Chapter Seven

1022 Words
HINDI maintindihan ni Snoopy ang nararamdaman niya. Binuksan ni Garfield ang pinto sa likuran niya at marahan siyang itinulak papasok sa loob ng classroom. He even locked the door. Pagkatapos ay ginawa uli nito ang ginawa nito kanina. He advanced towards her like a predator stalking his prey and she moved back until her back hit the wall. Gayunman, wala siya ni katiting na takot na naramdaman dahil may pakiramdam siyang hindi siya magagawang saktan ni Garfield. His eyes were too gentle for him to be the type of guy who physically hurt girls. And yes, he was really handsome and that was an understatement. Kung totoong ito ang lalaking nasa video, hindi iyon ang unang pagkakataon na nagkita sila. Pero mukhang iyon ang unang pagkakataon na natitigan niya ito. Nang makipagkamay ito sa kanya ay may kakaibang init ang dumaloy sa buong katawan niya kaya bigla siyang nagbawi ng kamay rito. Ano ba ang nasa isip niya noon para hindi mapansin ang gaya nito nang unang beses pa lang na magkita sila? Ganoon na ba siya nilalamon ng galit niya para hindi na niya mapansin ang magagandang bagay sa paligid niya? Ngayong napakalapit ng mukha ni Garfield sa kanya, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Napakaamo ng mga mata nito at kahit mukha itong antukin, base sa pagkabagot na nakikita niya sa mukha nito, alam niyang mabuti itong tao. May umusbong sa puso niya na pagnanais na mapalapit dito. Kahit ganoon ang sitwasyon nila, panatag at kumportable siyang kasama si Garfield. Pakiramdam niya, ang maaamo nitong mata ang magliligtas sa kanya mula sa kamiserablehang nararamdaman niya. Stop. You're being pathetic, Snoopy. Ganyan ka na ba kadesperado na maging masaya para isipin mong ang estrangherong 'yan ang makakapagpagaan ng loob mo? saway sa kanya ng isang bahagi ng isip niya. "If you'll give me a good explanation as to why you're doing this to your friend, I might give your request a second thought," sabi ni Garfield sa parang iritadong boses. Napalunok siya. His hot and minty breath was fanning her face and it made her cheeks feel like they were burning. "I... just wanted to teach her a lesson." Kumunot ang noo nito. "Lesson?" "Inagaw niya sa 'kin ang lalaking gusto ko." "You already like someone else?" parang hindi makapaniwalang tanong nito. Siya naman ang kumunot ang noo. "Yes. And it's none of your business." Dumaan ang pagkadismaya sa mga mata nito. Pagkatapos ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa. And his eyes were scrutinizing her. "Ang babaw mo. Para sa isang lalaki, sisirain mo ang kaibigan mo. You disappoint me, Snoopy," umiiling na sabi nito, saka lumabas ng silid. Naiwan siyang parang nagyelo na sa kinatatayuan niya. Paulit-ulit niyang naririnig sa isipan niya ang mga huling sinabi ni Garfield hanggang sa napalitan iyon ng mas malalim, mas malaki at mas malamig na tinig. "You disappoint me." She flinched when she heard her father's voice in her head. Bumalik din ang pamilyar na kirot sa puso niya. Nagalit siya dahil ipinaalala ng walanghiyang Garfield na iyon ang isang bagay na gusto na sana niyang kalimutan. Inilibot niya ang tingin niya sa classroom. Kinuha niya ang eraser ng whiteboard saka siya nagmartsa palabas. Nakita niya si Garfield na pababa ng hagdan. Nanggigigil na ibinato niya rito ang hawak niya na naging dahilan ng paghinto nito sa paglalakad. "Wala kang karapatang sabihin sa 'kin 'yon!" galit na sigaw niya. "You don't know me! And I'm warning you! If you tell anyone about what you know... I... I will..." Humarap sa kanya si Garfield. Matalim ang mga mata nito. "You will what?" Kinagat niya ang ibabang labi niya. Isa lang ang naisip niyang panakot dito. "I'll tell everyone that you harassed me! And I'm telling you, they'll believe me!" Nanlaki ang mga mata nito. "You will what?" "You harassed me," ulit niya. "Ikinulong mo ako sa kuwartong iyon at kung ano-ano rin ang pinagsasasabi mo sa 'kin. If I fall, I will take you with me," pananakot niya bago taas-noong tinalikuran niya ito. Pagtalikod niya ay napasimangot siya. First, she was a liar. Now, she was making threats. Hindi na niya alam kung ano ang pinaggagagawa niya. And if she would just be honest with herself, she would admit that she was getting tired of her lies and evil schemes. *** PINIPILIT ni Garfield na huwag ipikit ang mga mata habang pinapanood sa pakikipagkuwentuhan ang ina niya sa kaibigan nitong si Tita Sandra. Kasalukuyang silang naglilibot sa bahay ng huli. Si Odie dapat ang kasama ng kanyang ina pero ang magaling niyang kapatid, tumakas para lang makipagkita sa boyfriend nito na mukhang inaaway na naman nito. At dahil nagpapa-good shot pa siya sa mommy niya, walang reklamong sumama siya rito. Nang may makita siyang larawan ng cartoon character na si Snoopy sa pinto ng kuwarto ng anak ni Tita Sandra, pumasok naman si Snoopy Labradal sa isip niya. Totoong nadismaya siya sa ugali nito. Nakuha pa siya nitong takutin. Ang mas nakakainis pa, tinamaan nito ang kahinaan niya ngayon. Kapag nalaman kasi ng mommy niya ang kasinungalingang maaaring ipagkalat ni Snoopy tungkol sa kanya, que totoo iyon o hindi, tiyak na lalong magagalit ang mommy niya sa kanya. Baka ipatapon na siya nito sa Amerika. That damn girl... nagawa niya ang lahat ng 'yon dahil lang sa kung sinong Poncio Pilato na 'yon na gusto niya. Masakit man aminin, mas nadismaya siya nang malaman niyang may gusto na pala itong ibang lalaki. "Mommy, I'm home!" Naputol ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang pamilyar na malambing na tinig na iyon. Dumako ang tingin niya sa babaeng kapapasok lang ng sala habang pababa siya ng hagdan kasunod ng mommy niya at Tita Sandra. Snoopy? "Oh, look, Gracia, that's my daughter," buong pagmamalaking sabi ni Tita Sandra sa mommy niya. Napakurap siya. Si Snoopy nga iyon. Naniniwala na siyang maliit nga ang mundo dahil nagkataon pang ang ina pala ng dalaga ang long-lost childhood friend ng mommy niya. Humalik sa pisngi ng ina nito si Snoopy, pagkatapos ay sa pisngi naman ng mommy niya. Pagkatapos ay dumako ang tingin ng dalaga sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya, samantalang ngumiti siya nang napakatamis, lalo na ngayong maraming laman na "brilliant ideas" ang isip niya. Ibinuka niya ang mga braso niya saka walang babalang niyakap si Snoopy. "Snoopy, my friend!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD