CHAPTER 36 THIRD PERSON POV Pagkatapos ang pangyayaring iyon lumipas ilang buwan naging mas malapit sila sa isa't isa. Isang hapon, matapos ang mahabang araw sa ospital, nagpasya si Heaven na umuwi na nang mas maaga kaysa sa dati. Pagdating niya sa kanilang garden—ang malawak na likod-bahay ng Britchman estate—napansin niyang may kakaibang nangyayari. May mga bulaklak na nakakalat sa sahig, at mga ilaw na palamuti na tila bumubuo ng isang daan patungo sa gitna ng hardin. “Anong nangyayari dito?” mahina niyang tanong sa sarili, habang unti-unti siyang naglalakad patungo sa dulo ng daan. Pagdating niya sa gitna ng hardin, natigilan siya. Naroon si Dayrit, nakasuot ng puting polo at nakaluhod sa harap ng isang mesa na puno ng mga rosas. Sa kanyang tabi, hawak ni Zarah ang isang maliit n

