Chapter Six

1477 Words
"GARFIELD, mataas ang IQ mo. May photographic memory ka rin kaya normal lang kung natatandaan mo agad ang lahat ng detalye sa isang bagay na minsan mo lang nakita." "Snoopy is not a thing," nayayamot na sagot niya. He was so frustrated about that girl. Nang nagdaang gabi kasi, ni hindi man lang siya nito pinasalamatan pagkatapos niyang magmagandang-loob na dalhin sa opisina sa bar ng boyfriend ni Odie ang kaibigan nitong nawalan ng malay. Balak sana niyang hintayin ang babaeng narinig niyang tinawag na "Gummy" ni Snoopy na mahimasmasan para maihatid niya ito sa bahay nito pagkagising nito. Pababa na sana siya noon para pakiusapan si Odie na bantayan muna si Gummy at para ikuha ng tubig ang dalaga nang may marinig siyang katok sa pinto. Nang buksan niya iyon, agad pumasok si Snoopy nang hindi man lang siya tinitingnan. Kasunod nito ang isang malaki at may-edad nang lalaki na sa tingin niya ay driver nito. Inilabas ng mga ito si Gummy. Ang mas nakakainis lang, nang tanungin niya si Snoopy kung kailangan nito ng tulong ay tiningnan lang siya nito na para bang inaalala kung sino siya. Pero hindi dumaan ang rekognisyon sa mga mata nito. Umiling lang ito at saka umalis. "Damn! Mahigit limang minuto kaming magkausap, pagkatapos hindi niya ako naalala gayong ilang minuto lang din naman ang nakalipas no'n? It's not fair that she doesn't recognize me when I can't forget about her. And that has nothing to do with me being a genius," paghihimutok niya. "Baka slow siya kaya hindi ka niya matandaan." "Wala sa hitsura niya ang slow," pagtatanggol naman niya kay Snoopy. She looked smart to him. Odie shrugged. "Maybe you just didn't make an expression on her." Natahimik siya. Odie was probably right. Tuwing kausap kasi niya si Snoopy, tuwing tinitingnan siya nito ay parang hindi naman siya nito nakikita. Ano kaya ang puwede niyang gawin para makuha nang tama ang atensiyon nito? "Akala ko ba, crush mo lang siya? Why are you frustrated?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Odie. Tumikhim lang siya. "Salamat sa paghahatid sa 'kin," aniya, saka mabilis na umibis ng kotse upang makaiwas sa mga mapanganib na tanong ng kapatid niya. Habang naglalakad siya ay napansin niyang halos lahat ng kaeskuwela niya ay nakahawak sa kanya-kanyang cell phone ng mga ito na parang ba may interesanteng pinapanood. May nag-bluetooth kaya ng picture niya na naka-topless? Hah! "I can't believe that Gummy Barcelo did this," naiiling na sabi ng kaklase niyang si Megan. Gummy Barcelo? Could it be the same Gummy in my mind? "Naglasing siya sa bar at sumama sa isang estranghero. Only God knows what she and that guy did in that room," umiiling na komento naman ng isa pa. Nanigas siya sa kinatatayuan niya pagkatapos marinig iyon. Mabilis na gumana ang utak niya at bumuo ng konklusyon base sa mga narinig niya. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang mga eksenang nabanggit ng mga kaklase niya, at sa pagkakataong iyon ay hindi niya makumbinsi ang sarili niya na magkaiba ang Gummy na naaalala niya sa Gummy na pinag-uusapan ng mga ito. People were talking about them, and the night he helped Gummy. Pero paano nalaman ng mga ito ang tungkol doon? Dumaan siya sa likuran ng mga kaklase niyang babae at pasimpleng sumilip sa pinapanood na video ng mga ito. Muntik na siyang mapamura nang makita ang sarili sa video habang buhat-buhat si Gummy. Hindi gaanong kita ang mukha niya dahil sa dilim at dahil hindi naman sa kanya naka-focus ang video, pero ang mukha naman ni Gummy, kitang-kita dahil dito nakatutok ang camera. Tahimik na bumalik siya sa upuan niya. Nangalumbaba siya at nagpanggap na natutulog habang nag-iisip. Binalikan niya ang mga naganap nang gabing iyon. His mind replayed everything vividly. Bumalik sa isip niya ang babaeng inakala niyang kinukuhanan siya ng picture bago niya iniakyat sa opisina si Gummy. Kung hindi siya nagkakamali ng pagkakatanda, "Fiona" ang pangalan ng babaeng iyon. Damn! That girl wasn't taking my picture. Bini-video-han niya si Gummy! Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero sigurado siyang ang ginawa niyang pagpapakabayani ay nagdulot ng isang malaking hindi pagkakaunawaan. He wasn't one to easily sympathize with other people, pero babae si Gummy at hindi niya gusto ang mga naririnig niyang pinagsasasabi ng mga taong wala namang alam sa tunay na nangyari. May kapatid siyang babae at ayaw niyang mangyari kay Odie ang nangyayari kay Gummy ngayon. I need to find the girl who took that video and— Natigilan siya sa pag-iisip nang maalalang nakita niyang kinausap ni Snoopy ang babaeng nagngangalang "Fiona." Kailangan niyang tanungin si Snoopy. Noon lang din niya naisip na kayang-kayang linawin ni Snoopy ang maling akala ng mga tao tungkol sa video dahil naroon ito nang gabing iyon at ito pa nga ang sumundo kay Gummy. Kaya bakit hindi pa nito ginagawa iyon? Baka hindi pa niya napapanood iyong video, pagtatanggol dito ng isang bahagi ng isip niya. Tumayo siya at malakas na nagsalita. "May nakakaalam ba sa inyo kung saan ko puwedeng makita si Snoopy Labrador?" "Labradal," sabay-sabay na pagtatama sa kanya ng mga kaklase niya. "Whatever. Where can I find Snoopy, the tall and beautiful girl?" "Architecture din ang course ni Snoopy at nasa fifth year na rin siya. Pero sa third floor sila nagkaklase. Room one-zero-eight," sagot ni Megan sa kanya. "Thanks," aniya, saka tumakbo palabas. Pag-akyat niya sa ikatlong palapag ay nakita niyang palabas na ang mga estudyante sa Room 108. Hinintay niyang lumabas ang lahat pero hindi niya nakita si Snoopy. Nakababa na ang lahat pero hindi pa rin niya nakita ang dalaga. Paalis na sana siya nang lumabas si Snoopy. Saglit siyang tumigil upang mapagmasdan ito habang isinasara nito ang pinto. Ang ganda talaga nito at kahit ilang hakbang ang layo niya rito ay nasasamyo niya ang matamis nitong amoy. Ang elegante rin nitong kumilos na nababagay sa mukha nito na madalas ay seryoso. Naramdaman yata ni Snoopy na may nakatingin dito dahil unti-unting lumingon sa direksiyon niya. Nang magtama ang mga mata nila, pakiramdam niya at inilipad na ang lahat ng talino niya dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ito. Her beautiful dark eyes took his breath away, as well as his wits. "Yes? Do you need anything?" tanong ni Snoopy. Tumikhim siya at pinagana ang utak niya. Namulsa siya at umarteng hindi apektado ng presensiya nito kahit ang totoo ay nakakalimutan na niya ang dahilan ng pagpunta niya roon. "You're Snoopy Labrador, right?" Tumaas ang isang kilay nito. "It's 'Labradal.'" Ngumisi siya. Now I have your attention. Inilahad niya ang kamay niya rito. "I'm Garfield Serrano." She gave her a suspicious look. "That was a joke, right?" Ipinakita niya rito ang school ID niya. "'Garfield Serrano' ang totoo kong pangalan." Noon lang nito tinanggap ang pakikipagkamay niya rito. He was so surprised by the softness of her hand that he didn't want to let go of it. Pero naramdaman niya ang pagbawi ng kamay nito kaya binitawan na rin niya ito. Napansin niyang nakatingin lang si Snoopy sa kamay nito. "Is there a problem?" nagtatakang tanong niya. Mabilis na itinago ni Snoopy ang mga kamay nito sa likuran nito. "Ano nga uli 'yong kailangan mo?" "Oh. Naalala ko kasing magkausap kayo ng babae sa bar kagabi. The one named 'Fiona.'" Napansin niyang parang dumaan ang pagkataranta sa mga mata ni Snoopy. "W-what about it?" "Ako 'yong lalaking nasa video na kinuhanan niya, involving your friend Gummy. Gusto ko sanang kausapin siya para linawin sa lahat na wala kaming ginawang masama ng kaibigan mo, and I want you to do the same. Puwede kang mag-witness dahil ikaw ang naghatid pauwi kay Gummy, 'di ba? Kahit hindi ako kita sa video, gusto ko pa ring malinaw n'yo ang nangyari." "I-ikaw 'yong nasa video?" hindi makapaniwalang tanong ni Snoopy. "Ako nga. Puwede mo ba akong samahan kay Fiona?" Dumaan ang takot sa mga mata nito, pagkatapos ay hinawakan siya nito sa braso. "Garfield, don't do that, please. Don't talk to Fiona. Don't... Don't tell anyone else what happened that night," pakiusap nito sa kanya. Kumunot ang noo niya. "Pero kaibigan mo si Gummy. Ayaw mo bang iligtas siya sa kahihiyang kinakaharap niya ngayon?" Hindi sumagot si Snoopy. Pero base sa kawalan ng emosyong nakikita niya sa mga mata nito, mukhang wala itong balak na tulungan si Gummy. Sana ay mali siya, pero agad na naanalisa sa isip niya na maaaring kasabwat ni Snoopy ang Fiona na iyon sa nangyayaring gulo. Sa hindi niya alam na dahilan ay maaaring gusto ng mga ito na pahiyain sa buong unibersidad si Gummy. Ginawa pa siyang instrumento ng mga ito sa pagtupad ng masamang plano ng mga ito. Naikuyom niya ang mga kamay niya. Nadismaya siya sa ugali ni Snoopy. He thought she was special, but she turned out to be a typical beautiful, mean girl. He took a step forward, while she took a step back until her back touched the door. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang bahagi ng ulo nito. He lowered his face on hers. Even her sweet and hot breath didn't calm him. "May I have a word with you?" he asked through gritted teeth. "You pretty, little witch?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD