gummy. It turned out na opisina pala ng may-ari ng bar ang pinagdalhan ng lalaki kay Gummy. Walang tanong-tanong na binawi niya si Gummy mula sa binata. She was a little drunk which was why she didn't recognize who the guy was. Sa tulong ng driver niya ay isinakay niya si Gummy sa kotse niya at inihatid ito pauwi. Pero iniwan niya si Gummy sa parke na malapit sa bahay nito. Dala ng kalasingan ay nakatulog ito sa bench. Noon niya tinawagan ang ina nito para sunduin ang dalaga. Nakatago siya sa loob ng kotse niya. Umalis lang siya nang masigurong ligtas nang nakauwi si Gummy. Ginawa niya iyon para hindi malaman ni Gummy kung paano ito nakauwi, at para hindi nito malaman na hanggang sa huli ay siya ang kasama nito. Naputol lang ang pagbabalik-tanaw niya nang makita niyang iwan ni Click si Gummy. She knew she should be feeling victorious because she finally got what she wanted, but the opposite happened. She actually felt sick of herself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD